[Inoue's POV]
Matapos sabihin ni Keito iyon ay natahimik ako. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko malaman pero iisa lang alam ko, masaya ako malaman iyon.
"Where are you going after this" Nasa kanya kanya na kami sasakyan. Papasok palang ako sa loob at sya naman ay nakasandal lang sa pinto ng sasakyan niya.
"We have a family picnic, pupunta ako doon" Tumango tango lamang siya and just smile. Bakit ba kapag ngumingiti siya mas lalo ako naakit na tignan lang siya, magkatulad sila ng ngiti, magkatulad na magkatulad. Ang hugis ng labi nito at pantay pantay na mga ngipin. Nagpaalam na ako sa kanya.
"Pwede ba ako sumama" Na ehinto ko ang sasakyan sa sinabi niya. Napakurap kurap pa ako. Nagulat kase ako.
"Bakit?" He shrugged his shoulder.
"I want to meet your family, especially your daughter" Mas lalo nanlaki ang mga mata ko nung madinig ang sinabi niya. Daughter? Napaisip ako. Wala ako matandaan na binanggit ko sa kanya si Aiko. Tinignan ko siya ng makahulugan. Nakangiti lang siya sa'kin pero unti unti napawi ang ngiti niya sa sunod na sinabi ko.
"How did you know that I have a Daughter?" Doon ay nagsisimula na naman ang paghihinala ko lalo na nung makita ko sa mukha niya na para siya binuhusan ng malamig na tubig. Parang hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.
"Sai-- Keito" muntik ko na naman tawagin siyang Saito. Mas lumalakas ang tibok ng puso ko sa nakikita ko expression niya na hindi malaman ang sasabihin. Hanggang sa napahawak na lamang ito sa batok at nakahalf smile na nakatingin sa'kin. Para ako natutunaw sa klase ng tingin niya na nagbibigay lakas ng kabog sa dibdib ko.
"Mukha mabubuko na ako ah" napapailing iling na bulong nito. Muli na naman niya ako tinignan.
"Mabubuko? Ano ibig mo sabihin?" mas lalo pabilis ng pabilis ang tibok ng puso. Ito na naman ako umaasa, umaasa na sabihin na niya sa'kin ang totoo. Umaasa na magtiwala siya sa'kin at aminin niya siya ang asawa ko. Halos mapatalon ako ng madinig na napamura ito.
"Paano ko ba sasabihin.." Napahimas himas siya sa noo niya.
"Sasabihin ang ano?" Nannginginig ang mga kamay ko, kinakabahan, hindi mapakali, inaabangan ang sasabihin niya, ang pagamin niya.
"I asked Mister Tambushi all about you.." nabagsak ang balikat ko sa nadinig. Para ako nanghina matapos ang sinabi niya.Ang buo akala ko aaminin niya na siya si Saito, pero mali ako. Hanggang kailan ako aasa.
"Nagulat ako sa inasal mo nung gabi iyon,I was so curious about you... so, ayon, I discovered that you have a Daughter" Hindi na ako nakapagsalita pa. Dahil makikita sa mukha ko ngayon ang pagkadismaya. Para gusto ko saktan ang sarili ko. Huwag ka na umasa, itigil mo na iyan Inoue!
"Kaya naman gusto ko makita ang anak mo, Zeo told me na kamukha kamukha ito ng asawa mo" Malungkot siya sinulyapan. Hindi ko kaya itago ang lungkot na nararamdaman ko at pagkadismaya. Pinilit ko ngumiti.
"T-Tara na, late na tayo" Pagyaya ko. Sumakay na kami sa mga kotse namin. Nagtungo kami sa Tree Park. Isa ito sa pinaka malaki park dito sa town. Ginagawa talaga pasyalan ito lalo na ng mga pamilya, napakalinis kase dito at magaganda ang tanim na bulaklak, meron din playground. Patuloy kase inaalagaan ito ng mayor dito, isa din ito masasabi asset sa town.
Nakarating na kami ni Keito sa lugar, ka baba ko palang ng phone nung sabihin ko nandito na kami. We park our car at bumaba. Hindi kase pwede ipasok ang sasakyan dahil masydao pagiingat sa environment doon. Para hindi ma pollute ang mga halaman. Kaya namana maglalakad na lang kami. Sinabi nila malapit sila sa playground dahil doon ang gusto ni Aiko. Naglakad na kami ni Keito.
"Why don't we rent a bike, malayo pa ang playground" Natigilan ako at nilingon siya.
"P-Paano mo nalaman na sa playground tayo pupunta?" Mahina tanong ko pero makikita na naman sa mukha ko ang paghihinala. Hindi niya sinagot ang tanong ko instead pumunta siya doon sa nagpaparent ng bike.
"Here" Inabot niya sa'kin ang bike and the helmet. Kinuha ko ito pero nanatili lamang ako nakatingin sa kanya. Isa palaisipan sa'kin paano niya nalaman na sa playground kami pupunta. Habang nagb-bike kami napapansin ko nakatingin siya sa'kin kaya naman medyo naiilang ako. Bakit ba siya tingin ng tingin. Maya maya ay nagulat ako nung e hinto niya ang bike ko gamit ang kamay niya. Nakatinginan kami. Wari binabasa naming ang mga mata ng isa't isa. Aaminin ko, sa bawat titig niya ay parang binabawasan niya ng kunti ang pangungulila k okay Saito, nakakainis isipin iyon dahil pakiramdam ko nagtataksil ako.
"We're here" tukoy niya. Doon ako nagising at pinagmasdan ang paligid. Namula ako malaman nandito na nga kami. Nakakahiya bakit hindi ko napansin, Argh, kahiya..
"Oh.." Iyon nalang nasabi ko. Hinanap ko na lang ang pamilya ko. Nakita ko kaagad si Aiko na naglalaro sa playground ng seesaw. Habang sa kabilang banda ay nandoon ang pamilya ko, hinanap ko si Zeo pero wala ito, sila Lolo, mama and papa lang.. kasama naman ni Aiko iyong katulong. Napangiti ako ng makita ang anak ko. Pupuntahan ko palang sila ng natigilan ako dahil nadinig ko napamura si Keito. At halos hindi ko namalayan ang napaka bilis nito pagpedal ng bike patungo kay...
"AIKO!" Napasigaw na lamang ako ng makita ang anak ko papunta sa kabilang kalye at meron rumaragasa saksakyan papalapit na dito. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Mabilis ako tumakbo para iligtas ang anak ko. Parang gumuho ang mundo ko nung makita malapit na mahagip ng sasakyan ang anak ko. Nagkagulo ang mga tao, Patuloy lang ang pagsigaw ko sa pangalan ng anak ko. Bakas sa mukha ko ang takot.
Nakita ko na lamang si Aiko na gumulong sa kabilang daan habang yakap yakap ni..ni.. Keito? Iyong rumaragasa sasakyan ay nakalayo na.
"Aiko..Aiko.." Agad ko hinawakan si Aiko, niyakap ko siya ng mahigpit, napaiyak ako sa takot. Halos manginig ako habang yakap yakap si AIko at sila mama naman ay kinamusta din si Aiko habang nanginginig ang boses nito. Hinaplos ko ang mukha ni Aiko at hinarap sa'kin..
"Aiko..Aiko, anak sabihin mo..may masakit ba sa'yo" Sinuri ko ang buo katawan niya pero wala ito reaction at imik. Doon ko na lamang napansin na kanina pa ito nakatingin sa iisa direksyon. Tinignan ko ito kung saan at sino ang tinitignan niya.
Halos madurog ang puso ko ng marinig ang sinabi ng anak ko.
"D-Daddy?" napapikit ako. Tukoy nito kay Keito Kitamura.
A/N:
Mystery/thriller po ito kaya natural na maging mysteryoso ang lahat heheh peace. Comment and Vote para tuloy tuloy na ang update at ganahan ako..
![](https://img.wattpad.com/cover/24937145-288-k712060.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSING HEART [Book2of BH] ONGOING
Mystery / Thriller[BOOK TWO OF BLACK HEART] The story of Inoue Kagawa-Saga, the wife of a famous BLACK HEART,Saito Saga. Her life after the death of her husband. How she live with out the man he love, her first love, husband and the father of her only daughter,Aiko...