Chapter 9- Inlove

3 0 0
                                    

Mark's POV

Nagulat ako sa ginawa ni Kean, ang dami ko nang ginawan ng masama lalaki man o babae pero si Karen lang yung pinag tanggol niya. Hindi kaya gusto niya na si Karen? Hindi pwede.

"Hindi pwede" bulong ko sa sarilu ko.

"Anong hindi pwede?" Biglang sabi ng lalaking sumulpot.

"Wala! Alam mo sulpot ka ng sulpot! Sa susubon nga wag kang mang gugulat!" Mainit kong ulo na sinabi.

"Haha, ano bang problema ha?" Tanong niya.

"Iniisip ko ang iba pang plano para magantihan yan Karen na yan." Nagtaka siya sa sinabi ko.

"Teka teka, ang alam ko pag ikaw gumawa ka ng masama sa isang tao isang beses lang. Bat kay Karen hindi lang isang beses?" Hmm. Well kailangan kong sagutin mga tanong niya.

"E ano kung gusto ko siyang pag tripan?" Nag poker face ako.

"Hindi kaya, gusto mo rin siya?" Ano may rin? May nag ka gusto na ba? Naunahan naba ako ni Karl o ni Kean?

"Hindi ah, ang panget panget nang babaeng yon!" Sabay iwas ng mata ko.

"Tol, alam ko kuhanan palang ng section nakatingin ka sa kanya, tapos sa Sm din. Umamin kana, satin satin lang." Oo nga naalala ko.

"Nagandahan lang ako sa kanya, pero hindi ibig sabihin gusto ko na siya." Sagot ko.

"O tignan mo nagagandahan ka tapos sabi mo kanina ang panget panget. Halata naman sayo eh" pag iinsulto niya. Sige pa karl.

"Eh pano kung OO. Oo na nagkakagusto ako sakanya! Oo nagagandahan ako sa kanya! Oo trip ko siya! Oo inlove ako sa kanya! Love at first sight!" Natahimik siya sa sinabi ko at napangiti.

"Haha o diba napa amin kita. Goodluck nalang mukang dika papasa kay Karen, sige aalis nako." Nag sad face pa para talaga siyang bata. Oo nga pano ba yan palaban kasi si Karen.

"Mabuti pa at umalis kana!" Sabay chin up para maangas diba? ;)

Mamaya maya naisip ko magkagalit papala kami ni Kean, basta ako hindi ako makikipag ayos hanggat di siya ang lumalapit. Si Karen, Oo totoo na inlove nako sa kanya. Pero di ko alam paano makukuha ang isang Karen Medina.

Love is in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon