Chapter 1: Look at me now

158 6 7
                                    

Nung high school ako, I was nobody. But everything’s different now. After kong sumali sa isang pageant sa school nung freshman ako, I swear I became popular. It’s natural, sabi na rin ng organizers nung pageant. Pero iba na ‘to e, umabot na sa point na nakadate ko na yung Mr.*Insert name of school here* 2010. Haba ng hair right? Eck. Di naman siya si Jairus T.T 

I’ll be honest I do like the attention. Sabi ko nga, before I am nobody, unknown, quite invisible etc. pero may nagkakagusto naman din saken, di lang ako sikat. 

I wish not to boast but guys hit on me and I kinda like flirting with them. Sumasakay nalang ako sa trip nila. . .

to forget Jairus.

I admit, lumandi ako. Hindi naman talaga ako ganito dati eh. Kasalanan talaga ‘to ni Jairus. The result of this? Pinagseselosan ako nung mga girlfriends ng mga lalaking di ko naman gusto and worse yung mga hindi ko naman kilala. WTF di ba?

I really do think that I changed quite a lot. Is this a good thing? 

I dunno.

He did this to me.  

I’m 2nd yr college now, taking up Information Technology. Name is Victoria Louise Soto, 17. 

@School

Pagpasok ko sa classroom namin for our first subject, hinanap ko agad ang babaeng mapayat na may golden brown na buhok na kung minsan ay nakakasilaw na kasi medyo OA ang pagka “golden” nito. There she is on the last row, our usual spot sa lahat ng class namin. Tinuro ni Jam yung seat sa left niya. Jam’s my closest girlfriend. We’re opposites but yeah we’re close. Jolly, madaldal, pranka, babaeng bakla, wild and experienced. That’s her. Me? Tahimik, medyo shy type pa rin, sa isip lang yung opinions, maria clara, NBSB. I really enjoy her company, dahil nga tahimik ako kailangan  ko ng makulit na kasama. 

“Girl, nag-pm saken si AJ kagabi. Give him second chance kaya?”, suggestion ni Jam. I gave her a ‘like srsly’ look. 

“Whut? NO.” 

Si AJ ay dati kong manliligaw na binasted ko kasi feeling niya ang gwapo niya para gawin akong reserba. May isa pa siyang girl na nilalandi noon habang nanliligaw siya, her name’s Princess. Nalaman ko from a common friend namin nung Princess.  So ayun hindi ko na siya inentertain after that. No communications. Pag nagsawa ako, bigla akong di namamansin. I know I’m such a btch. 

“Erkay.”

Si Jam kasi naawa na kakatanong nitong si AJ kung pwede daw a siyang tulungan sa akin. Y’know, lakad thingy. Pero ako hindi, sasagutin ko na sana siya kasi I thought he could help me forget Jairus. But no I was wrong. Katulad siya ng ibang lalaki dyan. 

“Babe <3”—Daniel

Ughh. Siniksik ako ni Daniel sa upuan ko para magkatabi kami. Lumapit siya sa tenga ko to whisper something.

“Punta ka sa EA later. Bonding tayo?”

“WTF Dane? U serious? Yung girlfriend mo nalang isama mo. Eww” 

EA yung tawag namin sa house where we all bond as a block section, bahay un ng family ni Daniel pero wala nang nakatira. Nagpupunta kami dun kapag may problema ang isa sa amin, at syempre alam na, shot shot. Daniel’s one of my tropas. Pero he’s such a perv. He confessed that he used to like me, nung first time na nakita niya ako he said if he’s going to court someone from our section then it’s going to be me. Syempre hindi natuloy kasi may gf na siya at hindi ako nanghihinayang ha. He’s not my type. And come on he’s a pervert kaya. 

“Ano ka ba Tor namiss lang kita, tagal naten hindi nagkasama oh.” I smiled fakely. He could really be annoying sometimes. May nakita akong tao na magbubukas ng door ng room.

“Si Sir.” Tumayo agad siya at bumalik sa seat niya. Thank God. Natakot siguro na makita sa pinaggagagawa niya.   

Si Erin lang pala, another Girlfriend of mine. Kasama si Vans, our gay friend. 

“Vans! Hansaveh ng red lips mo today? Terno pa ng red shoes and bag.” Hindi pwede magcross dress sa school ang gays & lesbos kaya sa accessories dinadaan ni Vans ang kalandian niya. Aba mas bongga pa to mag-ayos saming girls.

“Ganda ko teh noh?” sabi ni Vans habang paupo sa harapan ko, katabi ng crush niyang si Ralph. 

Si Erin naman tumabi sa left ko, nakasmile sa ginagawang panglalandi ni Vans kay Ralph. Erin’s simple yet still kind of pretty. I like her. She reminds me of the person who I used to be. 

Natapos yung Calculus class na ‘to nang walang nagsisink-in sa utak ko. Hay buhay, tignan mo nga naman dati I used to love mathematics tapos ngayon petiks na lang ako.

I’m on my way palabas ng campus nang mareceive ko ang text ni Justine, bestfriend ko since hs years.

From: BestJustine

Best! Sa April 5 ha, yung debut ko. Diamond hotel @ 7pm :D 

To: BestJustine

Invitation ko? Akin na! :))

From: BestJustine

Oh ano ‘to? Papadala ko sa’yo gamit owl? Kunin mo kaya :p

To: BestJustine

Korny mo teh. I’ll be there in 20mins.

The First Love BasisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon