Hindi ko akalain umabot ka na dito sis :) salamat sa patuloy na supporta ^__^dedicated sayo.
[Inoue’s POV]
Bago ako sumakay ng sasakyan ay pinahid ko muna ang mga luha ko, muli ko na naman kase naalala ang nangyari kahapon. Ilusyon lang talaga ang lahat. Patuloy ko pinapaniwala sa sarili ko iyon.
“Iyong naglaro kahapon na number 11, hindi si Oki iyon, ibang tao iyon” Nasa kalagitnaan ako ng katahimikan at iniisip ang nagyari ng mga oras na iyon. Namilog lang ang mga mata ko sa sinabi ni Kai. Para bigla ako nabuhayan pero panandalian lamang iyon.
“Gusto mo ba alamin natin kung sino iyong nakita mo number 11?” pagyaya ni Kai. Bakit parang ang bait bait niya sa akin. Umiling ako.
“Umuwi na lamang tayo” Pagyaya ko sa kanya. Ayaw ko na malaman kung sino si number 11, natatakot na ako baka mas lalo ako masaktan. Patay na si Saito, ilusyon lamang ang lahat ng nakita ko noon at kahapon. Sumakay na ako sa kotse. Sabik na ako makita si Aiko, pero ayaw ko makita niya ako sa ganito na naman sitwasyon kaya dumiretso na lamang ako sa bahay. Gusto ko mapag isa ngayon. Umalis na si Kai at Rio. Ayaw umalis ni Kai pero sinabi ko sa kanya na gusto ko mapag isa. Dumiretso ako sa kwarto.
Napabuntong hininga. Muli ko na naman naalala ang nakita kahapon.
“Paano kung hindi siya ilusyon? Paano kung si Saito nga iyon?” Nabubuhayan ako ng pag asa pero agad din ito nawawala lalo na pagnaalala ko nung araw na namatay siya, nakita ko ang katawan at mukha niya. Si Asawa ko iyon.
Nagring ang cellphone, nakita ko tumatawag si Zeo Tambushi ang pinsan ko. Sinagot ko ito kaagad.
“Inoue, nakabalik ka na ba?” Tumango ako.
“Oo” wala s asarili sagot ko.
“Good! May family dinner tayo mamaya, pumunta ka” Balak ko sana tumanggi pero ibinaba na niya ang phone. Gusto ko mapag isa pero mukha hindi muna mangyayari iyon.
Nakarating ako sa mansion ng mga Tambushi. Hinanap ko kaagad si Aiko, sinabi nila na natutulog ito kaya nagtungo ako sa kanya silid. Nakita ko ang himbing ng tulog niya. Tumabi ako sa kanya at dahan dahan ko siya niyakap at hinalikan ang noo nito. Miss na miss ko ang anak ko, unti unti ko na naman nakalimutan ang mga nangyari sa tagaytay.
“Anak” Isinara ko ng dahan dahan ang pinto ng kwarto ni Aiko. Agad ako napalingon ng madinig ang boses ni Mama Remika. Nakita ko sa likod niya si kuya Lee. Hindi ko alam kung bakit agad ako lumapit sa kanya at niyakap siya ng sobra higpit. Naiiyak ako. Tumulo na ang mga luha ko.
“I miss you so much,Anak” niyakap niya rin ako ng mahigpit. Halos mag iisa taon na hindi kami nagkita ni Mama. Tumira kase sila ni Kuya Lee sa Ilocos, ikinasal na sila five years ago nung tuluyan na gumaling si kuya Lee galing coma. Umupo kami ni Mama sa tabi ng hagdan, at doon ko kwenento sa kanya lahat. ANg tungkol sa pag iilusyon ko. Niyakap lamang ako ni Mama.
“hindi mo pa rin matanggap na wala na siya..”malungkot na wika ni Mama.
“S-siguro nga, mama” Ilang taon na ang lumipas. Siguro nga kaya hanggang ngayon nagkakaganito ako dahil hindi ko pa rin siguro matanggap. Pinipilit ko tanggapin, minsan napapaniwala ko ang sarili ko. Siguro kaya hindi ko pa tanggap dahil sa nangyari iyon, noong nagpakita siya sa akin. Kahit alam ko na isa lamang iyon effect ng depression ko.
Masaya ako na bumalik na si Mama Remika pero nalungkot din dahil isa linggo lamang sila dito. Meron lang pinagawa si Dad kay Lee kaya narito ito. Masaya na ako kasama nakasama ko ulet si Mama Remika.
***
Tahimik sa buo hapag kainan. Maging si Aiko hindi siya nagsasalita, pinatabi kase siya ni Lolo malapit dito, sa banda kanan niya. Natatawa na lamang ako pinagmamasdan ang anak ko. Ganyan na ganyan din ako dati. Takot na takot kay Lolo pero mahal ko ito.
“Inoue” Tawag sa akin ni Lolo. Tinignan ko siya.
“Maari ba kami mamasyal bukas ng apo ko sa tuhod?” napakurap kurap ang mata ko sa tanong niya.Hindi ako makapaniwala. Gusto niya makasama ang anak ko. Tumango ako. Matanda matanda na si Lolo. Pero maayos pa naman ang pangangatawan nito.
“Saan po ba kayo pupunta, papa?” Tanong ni Dad.
“Mamasyal lamang kami dalawa at nais ko siya Ipakilala sa isang kaibigan” nagtaka na lamang ako sa inasta ni Dad. Padabog niya ibinaba ang kutsara’t tinidor.
“Sinabi ko na na iba ang lalaki iyon! Hindi siya iyon!” naguguluhan ako sa mga inaasta nila. Tumayo si Mama at hinawakan si Dad, wari pinakalma ito. Nagkatinginan kami ni Zeo.
“Tama na iyan” Tumayo si Zeo. Pinunas nito ang napkin sa bibig at itinapon sa lamesa.
“Nakakawalang gana kumain” sambit nito. Natahimik silang lahat. Tumingin sa akin si Zeo.
“Bukas, meron tayo dinner appointment sa isa Very important person na magiging parte ng Tambushi Corporation” Hindi ko maintindihan. Ito ang kauna unahan na niyaya ako ni Zeo sa isang dinner appointment na makipagmeet sa isa bigatin tao.
“Bakit ako ang isasama mo? Isa lamang ako empleyado sa kompanya, hindi ako boss” kumunot ang noo ni Zeo. Kalmado tao si Zeo pero nakakatakot talaga siya pagmagalit.
“Dahil isa kang Tambushi!Remember?” Pagdiin ni Zeo sa apelyedo iyon. Magp-protesta sana ako muli,ayaw ko sumama pero mukha wala na ako magagawa. Sa oras na si Zeo ang magsalita, parang meron ito kapangyarihan na ipasunod ang lahat at hindi makakatanggi.
“Wala makikialam! Si Inoue lang ang bahala sa lahat dahil buhay niya ito!” Umalis na si Zeo. Naguguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Tumingin ako kay Mama at Dad, tahimik lang sila at parang ang lalim na iniisip. Sila Mama Remika at kuya Lee naman ay sabay nagkibit balikat, hindi alam kung ano ang nangyayari. Tinignan ko si Lolo masaya pinagmamasdan ang anak ko. Si Aiko naman ay tuloy tuloy lang sa pagkain.
Napabuntong hininga na lamang ako. Napahawak sa ulo at hinilot hilot ito. Hindi ko malaman kung ano ang nangyayari. Bakit nagkakaganyan si Dad, Mama, Lolo at si Zeo?
Naalala ko ang sinabi ni Zeo, isasama niya ako at ipapakilala sa isa VIP ng company bukas ng gabi. Hindi ko malaman kung bakit kinakabahan ako. Malakas ang kutob ko na meron kinalaman ang tao iyon sa nangyari sa amin ngayon.
A/N:
Si Zeo Tambushi, imaginary character hihi. So gwapo J sa side po -à
BINABASA MO ANG
MISSING HEART [Book2of BH] ONGOING
Misterio / Suspenso[BOOK TWO OF BLACK HEART] The story of Inoue Kagawa-Saga, the wife of a famous BLACK HEART,Saito Saga. Her life after the death of her husband. How she live with out the man he love, her first love, husband and the father of her only daughter,Aiko...