“Sa tingin mo isusuko ko na lang ng ganun si Xander ha? Once na makita ko nillaandi mo siya sisiguraduhin ko sayo na ako mismo ang papatay sayo” .–Raiven Kyle Del Valle-
Chapter 15: Always a B**ch
Raiven’s P.O.V.
*Kring Kring Kring*
Himbing na himbing ako sa pag tulog nang biglang tumunog ang alarm clock ko sa iPhone ko. Oh my God Monday na naman nakakatamad. Kinuha ko ito at pinatay at muling natulog ulit. Nasa kalagitnaan ako ng pag tulog ko ng biglang naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin.
“Hoy Raiven Kyle gising na! Tanghali na noh! Kala mo di ko alam ang schedule mo? Gumising ka na diyan ano ba?” Pangungulit sa akin ni Mom. Napabagon tuloy ako sa sinabi niya at kinuha ko muli ang iPhone ko. Pag tingin ko sa orasan ng phone ko ay 7:18 na pala.
“SHIT!” Napamura ako. Takte 9:30 pasok ko at 7:18 na. Sa Taft Avenue pa naman ang school ko. Bumangon na ako at binuksan ang cabinet.
“Maligo ka na at ready na ang pagkain sa baba.” Sabi sa akin ni Mom at pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto ko.
“SHIT!” Sa pangalawang pagkakataon ngayong umaga ay napamura na naman ako. Hindi ko alam ang susuotin ko ngayong araw. Tinignan ko ulit ang oras at 7:23 na. Dahil sa sobra kong pagmamadali ay kumuha na lang ako ng simpleng damit at dumeretcho na sa banyo. Nag shower ako at pagkatapos ko mag shower ay nag bihis na ako. Pag baba ko ay ready na ang pag kain.
“Anak kumain ka na!” Sabi sa akin ni Mom. Napangiti ako, pinapatunayan niya talaga na babawi siya sa akin.
“Mom mamaya na lang! Late na ako!” Sabi ko sa kanya.
“Sige ingat.” Sabi niya sa akin. Lumabas na ako ng bahay at sumakay na ako sa kotse ko. Habang nag d-drive ako papunta sa school ay naalala ko yung mga nangyari sakin ngayong weekend. Nung Friday nag cool off kami ni Xander tapos nag lasing ako then sinamahan ako ni Rafael. Sabado ng umaga nagising na lang ako na nandun na ako sa condo ni Rafael dahil dinala niya ako dun dahil sa tindi ng kalasingan ko. Nung paalis na ako sa condo niya ay dumating si Brianna at nung pag alis ko dun yata sila nag kahiwalay. Sabado naman ng gabi nang nagkita kami ni Rafael at dun formally na nagkabati na kami pero umamin siya sa akin na mahal pa niya ako pero tinanggihan ko siya. Then pag uwi ko nun ay bumalik na pala si Mom. Nung una hindi ko siya matanggap pero sa huli hinayaan ko na rin siya na makabawi sa akin. Then kahapon which is linggo ay nalaman ko kung sino ang totoo kong mga magulang nalaman ko din na kakambal ko pala si Mikaila. Speaking of Mikaila hinding hindi ko siya matatanggap. After all of what she did to me? Over my dead sexy hot glamorous body, NO. Hinding hindi ko rin hahayaan na maagaw niya sa akin si Xander
BINABASA MO ANG
Through The Rain (How To Love Book II)
Fiksi Remaja[BxB] College life, Dito mararanasan nina Raiven at Xander ang mga kaloka-lokang pagsubok na susubok samahan at katatagan nila. Paglalaruan sila ng tadhana. Dito din babalik sa buhay ni Raiven ang mga taong sumira sa kanya noon, Si Rafael na ex ni R...