Kabanata 7

60 0 0
                                    

Ikapitong Kabanata

Sisi

Nakaakbay sa akin si Timothy nang hatakin niya ako palayo kay Elisha. Nagmamatigas ako. Alam niya rin iyon. Alam kong nagmamatigas ako, pero may karapatan akong magmatigas. At sino ba siya para bigla na lang papasok sa buhay ko na para bang walang nangyari? Sino ba siya para maghigpit sa akin?

Binitawan ako ni Tim nang marating namin ang pinto ng restaurant. "Ako na ang bahala sa kanya, Bekah. You have the right to be mad." Pinisil niya ng mahina ang pisngi ko saka kumindat. "Malamang pikon na yon ngayon!" Tumawa siya.

"Tell him to fuck off." Umirap ako saka nilingon na si Cyrus, kumapit ako sa braso niya at hinila na siya palabas.

Nang makarating kami sa tapat ng kotse ni Cyrus ay pinagbuksan niya ako ng pinto, pero hindi ako pumasok agad. Tinignan ko ang pinsan. "Is my anger towards your cousin valid?"

Binitawan niya ako saka bumitin pakaliwa ang ulo niya. "Bakit mo naman natanong?"

"Sinasabi kasi ni Vanna na huwag na akong magalit kay Elisha dahil para rin naman sa ikabubuti niya iyong ginawa niya." Napapikit ako ng mariin sa inis. "Pero kahit anong gawin ko, ganun pa rin. Galit pa rin ako sa kanya."

"Your anger is valid. You're feeling that way because he did something to you that you still cannot accept."

"Thank you, Cyrus." Ngumiti ako saka pumasok na. Mabilis siyang umikot pakabila saka sumakay na rin.

Nagkatitigan kami.

"Kakampi mo ako, Bekah. Kahit isampal na sa iyo ng lahat tao na mali ang paniniwala mo sa mundo, kakampi mo pa rin ako." Ngumiti siya saka inangat ang kamao niya.

Napangiti ako at nakipag-bro fist na rin sa kanya.

Five years, Elisha. You missed half a decade of my life. Too many things have happened. Huwag ka na humabol.

**********

"I bet you still ha—"

I turned to him with a glare as I cut him from finishing his sentence. "I loathe him, Cyrus. I don't just hate him. He was my best friend." I looked away. One apology can't suffice the damage he has caused me. He wasted the years for not telling me personally that he's gone for the States. Anong akala niya? I'm still the demure girl from the south that he can easily manipulate just because I'm his younger cousin and I used to be his number one fan girl about almost everything? "Just because I adored him a lot when we were younger, that doesn't mean I won't change through the years."

He laughed when I scoffed. Umirap ako. "You sound like an ex-girlfriend who was cheated on." Sabi niya habang nakatuon ang mga mata sa kalsada habang bumulong ako ng 'Fuck you.' sa tabi niya. "Just forgive him, Bekah. Walang masama sa pagpatawad at paglimot."

"He will have to grovel for that." Irap ko saka tumanaw sa labasan kasabay ng paghinto ng kotse sa pagpula ng stoplight. I rolled the windows down and let the air caress my hair to flow.

"You want Elisha to grovel? Wala bang discount kapag kamag-anak?" He kidded as he pressed next on his stereo. Maybe by Jensen Gomez and Reese Lansangan traitorously played. Damn, you did a wrong move, Cyrus.

"Of course not! Ang swerte niya naman!" Malakas na singhal ko dala ng sobrang inis na binibigay ng pinsan ko. "Shut up, Cyrus."

"Grabe talaga, hindi kita ginaganyan kapag inaasar mo ako kay Ophelia." Nakita ko ang pagnguso niya, kunwaring nagtatampo. My brows met as my lips pursed. "Don't give me that look. We both know each other, Rebekah Montefalco."

When He Broke MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon