I'm not crazy I'm just in love - (12)

521 18 1
                                    

CHAPTER 12.2 : ARAW NI KYLAH

= KYLAH's POV = 

Nakakainip!

Tinawagan ko si Ayah pero ang mama niya ang nakasagot at ang sabi gising na daw siya kanina pero nakatulog daw ulit..

si Liz naman maaga daw umalis, may pinuntahan, at hindi daw sinabi kung saan..

haayy.. mag-isa lang tuloy akong naglilibot ngayon.. pero ayos lang kaysa naman maburo ako sa bahay.. dito na lang ako sa labas.. makapag boy-hunting nga.. uhmm.. sino ba puwedeng mabiktima?

*tingin sa kaliwa..

*tingin sa kanan..

napatingin ako sa lalake na dumadaan ngayon sa harap ko.. sa likod nung lalake ay may nakasunod na babae.. nakasimangot yung lalake habang yung babae naman ang itsura eh parang pagod?? siguro kanina niya pa sinusundan yung babae..

napangiti ako..

bigla ko kasing naalala si Ayah.. ganun din kasi siya kay Geoff laging nakasunod..

ano na kayang real score nung dalwang yun? may improvement na kaya..? Kahapon lang kasi ngiting ngiti si Ayah habang nakatingin sa fhone niya.. si Geoff daw ang katext niya.. uhmm mukhang nagkakamabutihan na sila ah.. Good for Ayah..

huminto yung lalake kaya napahinto rin bigla yung babae..

hindi naman malayo sa puwesto ko yung pinaghintuan nila kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila..

" sabi ko naman sa iyo hindi mo na ko kailangang samahan eh.. " angal nung lalake

" eh gusto nga kitang samahan eh.. " sabi naman nung babae.. parang bata pang nagdabog...

well talaga namang bata pa siya.. sa tingin ko first year High School lang yung babae...tapos yung lalake naman.. I think fourth year high school..?

" Haayy naku.. inaabala mo lang ako sa gusto kong gawin eh.. " yung lalake

" Eh ano ba kasi ang gusto mong gawin? Kanina ka pa palakad-lakad lang eh.. Huwag mong sabihing mambababae ka lang? "

nagpameywang pa siya.. parang asawa lang na handang talakan ang kaniyang mister na nahuling nambababae..

" OO yun nga ang gagawin ko...! Eh ang kaso kanina ka pa nakasunod sakin pano ako makakahanap ng babae ko niyan kung lagi kang nakasunod sakin.. " ay ang prangka naman ni Boy

" Hindi ka puwedeng mambabae.. akin ka lang! akin! kaya hindi ka puwedeng mambabae! "

Wow.. ang akala ko malala na si Ayah.. may mas lalala pa pala sa kaniya.. ibang klase din tong batang babae na toh ah... pumapadyak padyak pa siya habang nakakuyom ang kamay

" Kelan pa ko naging sayo?? Walang sino mang nagmamay-ari sakin kundi.. kundi.. kundi ang girlfriend ko lang.. kaya ang mabuti pa umuwi ka na dahil pinapagod mo lang ang sarili mo.okay? "

halatang pinag-isipan niya muna yung sinabi niya kaya siguradong nagsisinungaling lang siya.. malamang wala talaga siyang girlfriend at sinabi lang niya yun para maprovoke yung girl.. eto namang si Girl mas lalo pang nanggalaiti..

" Anong Girlfriend? Sinong girlfriend? Ang sabi ni tita wala ka daw girlfriend kaya siguradong nagsisinungaling ka lang! "

alam niya palang nagsisinungaling lang yung boy bakit kailangan niya pang manggalaiti ng ganun.. umiling-iling naman yung lalake..

" Nopes! may girlfriend ako! Hindi ko lang sinabi kay Mama. " kalmante si boy.. habang si girl naglalabas na ng usok sa ibat-ibang butas ng katawan niya..

I'm not crazy I'm just in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon