Karen's POV
Mag isa akong pumasok ngayon. Magkasabay naman siguro si Kath at Kyla. Pero yung panyo talaga wala parin.
Nandito nako sa school. Pagpasok ko sa room namin. Hindi ako pinapansin ni Kyla si Kath lang pumansin sakin.
"Goodmorning Bestie" Nginitian ako ni Kath.
"Goodmorning" Nginitian ko din siya.
Diko matiis si Kyla so kinausap ko na siya.
"Sooooorrrrrryyyyyyy beeeeesssssss" nagmamaka awa kong sabi.
"Bessssss namiss kitaaaaaa" salamat at nagbati kami. Mamayamaya ay kumawala ako sa pag yakap sa kanya kase nag beep yung phone ko may nag text sakin number lang.
From: Unknown
Be ready later :)"Sino to?" Nagtataka kong tanong at pinakita sa kanila. Mukang di rin nila alam kung sino.
Biglang dumating ang tatlo at nakangisi si Mark na nakatingin sakin. Pangit netong abnormal na to. Pag kaupo sa tabi ko ni Kean nagulat ako nang kinausap niya ko.
"Dapat nag sorry ka nalang sa ginawa mo kahapon" Ano!? Pati ba naman siya. Sabagay isa siya sa tatlo!
"Wala akong kasalanan sa nangyari, aksidente yon." Mahinahon kong sinabi.
"Hanggang ngayon nag mamatigas ka pa rin" sabat ni Karl. Diko nalang sila pinansin tinignan ko si Mark ang sama parin nang tingin sakin.
Mabilis lang naman lumipas ang oras kaya dismiss na. Pagbaba namin nila Kath at Kyla andaming tao. Pagpunta namin andon si Mark at Karl. Asan si Kean? Nagulat ako ng sumigaw si Mark nakatingin sakin.
"Hey Karen Medina!" Ano bayan patay talaga ako neto. Unti unti siyang may nilabas sa bulsa. What!!!! Panyo ko yun. Yung mahalagang panyo ko.
"Akin na yan!" Nilapitan ko siya kaso itinaas niya lalo yung panyo, hindi ko maabot kase matangkad siya. Hindi makalapit dalawa kong kaibigan dahil natatakot silang madamay ayaw ko rin naman silang madamay eh.
"Sandali muna, may gagawin lang ako sa panyo mo." Nakangisi niyang sabi.
"Karl ilayo mo nga sakin to!" Utos niya kay karl."Pasensya na pero kailangan kitang ilayo" sabi sakin ni Karl habang pumipiglas ako.
Naglabas si Mark nang lighter at nag bantang susunugin ang panyo ko. Diko na mapigilang umiyak ng makita kong nasusunog na ang konting bahagi nito.
"Ano ba Mark! Napaka importante sakin niyang panyong yan! Kung wala kang pag iimportansya ako meron! Ako na nagmamakaawa itigil mo yan!" Umiiyak nako at napabitaw na sakin si Karl. Papalapit nako kay Mark ng biglang.....
"Mark tama na!" Sigaw ni Kean.
"Kean hayaan mo nalang si Mark." Pagpipigil ni Karl at hinawakan niya pa sa balikat si Kean. Pero inalis ni Kean ang pagkakahawak ni Karl.
"Ano bang problema mo Kean?! Pinagtatanggol mo ba tong babaeng to?" Sabay turo sakin ni Mark.
"Tama na Mark! Maawa ka naman!" Ano ba nangyayari dito kay Kean?
"Anong problema mo bakit pinagtatanggol mo si Karen. May gusto kaba sakanya?!" Nagulat ako sa tanong ni Mark. Pero hinila ako ni Kean papalayo hanggang napunta kami sa malayo. Sa walang tao at tahimik na lugar.
"Kean, teka lang. Asan ba tayo?" Pagtatanong ko.
"Eto oh. Alam kong mahalaga sayo yan kaya kinuha ko patago kay Mark yan. Fake yung sinunog niya kanina." Buti naman at nakahinga ako ng maluwag.
"Salamat sobrang halaga sakin neto." Diko mapigilang maluha.
"Bakit mo ginawa yun kanina?" Pagtataka kong tanong."Simple lang, ayoko ng may mga babaeng nasasaktan at umiiyak. Sige aalis na ako" Ang bait niya talaga grabe.
Siguro nagkakagusto nako kay Kean. Haystttt.
BINABASA MO ANG
Love is in the Rain
Novela JuvenilFirst time lang po ako gagawa ng story :) I hope na magustuhan niyo po ang gagawin ko. thankyou ang enjoy reading po :)