I'm not crazy I'm just in love - (12)

489 17 12
                                    

CHAPTER 12.3 ARAW NI KYLAH part 2

= KYLAH's POV pa rin =

" ATE?? Ayos ka lang ba talaga?? " ayun na naman tinawag na naman niya kong ate..

*hingang malalim

*nag-alis ng plema.. I mean TIKHIM pala (pasintabi po. ^.^)

" Ilang taon ka na? " yun ang unang lumabas sa bibig ko..

" huh? " mukhang hndi naman niya inaasahan ang tanong ko.. siguro mas inaasahan niyang bubulyawan ko siya pero hindi ko yon ginawa.. 

" Ilang taon ka na ? "  ulit ko..

" fo- fourteen I mean 15.. " ano...?? bakit parang hindi siya sigurado sa edad niya..

" Ano ba talaga?? "

" 14 talaga. "

eh..?? 14 lang siya... MY GASSS!!! KyLAh MY GAS..! CHILD ABUSE kah.. pano mo nagawang pagpantasiyahan ang batang toh.. 17 ka na noh..! utang na loob..

" But in 2 weeks time 15 na niyan ako. " talaga?? ay ano bang talaga parang natuwa pa ko.. eh ganun din naman kahit mag 15 ka pa 2 weeks from now ganun pa rin mas matanda pa rin ako  saiyo.. kaya hindi na dapat kita pinagaaksayahan ng oras..

" Ah ganun ba o sige.. Advance happy birthday na lang.. Sa susunod wag mo na lang uuliting biglang mandadamay ng isang inosenteng tao ah.. sige ading mauna na ko.. " pero sayang ka talaga Boy ang guwapo mo pa naman.. kung sana lang mas nauna kang pinanganak sakin.. nagsimula na kong maglakad..

" Wait hindi ko pa alam ang pangalan mo.. " hinihintay ko yung ate sa huli pero wala.. humarap ako..

" ate.. " aba't talagang nang-iinis tong batang toh ah! sige dahil nga sa mas matanda talaga ako sa iyo pagbibigyan na lang kita..

" Ang pangalan ko ay Kylah.. pero puwede mo kong tawaging ATE Ky (kai) 17 na ako.. " ako na mismo ang nagduldol sa ATE..

I'm not crazy I'm just in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon