Chapter Twenty One: He's The Man Who Can't Be Moved

1.2K 41 8
                                    


"Alam mo pinagpalit ka na eh kaya dapat hindi mo na siya iniisip. Dapat lahat ng mga alaala niyo hindi mo na dapat inaalala. Iniwan ka binabalik balikan mo pa rin? Hindi ka santo para magpaka martyr. Tao ka. Kung siya masaya na sa iba dapat maging masaya ka na rin. Hindi yung nagpapakasaya na siya tapos ikaw nagluluksa pa." -Kean Irvings






Chapter Twenty One: The Man Who Can't Be Moved.





"Kean???" medyo garalgal nasabi ko nung nakita ko kung sino yung tumapik sakin.




"Hey Raiven! What's up? Umiiyak ka ba?" Tanong niya sa akin. Bigla naman akong nagpunas ng mga luha ko.




"Huh? Hindi ah." Sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko. Ayoko sa lahat ay yung kinakaawaan ako.




"You're lying." Sabi niya sa akin with his matching american accent.




"Tss.... Hindi nga eh." Pagpupumilit ko sa kanya. Bigla niya akong inabutan ng panyo.




"Para saan itong panyo?" Tanong ko sa kanya.




"To wipe your tears." Sagot niya. "Kamay mo na lang ba gagamitin mo pangpunas ng mga luha at uhog mo? And I already caught you crying so don't deny anymore." Dugtong niya. Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ito. Nahuli na nga ako tatanggi pa ako?




"Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa lugar na ito?" Tanong niya sa akin.




"Wala nagpapahangin lang ako." Sagot ko sa kanya.




"Nagpapahangin eh bakit dito pa sa rooftop na to. Pwede ka naman magpahangin sa ibang lugar?" Sabi niya sa akin. Tinignan ko siya ng confusing look. "Siguro pumunta ka dito para alalahanin lahat ng memories niyo ni Xander no?" Dugtong niya at nagulat ako dun.




"Paano mo alam? Tyaka ano ba ginagawa mo dito?" tanong sa kanya. Paano niya nalaman ang mga nanyari samin ni Xander sa lugar na ito?

Through The Rain (How To Love Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon