Karen's POV
Nang magtapos kami ni Mark na mag usap, natapos na din ang oras ng break. Kinausap ko si Kath at Kyla.
"Mga bes, sorry talaga. Sabay tayo umuwi ngayon. Dun tayo sa bahay namin, may sasabihin ako sayo." Nag pout ako.
"Oo na bes, sasamahan ka namin." Sagot ni Kath.
"Promise ba yan bes?" Tanong ni Kyla.
"Promise." Nag cross pako sa heart.
Maya maya oay nag dismiss na nang klase. Nagkatinginan kami ni Mark pero iniwasan ko na siya tapos inaya ko na si Kath ay Kyla na sumakay na sa kotse.
"Bes, sa bahay niyo na tayo mag usap inaantok ako eh matutulog muna ako sa biyahe." Sabi ni Kyla.
"Oo nga bestie." Pag pout ni Kath.
"Oo na lagi niyo naman akong tinutulugan eh." Pagtataray ko.
Habang nag dadrive ako, naiisip ko lahat ng sinasabi ni Mark kanina. Doon ko lang siya nakitang seryoso. Pero ayoko naman sana nahihirapan din ako, ayaw ni kuya kay Mark. Maya naya napasilip ako sa side mirror ng kotse ko, may nakita akong naka motor kanina pa sunod ng sunod samin naka mask kasi siya kaya mata lang niya ang nakikita ko mukang pamilyar siya sa akin, ma ambon kasi kaya diko siya gaano mamukaan. Maya maya pa ay nasa tapat na kami ng bahay.
"Mga bes gising na, we're here!" Pag gising ko sa dalawa.
Pagbukas ng pinto bumungad agafd si mama.
"Hi anak, how's your day?" Bati agad neto.
"Hello mama, okay naman po. Andito po pala sila Kyla at Kath." Sabi ko kay mama.
"Hi po Tita!" Sabay na sabi ng dalawa.
"Hello, pasok kayo. Marami akong hinandang pagkain kumain na kayo at ako ay matutulog muna." Pag papaalam ni mama, mukang napagod siya sa pag luluto.
"Kumain kana po ba ma?" Pagtatanong ko.
"Oo anak, o siya sige maiwan ko muna kayo." Pumanik na si mama sa kwarto niya.
Nagsimula na kaming kumain. Grabe ang sarap ng niluto ni mama na ulam, andami ko tuloy nakain.
"Bes, hanggang ngayon ang sarap parin mag luto ng mama mo!" Kitang kita sa muka ni Kyla at Kath ang pagkasarap ng pagluto ni mama.
Maya maya pa ay pumanik na kami sa kwarto ko, mamaya pa naman dadating yun si Kuya eh.
"Ano na pag uusapan natin?" Tanong ni Kath, bigla nanaman pumasok sa isip ko lahat ng sinabi ni Mark kanina. Napatulala na lang ako bigla.
"Oy bruha! Tulala ka jan!" Binatukan pako ni Kyla. Lagi niyang ginagawa yan.
"Aray ko! May iniisip lang ako!" Sagot ko habang nakakunot ang noo.
"Ano at sino?" Nakangising tanong ni Kath.
"Si Mark kasi~" di natapos ang sasabihin ko itong dalawa kasi.
"Ano!!! Iniisip mo siya! Yieeeeee!" Pang aasar nila.
"Pwede ba patapusin niyo muna ako?" Sabi ko.
"Go!" Sagot ni Kyla.
"Si Mark kasi, nag usap kami kanina napaka seryoso niya. Tas ang dami niyang tanong. Paano daw kung totoo yung nararamdaman niya sakin?" Napa laki ng mata ang dalawa.
"Bes hindi kaya~" nagtinginan muna silang dalawa. "May gusto na siya sayo!" Sigaw nilang dalawa. Maya maya ay may kumakatok. Si Kuya Ken ata.
"Pasok" Sigaw ko.
"Ah. Andito pala kayo. Hi Kyla, ah-Hi Kath." Nauutal si kuya pag dating kay Kath.
"Hi Ken pogi." Nangiti si kuya sa sinabi ni Kath. Tawag ni kath yan kay kuya noon pa.
"Kuya bakit ka andito?" Tanong ko.
"Can we talk tomorrow?" Tanong niya. Weird neto araw araw namn kami magkasama pwede naman niya akong kausapin kailan man niya gusto.
"Oo naman kuya." Sagot ko at lumabas na agad siya ng kwarto.
Hinatid ko sa baba si Kath at Kyla. Umuwi na sila. Inaantok na rin ako. Masyado akong na stress sa school. Bigla nalang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Mark. Hayst ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
Love is in the Rain
Genç KurguFirst time lang po ako gagawa ng story :) I hope na magustuhan niyo po ang gagawin ko. thankyou ang enjoy reading po :)