I'm not crazy I'm just in love - (5)

707 16 3
                                    

CHAPTER 5 : AKBAY

*Geoff's POV*

Wew.. nakarating rin sa room! and as expected nakaabang na naman ang mga classmate kong girls sa pagdating ko!

" Hello handsome! "

"Good morning Geoff! Guwapo mo! "

" Hi Geoff! How's your gising? "

Hallah..pati ba naman pag gising ko kailangan itanong.. tsk!

" morning! " sagot ko na lang. well lagi namang ganun ang sagot ko eh

Konti lang ang mga girls na classmate ko  -- ganun naman talaga pag engineering, siguro nasa 13 lang sila -- at halos kalahati sa kanila may gusto sakin. OO kalahati lang. Nagtataka ba kayo bakit hindi pa silang lahat?

Maya maya nakita ko yung ibang classmate kong girls na nalipat ang attention sa may pinto ng room,  at nagsimulang magbulong-bulungan na animo kinikilig pa. Pagtingin ko.. Kaya naman pala may isang magandang nilalang nanaman ang dumating.

" KYAhhhhh!!! Hi Klifford. " nagduet pa ang mga girls

" Oh hi Girls! " 

" yyyiiiiiieeee.. ang guwapo mo ngayon. "

" Ngayon lang? " nag-kunwari pang nalungkot.. psh best actor!

" I mean mas lalo kang  gumaguwapo araw-araw. " sabi nung girl na nag puppy eyes pa

" haha Salamat sweetie! " at hinawakan niya pa sa baba tsaka nag wink

umiling - iling ako. Ang landing lalake nito!

Napatingin siya sakin at pinuntahan ako.

" Morning pare! kamusta gising mo? "

" Psh! Isa ka pa! "

" Haha! Ginagaya ko lang mga babae mo! "

btw.. siya nga pala si Klifford Causaren ang dahilan kung bakit kalahati lang sa klase namen ang nagkagusto sakin. Alam niyo na siguro kung bakit. Siya din ang captain ng soccer team, kaya naman talagang sikat siya sa campus! Kaibigan ko siya since High school kaya close talaga kami.

 " hindi ko sila mga babae " pagtatama ko. Nagkibit balikat lang siya. Tsaka umakbay sakin.

" kamusta nga pala paglipat niyo? Ayos naman ba yung nilipatan niyo? "

" Hell pare. Gustuhin ko man nang tahimik na buhay, mukhang hindi mangyayari yun "

" Wow naman.. kahit sang lupalop nang mundo ka talaga lumipat may nakakakilala sa iyo. iba na talaga ang sikat! good luck na lang sa mga fans mo. " 

" actually hindi siya fans. Fan lang. pero daig niya pa ang sandamakmak na fans sa sobrang kulit! "

" yun bang sinasabi mong medyo may hawig kay Shaniah? " Kinuwento ko kung ano yung ngyari kanina, at alam din niya kung pano ako na turn off sa babaeng yun. Close nga kami diba?

" Yeah... "

" OH? Anong problema dun pare? Maganda naman siya at hawig pa kay Shaniah. Ayaw mo yun? "

" Pare naman, alam mong ayaw ko sa mga babaeng masyadong live kung magpakita ng interes. "

" wew! 2 years ago  gustong gusto mo sa mga babaeng ganun hah... "

" yeah i know! but that was 2 years ago, hindi na ngayon. "

" dahil kay shaniah? "

" i don't wanna talk about that. " tinanggal ko ang pagkaka akbay niya sakin at umupo na. Obvious na umiiwas ako.

I'm not crazy I'm just in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon