Epilogue

1.6K 36 27
                                    

Epilogue



Dalawang linggo.........




Dalawang linggo na ang nakakaraan mula nung nagkausap kami ni Xander. Pagkatapos ng tagpo naming yun ay nagkaayos na kami. Kinalimutan na namin ang nangyari. Hindi naman kasi pwede na habang buhay akong galit sa kanya kaya pinatawad ko na siya. Nung makauwi ako mula antipolo ay kinausap ko rin si Mikaila. Naglabasan kami ng sama ng loob sa isa't isa pero pagkatapos nun ay napag desisyunan na rin namin patawarin ang isa't isa at tapusin na ang alitan namin. Ang sarap pala sa pakiramdam na wala ka nang kagalit, ang gaan sa feeling.




"Tulala ka ata diyan?" Tanong sa akin ni Xander. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa van. Andito ang buong pamilya ko at ilan sa mga kaibigan ko. Nasa kabilang van naman ang pamilya ni Xander at ilan pang mga kaibigan namin.




"Wala, may iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya. Sinuklian naman niya ako ng matamis na ngiti. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at siya naman ay hinawakan ang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, yung hawak na parang ayaw na niya ako pakawalan. Maya maya ay huminto na ang van na sinasakyan namin.




"We're here!" Sabi ni Mama sa amin. Pag lingon ko sa likod ay nasa likod na rin namin ang pangalawang van. Binuksan na ni kuya ang pintuan at nauna na siyang bumaba kaya sumunod na rin kami. Pag baba ko ay tinignan ko ang paligid. Maraming tao na may mga dala dalang maleta. May mga nakikita rin akong mga pamilyang nag iiyakan. Habang tinitignan ko sila ay bigla akong kinalabit ni Xander.




"Uy maleta mo." Sabi nito sa akin nung lumingon ako at inabot niya sa akin ang isang backpack at isang malaking pink na trolley bag. Kinuha ko ito at nagpasalamat sa kanya. Noong nakuha na ang lahat ng mga gamit ay naglakad na kami papasok sa airport. Noong malapit na kami ay huminto muna kami.




"Anak mag iingat ka sa New York ha?" Sabi sa akin ni Mom.




"Opo Mom, mag iingat po ako dun." Sabi ko kay Mom. Bigla niya akong yinakap at bigla siyang umiyak.




"Mom naman! Hindi ako makakaalis nito eh." Sabi ko kay Mom habang humihikbi. Humiwalay naman ng yakap si Mom.




"Basta anak pag may kailangan ka dun tawagan mo lang kami ng Dad mo ha?" Sabi sa akin ni Mom at tumungo naman ako. Yinakap ko muna ang buong pamilya ko. Pagkatapos kong yakapin sila ay pumunta naman ako sa mga kaibigan ko. Isa isa ko rin silang yinakap. Noong si Rafael na ang yayakapin ko ay nagsalita ako.

Through The Rain (How To Love Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon