Kean's POV
Alam kong galit sakin ngayon si Mark. Pero sobra na ang pagiging badboy niya. Sa dinami dami niya pinahiya si Karen lang ang pinagtanggol ko kay Mark. Maganda naman si Karen, mabait. Maya maya ay nagulat ako nang biglang dumating si Karl.
"Pst. Kean, ano bang nangyayari sayo at kinalaban mo pa talaga si Mark dahil lang kay Karen?" Nagtatanong siya at alam kong ayaw niyang mangyaring magkasira sira kami.
"Si Karen hindi karapat dapat na maging misirable ang buhay niya ng dahil lang kay Mark." Totoo tong mga sinasabi ko.
"May gusto kaba kay Karen?" Nagkatinginan kami.
"Malabong mangyaring magkagusto ako sakanya." Yan nalang ang sinagot ko.
"Pero malabo rin mangyari yang sinasabi mo. Alam ko kung kailan ka mag sasawa at kailan ka magkakagusto" tama nga naman siya.
"Diko pa alam kung gusto ko siya o hindi" hindi ko talaga alam.
"Kean, andito lang ako. Magkaayos sana kayo ni Mark." Lumungkot ang muka ni Karl.
"Salamat." Tipid kong sagot at nginitian ko siya.
Maya maya habang nag dadrive ako sa motor nakita ko yung kaibigan ni Karen, si Kyla ata yun? Hininto ko ang motor sa harap niya at tinanggal ko ang helmet ko.
"Kamusta si Karen?" Tanong ko, halatang nagulat siya sa tanong ko.
"Okay naman siya, bat mo natanong?" Oo nga bat ko nga ba natanong? Nyayyyy.
"Pwede mo bang ituro sakin kung san ang bahay niya?" Sana wag siya maghinala.
"Actually ayan na oh, papunta nga ako sa bahay nila eh. Gusto mo sumama?" Ayyyy epic tatlong bahay nalang pala at yun na ang bahay nila.
"Ah hindi. Sige aalis nako" agad kong pinatakbo ang motor ko.
Bakit ko ba nagagawa ang mga bagay nato. Did i like her na ba? Ngayon ko lang nagawa ang mga ito eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/47184585-288-k427057.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is in the Rain
Teen FictionFirst time lang po ako gagawa ng story :) I hope na magustuhan niyo po ang gagawin ko. thankyou ang enjoy reading po :)