"Sige pag makikinig ako anong sasabihin mo ha? Mga kasinungalingan na naman? Sasabihin mo sakin na mahal mo pa ako? Tapos ano? Maniniwala ulit ako sayo tapos sasaktan mo ulit ako? Aba tama na! kotang kota na ang puso ko! Sawang sawa na ako masaktan. Alam mo kung mahal mo talaga ako edi sana noong una pa lang hindi mo na ako sinaktan" -Raiven Kyle Del Valle-
Chapter Twenty Three: Trying, Hoping, Wishing.
Raiven's P.O.V.
Katatapos lang ng gig ko sa bistro. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon dahil nasa malayo nakapark ang sasakyan ko. Sa paglalakad ko ay bigla kong naisip ang desisyon na ginawa ko. Isang desisyon na sa tingin ko ay makakabuti sa aming lahat.
"Haayy... Sana tama tong gagawin ko." Sabi ko sa sarili ko. Eto kasi ang naiisip kong desisyon para matahimik na kaming lahat, para wala nang masaktan samin.
Habang nagalakad ako ay biglang may itim na van na tumigil sa harap ko. Biglang bumukas ang van at iniluwa nito ang mga nakaitim na lalaki na may face mask at pinalibutan agad nila ako.
"Wag ka na manglaban sumama ka na sa amin." Sabi nung isang lalaki. Yun yata yung parang tumatayong leader nila.
"Eh kung ayoko? Anong gagawin niyo? Sapilitan niyo akong isasama sa inyo? Bibigyan ko muna kayo ng black eye bago niyo mangyari yan." Sabi ko sa kanila. Biglang nag snap yung isa sa kanila tapos bigla na lang may panyong tumakip sa mukha ko. Sinubukan ko manglaban pero mahigpit ang pagkatakip ng panyo sa mukha ko hanggang sa unti unti na akong nawalan ng malay.
3rd Person P.O.V.
"Ok na ba? Nakuha niyo na ba siya?" Tanong ng isang bakla sa kausap niya sa kanyang cellphone.
[Oo! Ok na! Nasamin na siya!] Sagot naman ng kausap nito.
BINABASA MO ANG
Through The Rain (How To Love Book II)
Novela Juvenil[BxB] College life, Dito mararanasan nina Raiven at Xander ang mga kaloka-lokang pagsubok na susubok samahan at katatagan nila. Paglalaruan sila ng tadhana. Dito din babalik sa buhay ni Raiven ang mga taong sumira sa kanya noon, Si Rafael na ex ni R...