"Maine, Sumama ka kay Paolo iho. Mag libot libot kayo dito sa New York" Sabi ng lola sa akin, at umupo siya sa gilid ng kama ko."La, wala akong gana tinatamad ako. Sorry po. Gusto ko lang mag pahinga" Tinakpan ko lalo ang mukha ko ng unan upang hindi makita ni Lola na mugto ang mga mata ko.
"Galit ka ba sa akin Maine? Pasensya ka na apo kung nagagawa ko sayo ang mga bagay na ito"
"Okay lang po La, Iwan niyo na po ako" Sinunod naman agad niya ang nais ko.
Naiiyak na naman ako! Miss na Miss ko na si Alden. Gusto ko lang siya mayakap pero mas lalong napaka imposible mangyari iyon! Dalawang buwan na kaming hindi naguusap ni Alden. I miss him very much.
Tumayo ako at kinuha ko ang napakalaking kulay pink na teddy bear sa closet ko. Ipinadala ito ni Alden sakin noong first anniversary namin, May kasama pa itong mga korning love letters at flowers. Korny nya pero grabe kilig ko nung natanggap ko ang mga ito.
Niyakap ko ng mahigpit ang teddybear at hindi ko na naman napigilan na maiyak.
Flashback
"Hey Maine" Niyakap ako ni Alden mula sa likod.
"Hmm?" Sagot ko sa kanya. Ineenjoy ko ang moment naming dalawa. Nandito kasi kami sa New York. Sinundan niya ako dahil ay namiss niya daw ako ng sobra samantalang kaaalis ko lang noong nakaarang buwan.
"Isang taon na tayong nagmamahalan at magmamahalan pa Nicomaine, Pero bakit naadik pa din ako sa bango mo?" Hinalikan ko ang pisngi niyang may dimples at muling tumingin sa dagat ng may ngiti sa mga mata.
"Den, Mahal kita kahit na bumaho pa ako. Ikaw lang mahal ni Nicomaine Dei Mendoza" Mas lalong humigpit ang yakap niya at sinubsob ang mukha niya sa buhok ko.
"Mahal na mahal ka din ni Richard Faulkerson Jr."
End of flashback
Isa ang mga araw na iyon sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Kahit na fifteen years old lang ako at siya ay eighteen years old ay masaya ako sa piling niya at kahit minsan lang kami magkita, Noong una nga ay hindi kami nagkikita puro sa laptop at phone lang kami nagkikita.
Matagal na kaming magkakilala ni Alden since elementary pero hindi kami nagpapansinan, Noong makalipas ang ilang taon naging magkaklase kami noong highschool na kami, naging close kami at naging inseperable bestfriends at ang naging ending nahulog kami sa isa't isa.
Those days was so perfect for us, Nagagawa namin ang mga bagay na gusto namin gawin katulad ng pamamangka at pangingisda sa farm namin, Tapos ay ipagluluto ko siya at matutuwa na siya doon sa niluto ko kahit simpleng pritong isda lang ito.
I love Alden so much kaya sobra akong nasaktan ng banggitin ni Lola na kailangan na namin maghiwalay ni Alden. Pitong taon na kaming nagmamahalan ng masaya at lumalaban sa time and distance tapos ay biglang may eksenang kasalan? Ang alam ko lang ay magaaral at magtratrbaho ako dito habang nagmamahalan kami ni Alden pero bakit ganun?! Bakit ganto ang nangyari?
BINABASA MO ANG
No Limits (ALDUB FANFICT)
FanfictionWalang limitasyon pagdating sa pag ibig, Kahit na napakalayo niyo sa isa't isa ay pareho parin kayong nagmamahalan ngunit paano kung mapaglaruaan kayo ng tadhana habang kayo ay magkalayo parin? Makakaya niyo pa rin kayang ipaglaban ang pagmamahalan...