CHAPTER 11 : Magkmukha ba talaga kami?
" And I-I-I-I'm in love.. and I-I-I-I'm terrified for the first time and the last time in my only life. "
hindi ko mapigilang kumanta habang tinitingnan ko siya palayo..
may tinatago siya sakin.. ramdam ko..
okay..siguro nga sa ngayon wala pa akong karapatang malaman kung ano iyon..
pero feelingko may kinalaman yung tinatago niya saking iyon kaya hanggang ngayon aloof pa rin siya sakin.. feeling ko lang naman mafeeling ako eh..
haist..!I'm afraid na dahil doon hindi niya ko matutunang tingnan sa paraan kung paano ko siya tingnan.. (anoh daw? bahala na kayo diyan)
*sighed*
para akong pusang habol ng habol sa daga... yun nga lang hindi ko siya hinahabol para kainin kundi para matutunan din niya kong mahalin..
kaso pano mangyayari yun eh takot si daga kay pusa?
-- eh bakit ba kasi nasama sa usapan ang pusa't daga? eh unang una sa lahat hindi naman siya takot saiyo na katulad ng daga sa pusa?
hindi nga siya takot sakin pero daig niya pa ang daga sa kakaiwas kay pusa.. haist watebirrr!! let's drop the topic na nga lang..
mabuti pa matawagan na lang sila Ky at Liz gusto kong mag unwind friday naman na ngayon.. pakiramdam ko pagod na pagod ako.,
si Geoffy ko kasi pinapagod niya ko sa kaiisip ng kung anu-ano eh.. kung sa ibang paraan niya ba ko pagurin eh yung sa physical naman huwag sa mental.. oh green minded ka hah.. ibang physical yang iniisip mo.. huwag ganun.. ^__^
natawagan ko na sina Liz at Ky magkita-kita na lang daw kami sa starbucks.. mauuna na ko sa kanila..
10 minutes na siguro akong nakaupo dito pero hindi pa rin sila dumadating.. ang sabi malapit na daw sila kanina pa yung malapit na yun ah..
" Nayah! " may babaeng nakaupo anim na mesa mula sa kinauupuan ko ang kumakaway sakin at parang tinatawag ako..? ako nga ba tinatawag niya? Nayah daw ang sabi eh.. walang duda sakin siya nakatingin eh.. baka naman ngongo kaya "Nayah" ang sabi niya pero hindi ko naman siya kilala.. tumayo siya at papalapit na sakin...habang lumalapit siya nagsasalita siya..
" nandito ka lang pala.. kani-- " hindi na niya natapos ang sasabihin niya nung saktong nakalapit na siya sakin.. tapos kumunot ang noo at tsaka parang nabigla.. she gasped
" Oh! I'm sorry! I Akala ko ikaw si... yung kaibigan ko.. I'm really sorry..napagkamalan kitang siya.. " nakangiti siya.. ngiting nahihiya tapos nagkamot sa ulo..
" Do I really looked like her? " nakucurious ako.. kamukha ko kaya talaga yung kaibigan niya?? at talagang napalapit pa siya sakin
" well yes.. mejo malaki ang pagkakahawig niyo.. sa malayuan kasi akala ko talagang ikaw yung kaibigan ko kung nagkataong simpleng kakilala ko lang si Nayah baka iisipin kong kambal ka niya. "
" uhmm.. ganun bah.. " tumangu-tango pa ako.. ano bang dapat kong sabihin.. tanungin ko kaya kung sinong mas maganda saming dalawa nung kaibigan niya? pero huwag nalang kahiya naman hehe
" yun nga lang mas matangkad siya sa iyo ng konti and mas maputi siya.. " aww.. ayun para na rin niyang sinabing mas maganda yung kaibigan niya..
napatinginako sa may pinto.. sila Ky at Liz dumating na..
" Mukhang nandiyan na yung mga kasama mo..buti ka pa.. sige dun na ulit ako hah.. sorry ulit Miss. Ano nga palang pangalan mo? "
" AYAH. " mukhang nagulat ulit siya.
BINABASA MO ANG
I'm not crazy I'm just in love
Teen FictionThey say I'm crazy. I said No I'm not, I'm just in love. What's wrong with being in love anyway? Doing crazy stuffs just to get his attention is sometimes cool. That only means you're brave enough to show your love to him. It's not like you're flirt...
