Ikatlong Kabanata
Minu-Minuto
Nagising ako sa bigat ng kung ano man iyong nakapatong sa tiyan ko at parang may nakayakap pa ata sa akin.
Tinatamad kong tinanggal ang kamay na nakapatong, pero mas humigpit lamang ang kapit niya at yumakap pa lalo.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko at awtomatikong napairap nang makitang si Kuya Elisha pala ang nakayakap sa akin.
Tinapik ko ang pisngi niya, "Kuya Eli, bitaw.." Humikab ako.
Tinignan ko ang orasan sa bed side table. Ang sabi rito ay alas dos na ng umaga, sarado, as in 2:00.
Ang saya, hindi ako nakapagpaalam. Ay, di bale, andyan naman si Kuya XiㅡAndyan naman si Samson, nag-bibilliard pa siguro sa baba.
I heard Kuya Eli's grunt, "Krgh.. Mamaya na, Bekah.." Mala-anghel na sabi nito in his sleepy voice.
Bigla akong nakaramdam ng gutom. Ano ba yan. Kung hindi ako nabadtrip kagabi, edi sana hindi ako nagugutom ngayon.
"Kuya, nagugutom na ako!" Inis na sabi ko bago pwinersa ang pagtanggal sa kamay niya na nakapulupot sa bewang ko. At hindi ako pumalya. Agad ko naman siyang hinampas nang makaupo ako. "Kuya, samahan mo ako kay Samson.." Sabi ko bago siya niyugyog.
Agad naman siyang namulat at biglang umupo, "Ano? Bakit? Nasaan siya?!"
Nanliit ang mga mata ko, nagpapatawa ba siya?
Napabuntong hininga na lamang ako at nagpasyang bumaba na ng kama, "Sabi ko, samahan mo ako kila Samson."
"Bakit? Kaya mo na yun, malaki ka na." Balewalang sabi niya bago bumalik sa pagsalampak sa kama.
Napangisi ako at napairap. "Tandaan mo, nandyan kanina si Halyu." Umekis ang mga braso ko sa dibdib ko.
Agad siyang tumayo at tumalon pababa ng kama na masama ang tingin sa akin. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan, "Tara na. Nasaan ba ang Samson na yan at nag-iimbita ng mga aso?" Iritang sabi niya habang kinakaladkad ako paalis at pababa.
Napahalakhak ako sa tinuran niya. Napaka-protective nila sa akin, kesyo ako ang bunso at huling ipinanganak na babae.. Tsk. Para namang wala ako sa tamang pag-iisip? Seryoso ba sila?
At sa kanilang lahat na pinsan ko na mga lalaki, si Samson, Kuya Elisha at Kuya Xian ang pinaka-protective sa akin. Pero ang sukdulan ng protectiveness para sa akin pagdating sa mga lalaki, si Kuya Xian. Masagi lang ang braso ko, magagalit na sa tao. Akala mo naman, ginahasa ako sa harap niya.
Naabutan naming nag-uusap ng seryoso ang mga pinsan naming lalaki sa kusina. Wala sila Vanna, sa guest room na siguro sila nakatulog.
Their heads swiftly turned to us, no, rather me.
Mabigat at makahulugan akong tinignan ni Kuya Xian, "Bakit gising ka pa? Matulog ka pa ulit doon." Inaantok ang mga mata niya.
Inirapan ko siya, "Don't talk to me, asshole." Matigas na sabi ko bago binalingan si Kuya Shem, "May pagkain pa? Nagugutom ako, e. Kung hindi lang sana ako naimbyerna kahapon ay sana tulog pa rin ako ng mahimbing hanggang ngayon."
Nag-igting ang bagang ni Kuya Xian, "Ano bang problema mo, Rebekah? Don't act like a bitch that you are not!" Galit na sabi nito na nakatayo.
"I'm not acting like a bitch!" Awtomatikong nanliit ang mga mata ko sa kanya, "Stop protecting me from yourself, we all know it. Nasa dugo niyo ang pagiging gago at babaero kaya wag mo akong protektahan sa tulad niyo dahil immune na ako sa inyo." I said before storming off. Kainis, mamamatay na naman ako sa gutom at badtrip.
Nakakainis. Hindi ako ganito sa school. Bakit kapag sila ang kasama ko, my beasts are automatically uncaged? Mabait ako at masipag mag-aral. Pero bakit nagiging masama ako sa kanila?
Peste. Ang hirap mag-isip para sa Lesson 3, and here I am, stressing myself because of my hell of a cousin.
Nagpasya akong pumunta sa garden. Wala ng tao at tahimik na ang paligid, pero naabutan kong nags-swing mag-isa si Isaiah.
"Isay.." Tawag ko rito. Agad niya naman akong tiningnan at nginisian. Nagpatuloy siya sa pagduduyan niya kaya tumabi ako. "Bakit mag-isa ka? Anong pinag-uusapan nila doon at napaka seryoso ng mga mukha?"
"They've been talking about Riah. Ayoko na lang sumali, but that doesn't mean I don't care about it." Pumalyang umabot ang ngisi nito hanggang sa mga mata niya. Nice one, Isiah. Pwersahin mo.
"What about Riah?" I retorted. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin, maging ang pagseseryoso ng mga pinsan ko para kay Riah. Kadalasan kasi ay puro kalokohan at babae ang iniisip nila.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita, "Riah's been breaking some hearts lately, it seems it became her habit and hobby."
Napakunot ang noo ko. "It's what you guys do. Hindi naman pwedeng lalaki lang ang nanakit, pwede rin naman kami." Halakhak ko. "Azariah chose to break boys' heart. Iyon ang unang sumira sa kanya, e. Anong magagawa natin?"
"Does giving back the favour will make her happy?" Sarkastikong tanong nito.
"It will make her happy, even if it's temporary. At least, sumaya siya."
"Are you happy for her, then?" Tanong niya.
Nag-isip ako. He gave me a scrutinizing look.
"See? You're thinking. Hindi ka sigurado kung masaya ka para sa kanya." Iiling-iling na sabi niya.
Mas inilingan ko siya, "Just because I was thinking, doesn't mean I'm doubting.. Masaya ako kung saan siya masaya, she's my best friend after all. Dadamayan ko siya sa mga kagagahan niya and I will always be there for her. Kahit na marami siyang maging boyfriend, I don't care. As long as she's happy, I'm happy for her. Hindi naman kasi nasusukat ang pagmamahal sa isinusukli nila sa binibigay mo, mas nasusukat iyan sa halaga ng ibinigay mo. Kahit alam mong hindi nila matutumbasan o mahihigitan iyon."
Napanganga ang katabi ko, "Kailan mo pa natutunang humugot ng ganun?"
Napangisi ako. Kapag ba nagsabi ng sobrang lalim para sa pagkakaintindi nila, humuhugot na? Hindi ba pwedeng open minded lang talaga yung tao at kaya niyang lamunin ang katotohanan?
"Hindi ako humuhugot, Isay. Iyon ang katotohanan na nakikita ko kaya iniintindi ko." Ngisi ko bago inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Haaaay.. Buti pa si Isiah, hindi sobrang gago. Marunong makinig at hindi gaanong loko-loko.
"Makabuntong hininga naman ito, akala mo, pinasan lahat ng problema sa mundo." Umiling si Isiah.
"Naisip ko lang.. Hindi ka pala masyadong loko-loko." Tumawa ako ng mahina. Nakakabilib lang talaga. All Montefalco boys I know in our generation are absolute assholes. Maliban kay Kuya Caleb, Kuya Isui, Cyrus and this man sitting next to me. Si Kuya Elisha kasi, may pagka-playboy kaya hati ang katauhan niya sa pagiging asshole.
"Hindi naman kasi kailangang magloko ang lalaki. Hindi ko alam kung bakit ginawang minu-minuto nila Azi."
Tuluyan akong napatawa ng malakas. Ang hard kasi ni Isaiah. Akala mo, never nagloko.
"Wag ka nga, ang yabang mo.." Bahagya kong sinuntok ang braso niya. "Napuri lang kati, e."
Pero nagulat na lang ako nang may biglang humila sa kamay ko kaya napatayo ako.
It was Kuya Elisha.
At sa hindi malamang dahilan, bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko.
What is wrong with me?
BINABASA MO ANG
When He Broke Me
RomanceCheering team. Dancefloor. Dinning room. Konting corny jokes mula kay Azrael. Konting mura ni Isaiah. At ilang ulit na hampas mula kila Vanna. Until Trilogy Fan Fiction CREDITS TO FOR THE CHARACTERS THAT WILL BE MENTIONED: Miss Jonah Pacala