Weeks have passed, Tori and Cyrus became much more open to each other's feelings. Lagi silang magkasama, si Cyrus hinahatid at sinusundo si Tori dahil as much as possible gusto niya daw safe si Tori. Yung mga lalaki ni Tori este yung mga lalaking nagtangkang ligawan, nagkagusto, nagkakagusto ang MUNTIK magkagusto sa kanya ay nawalan na ng pag-asa simula nung makita nila na kasama ni Tori si Cyrus.
Aba syempre, artistahin kaya si Cyrus. At alam ng lahat kung gaano ka-choosy si Tori sa mga lalaki.
Di man sila official na mag-boyfriend girlfriend, lahat ng tao ang akala ay sila na nga talaga.
[Jam's POV]
Aiden sent you a message.
Aiden: Bebe Jam, si Tori na ba pati si Cyrus?
Jam: BEBE MO MUKHA MO. At bakit ako tinatanong mo? Di mo itanong sa kanila?
A: Tingin mo nililigawan na ni Cyrus si Tori?
J: Chismoso mo ha?! Ako ba si Cyrus? Yung totoo? At saken ka nagtatanong. Wala akong alam owkaaaay?
A: Sungit mo ngayon, meron ka no?
J: OO. MERON. Kaya please tigilan mo na kakatanong.
A: May isang tanong na lang ako..
J: Tsk. Ano?!
A: Anung prutas ang nakakatakot?
J: ...
A: Edi, BA-NA-NA-NAAA
J: LAST MO NA YAN
A: HAHAHA. De biro lang. Pero ito talaga ikaw lang makakasagot, seryoso na bebe jam.
J: Nyeta ano? Babasagin ko na balls mo niyan e.
A: Kung si Tori at Cyrus na nga talaga..
Pwede bang tayo na din?
[Vans' POV]
Alam kong hindi pa si Tori at Cyrus. PERO NAPAKA-SWEET NA NG MGA ANIMAL. Dinaig pa ang JAMICH sa level of sweetness.. infairness ha. Bat di pa sila gumawa ng sarili nilang channel sa Youtube nang matapos ang career ng Jamich na yan ha?
Kinikilig ako sa kanila but at the same time I'm so jealoussss. Why does it have to be Tori my dear baby Cyrus? WHY? Mas mayaman ako sa kanya no. Charot. Sa totoo lang proud ako sa kanila, lagi ko sila sinasabihan na maging sila na eh. Kaso playing safe ang mga animal! Nakakabwiset eh. Ang sweet sweet nila sabay hindi naman pala sila? YOU GUYS DON'T DO THAT TO US!
Umaasa kami mapasamin si Cyrus sabay ang sweet sweet niyo diyan, akala namin kayo na! YOU GUYS DON'T DO THAT TO US!
Umaasa mga lalaki na single forever si Tori sabay ang sweet sweet niyo diyan ni Cyrus? Single pa nga talaga siya. YOU GUYS DON'T DO THAT TO THEM!
On second thought, okay lang pala. Pag ayaw ng babae malamang sa bakla ang bagsak nyang mga yan. Wakekekeke.!
Seryoso na, playing safe talaga sila! Ayaw nila ng committment. ANO KAYA YUN? Naglolokohan lang ba sila? Okay lang sila? Sampalin ko sila both eh! Both cheeks pati! Wala naman akong magagawa sa gusto nila eh pero kasi kahit sabihing mahal nila each other at hindi nila need ng label. Jusko, at some point marerealize nilang mas okay na may nakalagay sa mga noo nila na label no :p Lalo na sa noo ni Cyrus, dat may nakalagay na PROPERTY OF VANS. Joke. PROPERTY OF VICTORIA SOTO pala.
===================
Knock Knock!
Bubuksan na ni Tori ang pinto "Oy Cyrus bat ka bumali--", pero hindi si Cyrus ang tao sa labas ng pinto.
BINABASA MO ANG
The First Love Basis
Teen FictionAlam mo yung feeling na sa dinami-dami ng nagkakagusto sayo, yung kaisa-isang tao na gusto mong makuha ay hindi naman kasama sa mga iyon? You did everything to make him notice you pero wapakels pa rin ang papa mo. Then eventually when you think you'...