Four

141 7 0
                                    


"Kuya Paolo! Paopen naman ng skype kailangan kong kausapin si Alden!"

Gulat na gulat si Kuya Pao dahil nakangiti na ako kahit na mugto ang mga mata ko. Yinakap niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Sa wakas Meng! Akala ko ay magpapatalo ka kay Lola! Hala sige dali kanina pa chat ng chat si Alden sa fb ko! Online siya sa skype waiting ang peg!"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni kuya at umupo agad ako sa harap ng laptop ni Kuya Paolo. Tinawagan ko agad si Alden at agad din naman niya itong sinagot.

"Kuya Pao--"

"Mahal!!!!! I miss you so much!!"

"Maine!!!!! Maine!! Miss na miss na kita! Bakit ba hindi mo ako kinakausap-"
Kitang kita sa mga mata ni Alden na umiyak siya at ramdam kong nasaktan siya sa ginawa kong katangahan.

"Oh my Gosh Alden! Bakit ganyan ang itsura mo mahal?! Pinabayaan mo ba sarili mo?! Baby! Bakit ganyan itsura mo?!" halos gusto ko ng pumasok sa screen ng laptop para mahawakan ko ang mukha ni Alden pero hindi talaga pwede eh.

"Meng shunga lang? Halos dalawang buwan kang snobber at emotera doon sa kwarto mo magtataka kung bakit ganyan yan si Alden? Ikaw nga e kala mo kinagat ng ipis mata mo, maga pa mukha mo. Eww so ugly!" pang aasar sa amin ni Kuya Pao.

"Maganda pa rin naman po si Maine, Kuya. Siya lang ang pinaka maganda para sa akin" Ngumiti si Alden pagkatapos niyang banggitin iyon at bigla akong nakaramdam ng pagiging kalmado.

"Ay ano to?! Magbobolahan kayo ganun? Kung mag usap na kayo no?! Pumunta kana dito Alden!" Nakiusap ako kay Kuya Pao na iwan kami para makapag usap kami ni Alden buti nalang at pumayag siyag

"Hi?" nahihiyang sabi nya.

"Im sorry mahal" Sagot ko naman. Pagkatapos kong sabihin yun ay tumulo na ang mga luha ko.

"Shhh, Tahan na ..." Lumapit sya sa monitor, Parang pinupunasan nya ung screen kung saan nandun kami naguusap.

"Sorry Alden, Sorry talaga ...."

"Sorry, Sorry kung wala ako dyan para punasan yang luha mo. Maine I love you, So much"

"Ipapakasal ako ni Lola sa apo ng kaibigan niya. Kaya nakipaghiwalay ako sayo, Alden hindi ko kaya. Ayoko makasal sa iba sayo lang gusto ko"

"Shh, Don't worry. Huwag ka ng umiyak. Nangangayayat ka na oh. Kumakain ka ba?"

Alden, Bakit ka ganyan? Ang gwapo mo talaga. Kaya mahal na mahal kita.

"I love you Richard Faulkerson Jr."

"Tinatanong po kita Queen of Dubsmash kung kumain ka pa ba sa lagay mong yan? Huwag mo ako pakiligin. Buong buo pa yang pangalan ko" Sumimangot siya at tinikom nya ang mga labi niya na parang pinipigilan yung pag ngiti.

"Kumakain ako, Tubig" Napangiti ako, Alam kong magwawala na yan in 3 2 1 ....

"Naku naman Maine Faulkerson!!! Ang payat payat mo na!!! Hindi ka pa kumakain!!" Kinilig naman ako bigla dun sa Maine Faulkerson. Ewan ko ba, ganyan naman lagi sya kapag nagagalit sakin pero nakukuha parin niyang magpakilig.

"Cute mo.."

"Maine, Isa"

"Ang gwapo mo pa oh." Tinuro ko pa sya bago ako nag pogi points.

"Nicomaine, Dalawa"

"I love you Denden. Hehe"

"Ganon? Ganyanan ba ha Mrs. Nicomaine Dei Capili Mendoza Faulkerson ha? Ganyanan?" Umupo sya ng tuwid at kinunot ulit ang kanyang noo.

Totoong tao pa ba to? Grabe na nga magpakilig ang gwapo pa!

"Uhmm.." Yumuko ako at napangiti, dahil siguro sa tuwa dahil maayos na kaming dalawa.

"Okay, Next week sunduin mo ako sa Airport. Aayusin ko problema natin. Can't wait to see you baby"

Sabay log off...

No Limits (ALDUB FANFICT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon