Chapter 2: Tori's Past.

157 4 6
                                    

Nung Grade 4 ako, naalala ko nung wala kaming teacher, nagdadaldalan mga kaklase ko tapos ako nagdoodoodle lang. Nakapalibot saken ang tropapips ko, talking about their crushes. Nakikinig lang ako nun... 

"Vic!", tawag saken ng kaklase kong may pagka-bakla. Vic pa nickname ko noon, pang-asar nila saken yun eh pero ayos lang saken yun. Cool naman e.

"Oh?" 

"Sumali ka dito! Sino crush mo?" 

"Wala"

"Sinungaling 'to. Wala talaga?" sabi nung epal na f.c. kong katabi. Kailangan ba meron? Bata bata pa crush kaagad?

"Wala nga."

"Pili ka lang isa. Dali, sinabi namin yung crush namin oh. Narinig mo na lahat lahat eh."

At para matahimik na sila, kahit wala akong crush nung mga oras na yun inikot ko na yung mga mata ko para hanapin ang aking 'crush' kuno. Syempre yung sa tingin kong mabait at gwapo naming kaklase pinili ko.

"Si Jose." 

"YIEEEEEE. Jose ka pala ah."

Ayan, dahil sa pesteng usapan na yan lagi na kong tinutukso kay Jose kahit di ko naman talaga siya gusto in a romantic way. 

You see, hindi ako pala-crush nung bata ako. Hindi rin ako tumitingin sa gwapo dahil wala pa yun sa bokabularyo ko noon. Ke-bata bata naman kasi. Pero nung first year high school ako, 12y/o ako nun, nagmahal na kaagad ako.

Ganito kasi yun.

Kakalipat ko lang sa isang Catholic school noon. Hindi pa ko sanay sa mga kaklase ko kasi ang dami namin sa section, 40+, sa dati kong school kasi nasa kalahati lang kami nun. Tsaka ako yung batang sobrang shy type. Tipong hirap makipag-usap sa strangers kaya hirap ako makipag-kaibigan. Sakto namang matagal nang magkakakilala tong mga kaklase ko, kaya medyo loner ako. 

Marami akong kaklaseng gwapo. By this point, aaminin ko medyo napapatingin ako sa kanila. :))

Anyways, habang tumatagal naman ako sa bagong environment na 'to dumadami rin ang mga kaibigan ko. Kung dati halos wala ako makasabay sa pagkain, ngayon tatlong tables pa ang kailangan namin pagdugtongin para sama-sama kaming magkakaibigan.

Masaya na ako na marami akong kaibigan na nagpapasaya sa akin during school hours. Na marami akong karamay at kasama sa mga kalokohan. Mas sumaya pa ko noong nagtatop ako sa klase namin at umaakyat sa stage para sa recognition of honors. Alam mo yung sobrang saya mo  dahil wala ka nang problema sa studies, school, friends and family? Ayun yun eh! Parang wala na kong gusto pang i-wish.

Pero wala eh, sinira ng isang lalaki ang lahat.

Jairus Eli Alvarez. Yan ang nakasulat sa filler ntbk niya na pinagpasahan clockwise. Obviously magchecheck kami ng quiz noon, filler niya ang napunta saken. Binasa ko yung pangalan pero hindi ko kilala yung may-ari. Mga 1 week pa lang kasi ako sa St. Mary's Academy kaya hindi ko pa kilala lahat ng kaklase ko. Nagbilang pa ko ng seats pabalik para lang makita ang mukha ng Jairus na yun. Sa pinaka-harap pa siya naka-upo kasi alphabetical pa ang arrangement, ako naman sa pinaka-likod. 

Nakita ko ang isang payat, maputi at chinitong lalaki. Siya pala si Jairus. Mas tinatawag siyang Eli ng friends niyaa. (I-lai ung pronounciation) 

Based on my observations, si Jairus ay isang pilyong batang lalaki. Mag ka-age lang kami btw. Sa mga kaibigan pa lang niya, malalaman na kung ano ugali niya. Kasama siya sa grupong 'bully-kami-at-mayayabang-pero-gwapo-naman-kaya-wala-kaming-pakielam'. Noong una wala talaga akong pakielam sa taong 'to. Ang sabi ng mga kaklase kong babae, heartthrob si kupal. Mukhang totoo naman, marami ang may gusto sakanya sa section namin.

Ako? Naaaah~ Hindi ako nagwagwapuhan sa mokong na yun. Tingin ko sakanya, isang epal lang sa klase at sunud-sunuran sa leader kuno ng grupo nila. Medyo inis ako sakanya dahil hilig niya akong asarin. Yun nga lang mild level ung akin sa bestfriend kong si Kat, High na e. Nasa point na na napapaiyak niya si Kat kakasuntok niya sa matatabang braso nito. Minsan naisip ko na may gusto lang si Jairus kay Kat pero mas naiisip ko na nagpapansin lang siya saakin kasi lagi kong kasama si Kat. CHAROT. Asa naman ako diba? 

Pero habang tumatagal mas nakikilala ko si Jairus. Nalaman ko na somewhere in his personality, meron palang gentleness at kind hearted. nesssss.

At ayun ang nagustuhan ko sa kanya kaya ko siya naging crush. Hanggang sa yung bwiset na “crush” na yan ay napunta na sa love. 

The First Love BasisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon