Ikaapat na Kabanata
Shut Up
Nang mag-umaga ay agad akong pinauwi ni Daddy. And of course, si Kuya Xian ang naghatid. Kahit masama ang loob ko sa kanya, nagpasalamat pa rin ako.
Hindi naman porque masama ang loob ko, wala na akong utang na loob. Hindi naman ako ganun.
"Lalim, anak, a.." Narinig ko ang halakhak ni Daddy sa hindi kalayuan.
Napairap ako sa kawalan. Isa pa yang si Daddy, hindi ko maintindihan. Nakakainis at namatay agad si Mommy. Ako lang tuloy ang nagdudusa sa pang aasar niya.
"Haha, Daddy, haha." Tawa ko sa sarkastikong paraan.
Napailing na lang ako at agad na itinuloy ang ginagawa kong project.
"Saan ka na?"
Agad akong napalingon sa nagsalita.
Napangisi ako ng malapad. "Activity 14 na, nakausad na rin ako."
"Well, Activity 15 ang mahiㅡ"
Agad akong umiling sa kanya. "Wag mo nang ituloy! Sa unang dalawang syllable na sinabi mo, naiiyak na ako!"
Biglang nagbeso si Daddy, "Punta na akong trabaho, 'nak."
Isang businessman si Daddy, lahat naman sila, into business. Kahit ang mga tito at tita ko, dedicated sa business dahil legacy iyon ng isa sa mga Lolo ko, dahil malaki ang naitulong ng plantation para mapataas ang ekonomiya ng CDO. Kaya pinapalago pa nila Daddy.
"Ingat, Dy.." Sabi ko bago inayos ang mga gamit ko sa tabi ko para makaupo si Kuya Isui.
Pareho kami ng section ni Kuya Isui, Kuya Elisha, Samson, Vanna, Azrael at Azariah sa Grade 10. Si Klein, Samson, Isiah, Ted at Timothy ay nasa Grade 9. Nasa Grade 11 naman si Kuya Shem. Si Kuya Caleb at Kuya Phillip ay nasa XUHS at Grade 11 na sila, samantalang Grade 10 naman doon si Cyrus. At Grade 9 naman doon si Seth. At ang asungot na Xian Montefalco, sa Ateneo de Davao nag-aaral, first year college.
Sabi ni Daddy, ililipat niya ako ng XU pag college na ako kasi doon naman sila dati. Okay lang naman sa akin. Ayoko rin namang lumayo.
Bigla akong nakarinig ng ingay sa loob ng bahay. Napalingon ako, "Andyan sila Tim?" Linga ko kay Kuya Isui.
"Oo, andyan silang lahat.. Gustong magpyesta." Ngisi niya.
Mas napangisi ako, "Wala si Manang, walang magluluto. Edi walang kakain." Halakhak ko.
Pero mas ngumisi si Kuya Isui ng nakakaloko, "Andyan si Kuya Xian at Elisha, they can both cook, and as we all know it, masarap sila magluto."
Napairap ako.
"Ano bang meron at nung dumating ako kagabi, nag-aaway kayo ni Kuya Xian?"
Nag-igting ang panga ko, inilingan ko siya. "You wouldn't wanna know."
"C'mon, Bekah, humor me." Ngisi niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko, "Punching you in the face is better than dealing up with your humor." Irap ko.
Napairap na lang din siya, pero ngumisi pa lalo. "Nandito na lahat ng sagot ko, walang mali dyan." Tumayo siya at agad ding umalis.
Napailing ako sa kanya at agad na nagsagot sa sarili kong papel.
Pero agad na umikot ang tingin ko nang may biglang humampas sa mesa at umupo pa sa tabi ko.
Kunot noo ko siyang tinanong, "Anong kailangan mo?" Malamig na sabi ko bago na hindi siya tinitignan muli.
"Bakit ka nagagalit sa akin?" Tanong niya, pagsasawalang bahala sa tanong ko.
"You've been defending and fencing me from boys, I'm already fourteen, you don't need to protect me from things I am aware of." Matigas na sabi ko bago siya tinignan. Sa tingin ko, he's been staring at me since I said the answer he wanted. "Malaki na ako. I know how my choices will work and I know which of them will lead to something deeper."
"That's shallow." Umiling siya.
"Shallow? Ako pa ang mababaw ngayon?" Napangisi ako sa kanya. "Kayo nga, nasagi lang ako, hahanapin niyo na at sasapakin. Lalo ka na, isang salita lang ang sinabi sa akin, aabangan mo na pauwi."
His eyes softened. Nagpapaawa ba 'to? "It's for your protection."
Awtomatikong tumaas ang kilay ko at pabagsak kong binaba ang ballpen ko sa mesa at hinarap siya. "Protection? Ginagago mo ba ako? Napakababaw naman ng pagpoprotekta mo sa akin. Gaano ba kahirap yang proteksyon na sinasabi mo at ganyan ang ginagawa mo sa kanila? Hindi naman ako gagawa ng kahit anong kababuyan gaya ng kababuyan niyo, lalo ka na, kaya hindi ko kailangan ng proteksyon mula sa iyo, kung ituturing man na proteksyon ang ginagawa mo."
Tumayo ako. God, please give my patience and kindness towards this man because he's killing it.
Napakababaw ng sinasabi niyang proteksyon. Alam ko ang ginagawa ko kaya hindi niya kailangang maghisterya ng ganoon dahil lang sa pinsan niya ako at tungkulin niya na gwardyahan ako.
Masama ang loob ko hanggang sa pagpasok ko sa bahay.
Pero napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ng isang malamig na kamay na bumalot sa palapulsuhan ko. Sinamaan ko siya tingin kahit na nagmamakaawa ang kanya, "Get your filthy hands off of me!" Iritang sabi ko at nagmartsa pataas papunta ng kwarto ko nang matagumpay kong natanggal ang kamay niya.
"God, Bekah! Hindi mo ba nakukuha? You're my cousin, our cousin! At ikaw ang bunso ng lahat! Magtaka ka kung pinabayaan ka na namin dyan." Narinig ko ang mga yabag ng paa niya sa hagdan na halatang
Argh! He's getting into my nerves! Hindi naman niya kailangang ipamukha na ako ang pinakabata, e! At bakit naman ganoon ang paraan ng protekta niya?! God, he's insane!
Nagulat ako nang biglang lumabas si Kuya Eli mula sa guest room pero hindi ko na lang pinansin. I'm freaking mad right now, I don't care about anyone!
"Bekah!" Mapagbantang sigaw ni Kuya Xian. Narinig ko ang mabilis na mga yapak niya sa sahig at sa isang iglap lang ay nahawakan na niya ang kamay ko ng hindi ko man lang namamalayan. Sinamaan ko lang siya ng tingin, pero mas masama ang ibinalik niya. Pero agad din iyong nanlambot, pati na rin ang hawak niya. "Look, I'm sorry. I'm sorry forㅡ"
"Shut up, Kuya, just, please." Hindi ko alam kung bakit pero para akong naiiyak sa inis ko sa kanya. "Tama na. Naiiyak na ako sa sobrang inis ko sa iyo, lalo na dyan sa mga babae mo. Just, let my hand go. Ayoko sayo, nakakainis ka."
Umiling siya at humigpit pa lalo ang hawak sa kamay ko-nagulat ako nang biglang sinuntok ni Kuya Eli si Kuya Xian kaya hindi na ako hawak ni Kuya Xian!
"Bitawan mo siya!" Halos hindi ko na makita o mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Kuya Eli. "Respetuhin mo naman kahit konti 'tong pinsan mo."
Napatayo si Kuya Xian at pinunasan ang dugo sa labi, tumingin siya sa aming dalawa, pero tumagal ang mga mata niya kay Kuya Eli."Pasalamat ka, pinsan kita." At doon nga'y umalis na siya.
Ano nga ulit yung nangyari?
BINABASA MO ANG
When He Broke Me
RomansaCheering team. Dancefloor. Dinning room. Konting corny jokes mula kay Azrael. Konting mura ni Isaiah. At ilang ulit na hampas mula kila Vanna. Until Trilogy Fan Fiction CREDITS TO FOR THE CHARACTERS THAT WILL BE MENTIONED: Miss Jonah Pacala