One

207 7 0
                                    

Pitong araw na ang lumipas simula nung nakipaghiwalay ako kay Alden. Pagkatapos ng paguusap namin nung gabing yun ay diniactivate ko ang lahat ng social media accounts ko, pinutol ko ang sim ko at lumipat na ako ng condo dahil alam kong susundan ako ni Alden kung nasaan man ako.

Kasalukuyan kong binabasa ang isa sa mga paborito kong sulat ni Alden sa akin. At hindi ko nanaman mapagilan na mapaiyak.

To My Ever Dearest : Maine Mendoza - Richards

Hi Gorgeous Lady! Miss na miss na miss na miss na kita Maine. Kamusta kana? Kumakain ka ba ng maayos? Huwag mo pababayaan sarili mo dyan sa New York ha? Mag iingat ka palagi dahil mahal kita at magpapakasal pa tayo paguwi mo dito sa Pilipinas. Huwag na huwag kang magtangkang manlalaki dahil malalaman ko yan at agad akong lilipad papunta dyan sa New York para pasabugin ang mukha ng ipapagpalit mo sa akin.

Gusto kitang yakapin ngayon pero hindi pwede kaya ang anak nalang natin na aso na si Dubby ang niyayakap ko. Gusto kitang ipasyal dito pero hindi pwede kaya si Dubby ang laging kadate ko. I love you Maine from the bottom of my hypothalamus. I love you to the moon and back Maine and I can't wait to see you wearing your simple long white gown, and you look gorgeous and stunning while walking with your smile in your face.

Alam mo bang ayan ang napaginipan ko kanina ha baby? Napaginipan ko na nagpakasal tayo kaya nagsulat ako ng korning bagay sa journal ko para naman mabasa mo. Hehehe

Nicomaine, Mahal na mahal ka ni Alden Richard. Sana magkasama na tayo mahal. I love you so much.

Nagmamahal, Alden.

Habang binabasa ko ang mga ito walang tigil ang luha ko. Dati ay kapag binabasa ko ito abot langit ang saya ko pero ngayon ay hindi ko na magawang kiligin sa kakornihan ni Alden.

"Maine?"

"Po, Kuya Paolo? Pasok ka!" Agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili dahil ayaw kong makita ng ibang tao na nasasaktan ako.

"Meng, Umiiyak ka na naman ba? Kumain ka na. Intindihin mo nalang si Lola" Naglapag siya ng Macaroons sa tabi ko, Gusto ko man lantakan agad yun ngunit wala talaga akong gana.

"Kuya, Kung sayo kaya gawin yun habang may boyfriend ka matutuwa ka? Makakaya mo ba iyon ha Kuya Pao? Lalo na kung ipapakasal sayo ay hindi mo kilala!?"

Tumabi lalo sakin si Kuya Pao at umakbay sa akin.

"Meng, Ibang usapan yan. Jojombagin ko si Lola wag lang ako pakielaman. Bakit kasi ayaw mo magsalita? Lagi ka kasing tahimik"

"Wala naman saysay kung magsasalita at magrereklamo pa ko. Wala rin naman akong magagawa. Kaya mag papaka shunga lang ako dito! Ang gwapo gwapo at mahal na mahal ako ni Alden tas ganto gagawin ko sa kanya?! Nakakahilo! Nakakahilo as in!"

"Oo nga! Agaw trip yun si Lola! Hindi ko na tuloy makikita yung boyfie mo. Hihihi" Hagikhik ni Kuya Paolo habang tinitingnan ang picture ni Alden.

"Haynako Kuya. Kung may magagawa pa ako. Gagawin ko lahat. Maging maayos lang ang lahat. Huwag ko lang masaktan si Alden"

No Limits (ALDUB FANFICT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon