Six

133 7 0
                                    

Thursday na ngayon at eto kami ni Kuya Paolo naglilinis ng condo unit ko.

"Yan talaga si Lola ang daming alam! Tanggalin ko kaya lungs nun! Pinabalik ka sa bahay ngayon pinabalik ka dito!" Reklamo ni Kuya Pao.

"Kuya okay na yun, Kaysa naman ikasal ako next month diba?! Nakausap na daw ni Lola yung kaibigan nya. Mapilit pa rin daw ito pero pumayag naman na next year nalang"

"Bangenge talaga yung kaibigan ni Lola. Goodluck nalang kung pumayag ka pa next year no! Haler. Kulang nalang ang kasal sa inyo ni Alden!" Dahil dun sa sinabi ni Kuya Pao ay nag init na naman ang tenga ko at namula nanaman yata ang mukha ko.

"K- Kuya naman! Anong kasal?! Bata pa kami no!"

"Hoy Menggay! Narinig kita kahapon nagtititili ka sa kwarto mo! May abs na pala si Alden! May abs na pala si Alden!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Kuya. Narinig kaya ni Lola iyon?! Ayan kasi! Ang kerengkeng mo Nicomaine! May pa tili tili ka pa!

"Eh? B-bakit mo pinakinggan?! Privacy naman Kuya oh!" Pumunta ako sa kusina at doon nalang ako magaayos baka mamaya ano pa sabihin nito ni Kuya.

"Yikee! Iniiwasan oh! Maine yung totoo?! Nakita mo na abs nya?! Pinakita niya!?" Kung kanina ay tenga lang ang mainit sakin ngayon ay parang uminit dito sa New York! Anong utak ba meron ito si Kuya Paolo at napaka advance mag isip?!

"K-kuya! Hindi! Kausap ko si Tito tapos ano, Tapos lumabas sya ng cr. Tapos kaliligo lang tapos walang damit. Tapos naka tuwalya lang! Anong pinakita ka dyan?!"

"Oh?! Ang hot siguro ni Alden nun kaya ka namumula dyan! Yiee! Magpakasal na kasi kayo! Unahan nyo na si Lola!" Binato ko kay kuya ang towel na hawak ko dahil sa walang tigil ang bibig nito.

Biglang nagring ang cellphone ko at nandoon ang pangalan ni Alden na tumatawag sa video call agad ko naman itong sinagot.

"Baby?" Teka?! Bakit ganto boses nito? Nakakapanghina ng tuhod. Tiningnan ko si Kuya Paolo na nanunuod sa akin at may ngisi sa mukha na ang sarap burahin.

"Yes po?"

"Galit ka ba? I miss you." Alden maghunus dili ka! Sana maramdaman mo na nandito si Kuya Paolo!

"Huh? Hindi no. I miss you"
Sagot ko naman sa kanya at ngumiti ako ulit.

"Pftt. Pabebe pa" Mahinang sabi ni Kuya Pao pero narinig ko kaya nilingon ko siya at nakitang humahagikhik mag isa dun sa lamesa.

"Nasaan ka? Sino kasama mo?"

"Ah. Nandito sa condo pinabalik na ko dito ni Lola. Si Kuya Pao kasama ko" Itinapat ko ng maayos ang phone sa mukha ko at inayos ko ang buhok ko sa harap ng screen dahil nakikita ko din ang sarili ko doon.

"Ayos pa more, Paganda pa more para sa abs Menggay!" Medyo malakas na sabi ni Kuya Pao kaya napatingin ulit ako sa kanya

"Kuya Paolo ha! Bubugahan na kita ng apoy dyan! Ka ka abs mo!" Sigaw ko kay Kuya Paolo dahil kanina pa sya kunwaring nauubo tapos magsasabi ng "abs ni Alden".

"Baby? Nangbubuga ka na pala ng apoy?" Natatawa si Alden habang sinasabi niya ito.

"Ah? Eh? Hindi no!"

"Pinapatawa lang kita. To naman! Sige na po. Aalis na ako. Sunduin nyo ako ni Kuya Pao ha? Excited na kong makita ka! Ingat kayo. I love you, I love you, I love you Nicomaine"

"Sige, Ingat ka. I love you. Godbless! Matulog ka sa eroplano ha?! Ingatan mo sarili mo"

"Ingat Alden! Pasalubong namin ni Maine ha?!"

"Nako Kuya Paolo pinabox ko na dahil sa dami ng mga regalo ko para sa inyo. Sige po baka malate na ako sa flight ko"

"Sige na, Ingat ka ha? I love you" Ngumit ako at hinintay siyang magsalita ulit.

"I love you, Can't wait to see you"

No Limits (ALDUB FANFICT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon