Pagpasok namin ng mall para kaming mga bata na first time lang makapunta.
"Woooooo! I miss thisssss!" Sigaw ni kath.
"Hoy kath, Ang ingay mo nakakahiya!" Binatukan nanaman ni kyla si kath. Lagi nalang batok inaabot namin ni Kath kay kyla eh.
"Mabuti pa kumain muna tayo kanina pako nagugutom eh" pag aaya ko.
Andito kame ngayon sa Steak house. Grabe namiss kong kainan to. Nagtaka ako kung bakit muntik ng mabulunan si Kyla.
"Okay kalang bes?" Pagtatanong ko tas inabutan ko ng tubig.
"Bakit bestie?" Pagtatanong ni Kath.
"Tama ba ang nakikita ko ngayon?" Ang weird netong taong to.
"Asan?" Sabay naming tanong ni Kath.
"Ayon oh! Si Mark, Karl at Kean!" Sabay turo sa direksyon ng tatlo.
"Hala mga besti papalapit sila malapit na sa likod mo" Bigla akong napatayo sa sinabi ni kath tatayo ako para iwasan ang tatlo kaso......
"BESSSS!" Sigaw ng dalawa habang napakagat sa labi nila.
Nakooooooo! Ano tong gagawin ko! Pagtayo ko nabangga ko si Mark, ayon natapunan siya ng iniinom niya sa damit niya. Patay nako neto.
"Anong tinitingin tingin mo jan!? Dimo ba nakikita natapunan mo ko!? Hindi ka manlang nag sosorry!?" Mukang galit nga si Mark. Pero magmamatigas ako!
"Excuse me? Bat naman ako mag sosorry? Kasalanan ko bang nasa likod kita? E bat ka ba nasa likod ko?" Nakita ko Karl at napangiti siya. Abnoy ata tong mga to. Biglang may bumulong sa likod ko.
"Bestie wag mo nalang patulan umalis na tayo" pag aawat sakin ni Kath.
Di na nagsalita si Mark non pero ang sama ng tingin niya saken. Umalis na kami nila kath at kyla. Pagpasok ko ng kotse may naiwan pala ako.
"Hala naiwan ko yung panyo ko!" Napatingin sakin ang dalawa.
"Wag mong sabihing babalikan mo payon? Panyo lang yon bes! Bumili nalang ulit tayo" medyo naasar ako sa sinabi ni Kyla.
"Bes alam mo bang hindi lang basta panyo yon! Oo babalikan ko yon mahalaga sakin yon eh! Alam mo bang bigay sakin ng papa ko yon bago pa siya lumayas samin!" Napataas ang boses ko sa sinabi ni Kyla.
"Ikaw naman kase bestie eh." Bulong ni kath kay Kyla. Tapos iniwan ko muna sila sa kotse. Pero pagbalik ko ng mall wala na yung panyo ko. Ano bayan i hate this moment sa dinami dami ng mawawala sakin yung panyo pa.
Bumalik nako sa kotse at halos nabalot ng katahimikan sa loob ng kotse una kong hinatid sila Kath at Kyla tsaka ako umuwi sa bahay namin. Nang makauwi ako dumiretso nako ng kwarto at natulog. Wala naman si Mama inaasikaso nanaman ang kompanya si kuya naman tulog na din. Si yaya nalang inabutan kong gising.
![](https://img.wattpad.com/cover/47184585-288-k427057.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is in the Rain
Novela JuvenilFirst time lang po ako gagawa ng story :) I hope na magustuhan niyo po ang gagawin ko. thankyou ang enjoy reading po :)