I can't believe he's taking me to Chinito's house! Gosh. How will I react?
"There it is. The Singkit Family's house!" Parang announcer sa radyo ang loko.
"Gosh. How do I look?" Inayos ko yung buhok ko tapos nagbeautiful eyes.
"Pretty as ever. Pero sana hindi ka nila maamoy."
Hinampas ko siya ng malakas sabay sabing, "Ang kapal ng mukha mo!"
Now, he's laughing so hard. "Okay, let's go meet your future family."
Oh, gosh. Ang sarap pakinggan. Lumulutang na yata ako!
Two storey house yung bahay nila. White house. Ang ganda. Pang sophisticated ang dating. Town house ang itsura. Sarap sigurong manirahan dito.
"Mrs. Lazaga, good morning." bati ni Myko sa isang magandang babae. I'm guessing, mother siya ni Chinito.
"Oh, hello hijo. Biglaan yata 'to. Come in." Nakangiting sabi niya. "Galing lang kaming bahay niyo kagabi ha. What brings you here?"
"Ahh. Dumaan lang po kami. Taga rito din po kasi kasama ko." Tumingin siya sakin kaya binigyan ko ng sweet smile si Mrs. Lazaga. I want to give her a great first impression. "So, I decided to stop by. Uhm, tita. Is Yuki there?"
What? Makikilala ko na si Yuki? Ngayon na? Agad-agad?!
"He's still sleeping e. But I could wake him up."
Siniko ko si Myko and gave him a stop-this-right-now look.
"Ahh. Wag na po tita. Next time nalang po. I'm sure he's pretty tired kagabi. Una na po kami."
"Osge. I'll tell him you came by."
"Thank you tita."
Aww. Hindi ko nakita si Chinito. Aww. Aww. Aww.
"Looks like hindi sumasang-ayon destiny sayo."
"Wait, hindi ako maggigive up. Makikilala ko din siya."
"Baliw ka talaga ever. Hatid na nga kita sa inyo." Patawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Trapped Between Worlds
Teen FictionSi Trisha ay isang babaeng maraming nayayari sa kanyang isipan. She has the tendency to overthink things. Nagkacrush siya sa isang kapitbahay niya na hindi alam na nag-eexist si Trisha. Biglaan naman ang pagdating ng kanyang bestfriend na galing iba...