Chapter 1: Trap Between Worlds

29 0 0
                                    

"Pabiling ice tubig."

Oh, shocks! Three words na nakakapagpakilig sakin for unknown reason. It's just that, ang pogi niya! Gusto kong tumalon at magsisisigaw pero andyan pa siya sa harapan. Mga tatlong araw na siyang bumibili sakin ng ice tubig at hindi ko pa alam pangalan niya. I wonder how can I add him on Facebook. Hmm.

"Si Chinito na naman yan 'no?", bulagta ng nanay ko sakin.

"Waaaah! Ma! Ang pogi niya talaga! Mahihimatay na 'ko" kinikilig kong sabi tapos umarteng parang matutumba na.

"Hindi. Ang pangit kaya niya. Ewan ko ba sayo, ang weirdo ng taste mo."

"Wow Ma! Ang pogi ni Papa ha. Nahiya ako sa taste mo." Sarcastic kong sagot.

"Osya, dun ka na sa bahay at ako nalang magbabantay dito."

Mabilis akong umuwi sa bahay tapos dumeretso na agad sa terrace. Ang ganda kasi ng view dun e. Harapan ng computer shop na pinupuntahan palagi ni Chinito. Palagi ko siyang inaabangan dun. Sabihin mo ng napakadesperate ko pero wala e, ganun talaga.

Kring... kring... kring...

"Hello?"

"Trish! Bes!"

"Myko? Ikaw ba yan?"

"Ay hindi. Tatay mo 'to. Of course it's me!"

"San mo nakuha number ko at kelan ka pa bumalik?"

"Naalala mo yung ex mong dancer na gustong baliin mga buto niya? Sa kanya ko nakuha number mo. Last week pa ako dumating. Nagmessage ako sayo sa FB ha."

"It's called breakdancing po. Ay ganun ba? Hindi kase ako masyadong nag-o-online e. Sorry."

"Okay lang. Nasa Manila ka daw ha. Sakto, byabyahe ako papunta dyan mamaya. I'll be there. Will you pick me up sa terminal? I don't really know kung san pupunta e."

"Yeah, sure. Sang terminal ba?"

"Itetext ko nalang sayo. Ihahatid na ko nina Mama sa terminal e. See you soon bes!"

"See you soon, Myks"

And then I hang up. I can't believe he's so cool while talking to me after yung incident 2 years ago. Wala man lang sorry sorry. Kapal ng mukha ha.

Anyways, dumaan na pala si Chinito at hindi ko namalayan kase tumatawag yung hinayupak kong bestfriend kuno. Makaligo na nga at matutulog na. Baka dun makita ko pa si Chinito!

Paggising ko, muntik ko ng makalimutan ang tungkol kay Myko. Buti nalang nagtext siya. Ang problema, tanghali na! Buti nalang Friday ngayon at wala akong pasok. Nakakapanibago parin ang college. Pero ang sarap ng buhay. Ang daming vacant.

Dali dali akong naligo't nagbihis habang kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Finally, sinagot ko na ito at pinindot ang loudspeaker.

"Trisha? Susunduhin mo pa ba ako?"

"Yes, I'm coming. Hintayin mo lang ako. I'll be there in 30."

"Okay. Sure. Ingat."

Halatang halatang badtrip na siya sakin. Gosh, kanina pa ba siya naghihintay? Sorry naman. Siya pa may ganang magalit e siya na nga susunduhin.

Nagpatawag nalang ako ng taxi kay Mama habang inaayos ko pa yung buhok ko. Hmm. Mamimeet ko na talaga si Myko. It's been what? A year and a half? Ano na kayang itsura niya? Pumuti kaya siya? Sosyal na kaya siya at marunong magdala? New York is such a big city. At hindi pwedeng naka t-shirt and jeans ka lang doon.

"TRISHA! ANO BA?! ANG TAGAL MO HA! ANDITO NA YUNG TAXI!"

Oh, no. Not my Mom too.

"Sorry Ma. Thanks. Bye!"

Tumakbo ako papunta ng taxi na para bang it's a matter of life and death. Ayoko na kasing makarinig ng sermon galing kay Mama.

"Finally! You're here! What took you so long?"

"Nalate ako nagising. Sorry."

"Oh, Trish! I missed you so much!" Sabay yakap sakin ng mahigpit. Ang feeling close naman neto. Ay, hindi. Bestfriend ko pala 'to. Bestfriend ko noon na akala hanggang ngayon, bestfriend ko pa.

"Magsalita ka naman. No. This isn't about what happened 2 years ago, right? C'mon Trish. Matagal na yun."

Hindi parin ako umiimik. Nakakainis isipin na parang bale wala nalang lahat sa kanya. Matapos niya akong gawing isang show at...

"So, where do you wanna go?" Nakangiting sabi niya, distracting me from my thoughts. Nakakairita talaga. Ang kapal ng mukha.

"There's a Starbucks near here. I want some coffee. Hindi pa ako nagbreakfast. And yeah, you're buying."

Tumawa siya sabay sabing "Sure, I am."

Trapped Between WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon