I'm not crazy I'm just in love - (12)

532 16 3
                                    

CHAPTER 12.1 :  WHAT THE HECK IS HAPPENING TO ME??!

" umalis sila?! " buti makapit ang hawak ko sa tasa kundi lapnos na balat ko..

kaya pala kanina ko pa hinihintay lumabas sa gate nila si Geoffy ko hindi pa rin sya lumalabas.. dati kasi wala pang 7 lumalabas na siya para magbasketball sa plaza. uhmm now I know..

" eh Ma, san naman daw po nagpunta sina Tita Anicah? " huh ma? san nagpunta si Geoffy ko?? 

" Sa Manila. Anniversary party nung mama't papa niya. " eh bakit hindi man lang sinabi sakin ni Geoffy ko? Hindi siya nagpaalam sakin..

-- bakit sino ka ba at kailangan niya pang magpaalam sayo?

--ako lang naman ang future girlfriend niya.. tandaan mo yan! 

-- future girlfriend your face!

-- oh yeah.. :P if i know inggit ka lang.. :PP

" kelan naman daw uwi nila tita Anicah? " Kelan  uuwi si Geoffy ko ma??

" baka mamayang gabi din uwi nila. " YES! buti naman kala ko ilang araw siya dun sa Manila eh..

" Ah siya nga pala.. Bakit madalang na lang magpunta dito sina Liz at Ky huh? Kala ko ba crush ni Liz si Geofferson at mapapadalas lagi ang pagpunta niya dito.. " eh? naaalala niya pa talaga yun?? ang tagal na nun ah..

" Ah hindi ma.. Ibang Geofferson yung crush niya.. nagkamali lang pala ako.. " +_=

" Ah ganun bah.. eh bakit nga madalang na lang silang magpunta dito? Hindi ka na nila sinusundo. Nag away-away ba kayo? " 

" Pfft. Hindi ah.. mas trip ko lang magcommute kasi.. kaya ganun. "

*tinging nagdududa*

" Sige ma pasok na ko sa kuwarto ko. " para makaiwas na rin sa tingin niya.. 

" baby baka naman may tinatago kang boyfriend sakin huh? " nakatalikod na ko sa kaniya kaya bigla ulit akong napaharap.. 

" Ofcourse not Ma! Kung may boyfriend ako hinding-hindi ko siya itatago sa'yo. Kung anu-ano iniisip mo. Diyan ka na nga. " hindi ko pa lang kasi napapaamo ang magiging boyfriend ko kaya sa ngayon kailangan ko munang itago sa iyo.. but don't yah worry ma.. malapit ko na siyang mapaamo.. kasing lapit ng lupa sa langit..malapit na diba?? hehe

matext nga si Geoffy ko..

umalis ka daw?

after 10 minutes.. bakit lagi na lang 10 minutes? sinasadya niya bang magreply after 10 minutes? 

why?

kung oo na lang sana sinagot mo neh.. tss!

-- alam mo na kasi bakit kailangan mo pang tanungin?

para naman hindi masiyadong halata na lagi akong may balita sa kaniya..

-- kahit pilitin mo pang hindi ipahalata, halatang halata pa rin.. psh!

bahala ka sa buhay mo.. kausapin mo sarili mo!

I just wanna know. What are you doing? 

after 15 minutes.. psh! ang tagal ah!

nothing.  kita mo tong taong toh! Ang tagal magreply tapos yun lang ang itetext..

Kahit kailan talaga ang tipid mong magtxt.. magkuwento ka naman.!

after 10 minutes..

May isang babaeng sunod ng sunod sa isang lalake..

*taas isang kilay.. ako ba tinutukoy niya?

tapos?

Ilang beses na siyang sinabihan nung lalake na tumigil na. pero makulit yung babae kaya hindi pa rin niya tinigilan yung lalake..

totoo yun.. hehe hindi talaga kita titigilan..

and then?

gentleman yung lalake kaya hangga't maaari ayaw niya sanang ipahiya yung babae.. 

tama.. tama.. gentleman ka nga.. gentleman sometimes.. but often rude kasi lagi mo kong nirereject.. ahmp! pinuri mo pa talaga sarili mo hah..

sige.. ituloy mo lang..

kaso napuno na yung lalake sa babae...

ganun ka rin ba sakin?? napupuno ka na ba talaga sakin?? :((

tapos anong ngyari???

10 minutes again.. bago reply..

kaya tinulak nung lalake yung babae ng malakas sa harap ng maraming tao.

gagawin mo ba sakin yun? itutulak mo rin ba ako??

ginawa niya yun? Ano namang reaksiyon nung girl?

after 10 minutes..

Hindi ko pa alam yung ending ng story pero kung ikaw yung babae at tinulak ka nung lalake anong gagawin mo? titigilan mo na ba siya..?

ano nga ba ang dapat kong isagot sa kaniya? feeling ko nakasalalay sa isasagot ko ang susunod na kabanata ng love story na ito.. 

ako naman ngayon ang natagalan sa pagreply..

10 minutes bago ko naisip ang isasagot ko..

Tatayo agad ako at haharap ulit sa kaniyang parang walang ngyari. Tapos susunod pa rin ako sa kaniya kahit saan siya magpunta.

after 20 minutes...

bakit mo gagawin iyon?

Para asarin siya.. JOKE :).. seriously, kung iyon lang ang paraan para maiparating sa kaniyang seryoso ako at handa akong maghintay gagawin ko.. kahit pa sabihing naghihintay lang pala ako sa wala.. uhmm I don't mind.. hihintayin ko na lang na magsawa ang puso ko.. kung mangyayari man yun..

bakit nga ba yun ang nasagot ko.. hindi ko rin alam eh.. basta kusa na lang gumalaw ang mga daliri ko at yun mismo ang nireply..

kabaliwan!  he replied..

yeah! I agree! Pero promise yun ang gagawin ko.. kahit ilang beses pa kong mapahiya.. =)

-- nababaliw ka na Ayah! Bakit nagpromise kapa! hindi mo alam kung anong sinasabi mo! at talagang may smiley ka pa sa dulo hah.. you're nuts!!!!

Huwag mo kong sinisigawan! Hindi ko rin alam kung anong pinagsasasabi ko.. hindi ako iyan.. ibang pagkatao ko ang nagsabi nun! waaaaa.. WHAT THE HECK IS HAPPENING TO ME??!

naghihintay ako ng reply...

10 minutes...

20 minutes...

natagalan siyang magtype??

30 minutes...

40 minutes...

nakatitig lang ako sa cellphone ko habang hinihintay reply niya.. but I guess wala na siyang balak magreply..

I'm not crazy I'm just in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon