Chapter 10- Flashback

4 0 0
                                    

Karl's POV

Haha, natatawa ako kasi napaamin ko rin si Mark, alam ko naman talagang gusto niya si Karen eh. Alam kong mahihirapan din si Mark na makuha si Karen. Pero pano yan, Kean at Mark? Di pa nga sila nagkakaayos pareho pa sila ng babaeng nagugustuhan.

Flashback.

"Bro, kilala mo ba yon?" Tanong ni Mark, Sabay turo dun sa babaeng maganda, si Karen na yon una kasi di pa namin siya kilala.

"Hindi ko kilala yan, kita mong kuhaan palang ng section eh." Pilosopo kong sagot.

Si Kean naman tinignan lang. Ito namang si Mark kung makatitig wagas.

"Parang gusto kong pagtripan yan." Nakangising sabi ni Mark.

"Wag!" Tipid na sagot ni Kean. Una palang ayaw niya na talagang pagtripan si Karen.

"Aba, bakit naman ayaw mo? Trip ko kase yung mga ganyang chicks eh." Sabay kindat kay Kean, pero seryoso si Kean. Kahit kailan talaga.

Umalis na lang si Kean. Nung firstday of school din namin, pag pasok namin gulat na gulat si Mark. Gusto pa nga niya makatabi non si Karen kaso inunahan na siya ni Kean.

"Ano batong si Kean inunahan pako!" Halata sa muka niya ang pagkakairita.

"Hayaan mo na bro, atleast nga kaklase natin diba." Pag kakalma ko sa kanya.

Mamaya maya nagpunta kaming mall nang nag dismiss na ng klase. Sakto andon sila Karen,Kathryn at yung Kyla.

"Oy karl si Karen ba yon?" Pagtatanong niya.

"Oo, grabe tol kahit nakatalikod kilalang kilala?" Pang aasar ko.

"Haha! Pwede ko nang pagtripan to." Nakangisi niyang sabi, tinignan ko si Kean ang sama ng tingin niya kay Mark.

Palapit na kami ng biglang tumayo si Karen, yun natapon kay Mark yung iniinom niyang shake. Iritang irita si Mark kase malagkit yon. Di niya akalain na ganon katapang si Karen para kalabanin siya. Lalong nagkaron ng lakas ng loob si Mark na pagtripan si Karen. Pag alis nila Karen may naiwan siyang panyo, agad itong kinuha ni Mark. Alam kong may masama nanaman tong gagawin. Tapos yun yung ginamit niya laban kay Karen.

~end of flashback

"Pero bakit nakay Kean ang panyo ni Karen?" Bulong ko sa sarili ko. Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Gusto mo bang malaman?" Tanong niya. Paglingon ko.

"Kean! Anjan ka pala!" Gulat kong sabi.

"Oo." Tipid niyang sagot.

"Nagkaayos na ba kayo ni Mark?" Tanong ko.

"Hindi pa." Sagot niya.

"Pano napunta sayo yung panyo ni Karen?" Tanong ko.

"Nung nasa mall palang tayo alam ko nang may masamang plano si Mark kay Karen. Alam ko kung san siya nag papatahi. Kinuha ko yung original na panyo. Siguro nakalimutan na ni Mark na kunin ang original copy ng panyo." Pagpapaliwanag niya.

Unti unti kong naiintindihan na ang lahat.

"Gaano mo ba kakilala si Karen at bakit mo ginagawa sa kanya ang mga ito?" Pagtataka ko.

"Malalaman mo rin ang lahat, pero hindi sa ngayon." Sagot niya.

Napaka seryoso niya. Kailan ko ba malalaman ang lahat?

Love is in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon