Chapter Five: Memoirs Of An Imperfect Angel Pt. I

2.5K 62 5
                                    

 [A/N] Hello po! Eto na ang pinakahihintay niyong chapter pero hinati ko po ito sa two parts kasi masyadong mahaba. Sorry kung natagalan. Must read po itong chapter na ito at ang susunod dito kasi dito malalaman ang dahilan ng paghihirap ni Raiven. BTW Dedicated to kay @Malebolge dahil sa galing niyang magsulat. Gravity! Pinapaiyak niya ako dun sa story niyang Bittersweet:) Enjoy reading po:) 

——————————————

-Promise I will love you forever tyaka lagi kitang proprotektahan at hinding hindi ko hahayaang masaktan ka. If I have to offer my life just to save you I'll do just to protect you."- Juan Rafael Lim



Chapter Five: Memoirs Of An Imperfect Angel Pt. 1




Raiven's P.O.V.




 Natapos na ang unang araw ko sa CSPV ngayon at naging maayos naman ito.Andito ako ngayon sa kwarto ko kasama si Tina na kasalukuyang kausap ko ngayon. Oo, si Tina lang ang kasama ko ngayon.Hinihintay pa namin ang buong barkada pati si Xander




"Raiven ready ka na ba?" Tanung sa akin ni Tina.




"I don't have a choice te. Eto na ang tamang panahon para malaman ng lahat ang katotohanan." Sabi ko sa kanya. Tinapik na lang niya ang likod ko. Maya maya bumukas na ang pintuan at isa isang nagsipasukan ang barkada at huling pumasok si Xander. Nung tinignan ko ang mga mukha nila ay seryoso ang mga mukha nila tapos tinignan lang ako ng malamig ni Xander. Nung nakapasok na ang lahat ay naghanap na sila ng kani-kanilang mga pwesto.




"Guys-" Magsasalita sana ako pero biglang pinutol ni Xander ang sasabihin ko.




"Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa Raiven, magsalita ka na para matapos na ito." Deretchong sabi sa akin ni Xander. Jusko! Galit siya sa akin! Kasi pag tinawag niya ako sa pangalan ko ibig sabihin seryoso siya o galit siya.




"Spill it out teh." sabi naman ni Avan. Mukhang galit nga ata sila sa akin.




"Ok. So ganito yun......." Panimula ko




Flashback:




Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ko. Ako pala si Kyle, isang baklang nerd. Lagi akong binubully dito pero buti na lang may mga kaibigan akong nagtatanggol sakin. Papasok na ako sa klase ko ng biglang may humarang sakin.

Through The Rain (How To Love Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon