MH-10

799 36 4
                                    

[Inoue’s POV]

 

“S-saito” patuloy na sambit ko habang patuloy din na tumutulo ang mga luha ko. Niyakap ko lang siya, niyakap ko siya ng sobrang higpit. Mas lalo ako naiyak ng maramdaman ko na siya. Totoo ba talaga ‘to? Siya ba talaga ‘to?

“I-Inoue” Nagulat na lamang ako nung tanggalin ni Zeo ang kamay ko sa pagkakayakap kay Saito. Nagkatinginan kami. Sumeryoso ang tingin niya sa akin at huminga ng malalim.  Pero hindi ko pinansin ang tingin ni Zeo t tinitigan ko lamang ang lalaki kaharap ko ngayon na nagtataka nakatingin sa akin.

“I’m very sorry Mister Kitamura, would you mind if we excuse for a while” Muli naluha ako nung titigan ko siya. Si Saito nga ito hindi ako pwede magkamali. Ang asawa ko’to. Pareho ayaw maalis ng mga mata namin sa isa’t isa. Hindi ko na naman kinakaya. Sobra miss na miss ko siya, balak ko hawakan ang pisngi niya nung pigilan ako ni Zeo at nagpaalam siya kay Saito. Hinila niya ako palabas ng restaurant ng hotel. Binitiwan niya ako nung medyo malayo na kami.

Patuloy ang paghahabol ko ng hininga. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Halo halo emosyon ang nararamdaman ko.

“S-si Saito iyon di ba?” malungkot na tinignan ako ni Zeo at umiling siya.

“I’m sorry, hindi siya iyon” Sa pagkasabi ni Zeo nun ay parang muli gumuho ang mundo ko. P-Paano hindi siya iyon. Magkamukha magkamukha sila at nararamdaman ko na si Saito iyon.

“Si Saito iyon, Zeo!” Para bigla ako nakaramdam ng panic. Nang dahil sa sinabi niya.

“Ang asawa ko iyon, sigurado ako! Bulag ka ba? Mukha iyon ng asawa ko!” pagpupumilit ko kay Zeo na paniwalaan niya ang nakikita ko. Gusto ko sabihin niya na hindi ako namamalikmata o nag iilusyon kagaya sa mga nangyari sa akin noon. Gusto ko manggaling mismo sa bibig ni Zeo na tama ako! Na buhay ang asawa ko. Hindi ko na malaman ang gagawin. Natigilan lang ako sa pagpanic nung hawakan ni Zeo ang magkabilang braso ko. Natigilan ako. Natahimik at napatingin sa mga mata niya. Nakikita ko ang awa. All these years iyan lagi ang pinapakita niyo sa akin kapag sinasabi ko buhay pa ang asawa ko. Kahit na ngayon nakikita na ng dalawa mga mata mo ang katutohanan buhay si Saito. Iyan pa rin ba nag ipapakita mo sa akin. Ang maawa? Umiwas ako ng tingin.

“Inoue, making ka. Mahalaga ang meeting na ito para sa company.Alam ko naguguluhan ka ngayon but don’t worry ipapaliwanag ko sayo ang lahat after natin magdinner kasama si Mister Kitamura”  Sunod sunod na paliwanag ni Zeo.  Hindi ako nakainimik. Iginiya niya ako pabalik sa restaurant. Nagpipigil lang ako ng iyak habang papalapit ng papalapit kay Saito. Kahit likod pa lang ang nakikita ko. Alam na alam ko na siya iyon. Kilalang kilala ko siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain siya. Wala ako sinasayang na oras o minuto na hindi ko man lang matitigan siya. Hindi siya tumitingin sa akin. Mas lalo ko naiisip na siya nga ito. Bakit Saito? Bakit kailangan mo ako iwan? Buhay ka pa pala pero hindi ka man lang bumalik sa amin. Kung ano ano na tuloy ang naiisip ko habang nakatingin sa kanya.

“Ganyan ba talaga ako kagwapo at hindi mo kaya alisin ang paningin mo sa akin Misis Saga?” Mas lalo sya gumwapo ngayon. Napakalinis niya tignan kahit ang haircut niya. Napakadisente niya. Ibang iba na siya kesa dati. Natigilan ako sa pag iisip nung tumikhim si Zeo. Tinignan ko siya pero saglit lang at ibinalik ko ang tingin kay Saito na ngayon ay nakangiti nakatingin sa’kin.

“You’re really interesting..” Bulong niya pero nadinig ko. Nakunot ang noo tinignan siya ni Zeo. Nag usap sila ni Zeo about sa company. Nagpipigil lang ako sa emosyon ko ngayon. Kase kanina ko pa siya tinitignan pero parang hindi niya ako nakikita. Kung umasta siya parang hindi niya ako asawa. Ano ba ang nangyari sayo. Huwag ka naman ganyan. Nahihirapan ako lalo. Madami ako gusto itanong sa kanya. Isa na doon kung bakit ngayon lang siya nagpakita after almost nine years. Pero kung umasta siya ngayon sa harapan ko para wala siya iniwan na asawa, anak o pamilya. Wala man lang guilty siya nararamdaman? Siya talaga si Black Heart wala siya puso.

 Parang may bumabara sa lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko ng emosyon. Bigla ako napatayo kase hindi ko na kinaya pa. Halo halo emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na buhay siya pero parang gusto ko siya saktan ngayon sa ginagawa niya.Sa ginagawa niya parang hindi niya ako kilala.

 Natigilan sa pag uusap sila dalawa at napatingin sa akin. Tinignan ko si Saito ng masama. Mukha nagulat pa siya sa klase ng titig na ipinakita ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak ni Zeo sa kamay ko na parang sinasabi umupo at kumalma lang.

“Pupunta lang ako sa restroom” pagpaalam ko. Umalis na ako. Halos manghina ang mga tuhod ko habang naglalakad pero pinilit ko maging matatag. Pinilit ko mawala ang galit na nararamdaman ko ngayon at mapalitan na lamang iyon ng kasiyahan dahil buhay siya. Sa wakas buhay ang lalaki mahal ko.

Nakatinging lang ako sa salamin. Pinagmamasdan ko ang walang tigil na paglabas ng mga luha ko. S-siguro tears of joy ito. Pinunasan ko na ang mga luha ko. Inayos ko ang buhok ko at naglagay ng kunti make up para manatili maganda. Bago ako tuluyan lumabas ng restroom ay huminga ako ng malalim. Pinapakalma ko ang puso ko. Natatakot ako na baka paglabas ko ay isa lang pala malaki panaginip ang lahat. Naglakas loob ako. Bumalik na ako sa table namin. Halos makaramdam ako ng takot nung  ang nakita ko na lang ay si Zeo.

“Nasaan na si Saito?” Muli nakaramdam ako ng panic. Hindi iyon panaginip kanina. Alam ko na siya iyon.

“Umalis na si Mister Kitamura” nanlaki lamang ang mga mata ko sa sinabi niya. Para tumigil ang ikot ng mundo ko sa sinabi ni Zeo. Umalis na siya? Iiwan na naman niya ako? hindi pwede!

“Inoue!” tawag ni Zeo pero hindi ko na siya pinansin. Dumiretso ako sa parking lot. Alam ko dun siya pupunta. Nahirapan pa ako tumakbo dahil sa takong ko. Pero tinanggal ko ito at nakapaa lang ako tumatakbo. Nakarating ako sa parking lot. Halos mabaliw ako sa kakahanap nung bigla maynahagi ang mga mata ko.

“S-Saito?” tinignan ko pa ng mabuti. Nakita ko ang isa lalaki pasakay na sa kotse niya at ngayon paalis na. Mas lalo ako nagpanic kaya binilisan ko ang pagtakbo.

“SAITO!” Tawag ko sa kanya. Takbo lang ako ng takbo habang hinahabol ang sasakyan niya. Patuloy ko tinatawag ang pangalan niya. Halos mawalan na ako ng boses pero hindi ako susuko. Hindi na ako papayag na mawala pa siya sakin.

Hanggang sa..hanggang sa…tuluyan na siya nawala sa paningin ko. Tuluyan na nawala ang sasakyan niya at nakalayo na. Napaupo ako sa sobra pagod. Doon din ay napahagulgol ako sa pag iyak. Sabay sa pagkawala niya sa paningin ko parang muli gumuho ang mundo ko. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakaupo sa labas ng parking lot at nagiiyak.

“Misis Saga?” Nang madinig ko ang boses na iyon natigilan ako sa pag iyak. Para ako nanigas sa gulat. Nakatingin lang ako sa sapatos niya. Inalalayan niya ako tumayo. Totoo ba ito? Bumalik siya? Bumalik na siya sa akin?

“Inoue, okay ka lang?” nakita ko ang pag aalala sa mukha niya. Hindi ko na natiis pa ang sarili ko at mahigpit ko siya niyakap at nagiiyak sa mga bisig niya.

A/N:

Yehay hindi na Onhold ang story. Ongoing na siya. Comments kayo ang vote para ganahan si Author na mag update ^^

Salamat.

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon