Karen's POV
Maaga akong nagising. Ginising ko na rin si kuya sa kwarto niya, maya maya pag labas niya kinausap ko muna siya.
"Ah Kuya goodmorning, ano nga pala yung gusto mong pag usapan natin?" Pagtatanong ko.
"Goodmorning. Siguro mamaya nalang pag uwi mo." Ano kaya ang pag uusapan namin ni kuya?
Maya maya pa pagtapos namin kumain ni Kuya. Nagpaalam na kami kay mama.
"Ma, alis na po kami." Pagpapaalam namin sabay halik sa noo ni mama si kuya, ako naman hinalikan ko sa pisngi si kuya.
Maya maya nang pumasok nako sa kotse ko nag beep ang phone ko. Ang dating unknown number nagkaroon na ng pangalan. Ang aga naman magtext neto.
From: Mark
Hi Babe! Goodmorning :) nga pala si Mark to pogi mong boyfriend ;) iloveyou. Ingat.Sa text ni Mark na yon, ewan ko ba kung bakit bigla akong napangiti. Hindi ko nireplyan ang sagot niya. Maya maya pa pag park ko nang kotse ko sa eskwelahan namin nakita ko mukang may hinihintay si Mark. Pagbaba ko ng kotse agad siyang lumapit sakin.
"Alam mo ang tagal tagal mo! Natanggap mo ba yung text ko? Ang tagal kong nag hihintay dito!" Pagmamaktol niya. Haha nuka siyang bata. Tsaka ano nag hihintay? Hindi naman ako nagpapahintay ah?
"Hoy! Sino ba nagsabi sayong hintayin moko dito ha?! Tandaan mo hindi moko girlfriend!" Hindi niya naman talaga ako girlfriend eh! Hinihintay ko lang ang Monday para malagot siya kay Kuya.
"Ang dami mong satsat!" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad kami papasok sa room.
"Bitawan mo nga ako!" Pagmamaktol ko habang hinihila yung kamay ko.
"Manahimik ka nalang!" Bigla niyakong hinila. Narinig ko naman si Kim nanagsalita.
"Ano ba yan! Very Malandi!" Kasama niya si Kc at Monique.
"Haha, dont worry girl. Alam ko namang hindi seseryosohin ni Mark yan!" Sagot ni Monique.
"Mukang looner naman yan!" Sagot ni Kc. Grabe inis na inis nko sa tatlong to! Papatulan ko na san sila ng biglang...
"Pwede ba tunahimik kayo! Girlfriend ko si Karen okay?!" Pagtataray niya sabay pumasok kami ng room. Grabe pag nagtatama ang mga mata nila Kean parang may Kidlat.
Pagkaupo ko kinausap agad ako ni Kyla at Kath.
"Oy bes! Bwisit yong tatlong yon ah! Resbak na ba?" Kahit kailan talaga tong si Kyla.
"Dapat diyan ingudngod sa putek eh! Nakakabwisit!" Iritang sabi ni Kath.
"Nako kayong dalawa talaga. Hayaan mo na , hindi pumapatol ang maganda sa nagmamaganda" Kinindatan ko sila. Pagtingin ko kay Kean nagiti siya sa sinabi ko. Tapos nag apir kaming tatlo nila kath.
Maya maya ay nag discuss ang isang prof. Na absent daw ang prof namin. So we can do all what we want.
Umalis si Kean sa tabi ko at tumabi siya kay Karl. Tumabi naman sakin yung abnormal. Aalis sana ako kaso.
"Wag kang aalis, hindi kita guguluhin." Papalit palit ng mood tong si Mark.
"Salamat sa pagtanggol kanina." Sagot ko.
"Wag kang magpasalamat. Pinalabas ko lang na girlfriend kita para mainis sila lalo sayo." Kumindat pa ang baliw. NakakabwisiT tong lalaking to.
"Bwisit ka talaga~" hindi natuloy ang sinabi ko ng tinakpan niya ng isang daliri niya ang labi ko.
"Shhh. Wag ka nang maingay matutulog ako." Hindi nako nagsalita.
Mga ilang minuto po natulog na siya. Tinitigan ko siya. May pagka tsinito, magulo man ang buhok pero gwapo, baby face, matangos ilong at mapula ang labi. Ang puti niya pala.
"Ang pogi ko no?" Ano gising siya !? Nakita niya kong nakatitig sa kanya.
"Ang pangit mo! Muka kang baliw!" Sagot ko sabay iwas ng tingin.
"Ah ganon ba?" Nag sad face siya ang cute niya para siyang bata.
"Oo na, pogi ka pero konti lang." Sagot kong pataray.
"Talaga!?" Ngumiti siya ng sobrang lapad ang linis ng ngipin niya ang puputi.
"Ayoko ng paulit ulit." Sagot ko tapos nag earphone nako para matapos ang usapan.
Ang pogi niya grabe, i think unti unti ko siyang nagugustuhan. Pero paano naman si Kuya Ken.
BINABASA MO ANG
Love is in the Rain
Teen FictionFirst time lang po ako gagawa ng story :) I hope na magustuhan niyo po ang gagawin ko. thankyou ang enjoy reading po :)