"My heart is being stabbed everytime I see him cry and I can't stand stand it, hindi ko kayang makita siyang umiiyak." - Juan Rafael Lim-
Chapter 10: It Hurts
Rafael's P.O.V.
"Raf shot pa!" Sabi ni Raiven sakin. Andito kami ngayon sa isang bar malapit sa Taft Ave. na ang tawag ay "Barn". Isa ito sa mga sikat na gimikan dito sa Manila at karamihan sa mga gumigimik dito ay mga taga La Salle. Nasa likod lang ito ng Archers Condominium at napapalibutan din ito ng mga condo na karaniwang nakatira ay taga DLSU at CSB kaya talagang maraming gumigimik dito lalo na pag thursday.
"Raiven tama na. Andami mo nang naiinom oh!" Sabi ko sa kanya pero tuloy tuloy lang siya sa pag inom. Wala siyang tigil sa pag inom.
"Asus! Tumigil ka! kaya ko pa! di pa ako lasing!" Sabi naman niya. Ang lakas niyang uminom. Nasaktan talaga siya. Buti na lang sinundan ko siya nung umalis siya.
Throwback....
"Rafael! ang sakit! ang sakit sakit!" Sabi sakin ni Raiven. Yakap yakap ko siya ngayon
"Ok lang yan Raiven... Ok lang yan" Sabi ko sa kanya.
"Ok? Letche Rafael! Hiniwalayan ako ni Xander dahil sa pesteng selos na yan!" Sabi niya sakin.
"Selos? Kanino?" Tanung ko sa kanya.
"Selos sayo!" Sabi niya sakin at nabigla ako dun. Si Xander nagseselos sakin.
"Bakit ba kayong mga lalaki ang hilig manakit?" tanung niya sakin. Di ako nakasagot dun. Alam kong nasaktan ko siya noon.
"Raiven tahan na." Sabi ko na lang. Bigla siyang tumayo at akmang aalis.
"San ka pupunta?" Tanung ko.
"Maglalabas ng labas ng loob." Sabi niya habang humihikbi pa.
BINABASA MO ANG
Through The Rain (How To Love Book II)
Novela Juvenil[BxB] College life, Dito mararanasan nina Raiven at Xander ang mga kaloka-lokang pagsubok na susubok samahan at katatagan nila. Paglalaruan sila ng tadhana. Dito din babalik sa buhay ni Raiven ang mga taong sumira sa kanya noon, Si Rafael na ex ni R...