Ika-walong Kabanata
Botohan
Gusto ko na sanang umuwi, pero may dalaw yata ang kasama ko kaya nag-aya na uminom. Dumeretso kami sa Ministop at bumili ng limang Smirnoff at tatlong Red Horse.
"Dala mo ba cooler mo?" Tanong ko sa kanya nang nasa counter na kami. Binuksan ko ang wallet ko saka humugot ng limang daan. Tumango si Cyrus saka diniskarga ang laman ng basket. "May yelo at tubig pa ba?"
"Kaninang umaga pa yung yelo. Mineral water na lang laman non."
Inabot ko sa kanya ang pera at nilagay sa bulsa ng pantalon niya ang wallet ko. Umalis ako sa tabi niya saka dumeretso sa ref ng tube ice. Kumuha ako ng dalawang pack saka bumalik ng counter. Akala ko tutulungan pa ako ng isang empleyado pero dumeretso pala sa may cooler ng ice cream para ayusin ang makina, pero okay lang din naman sa akin.
Nang makarating sa may counter ay may kausap sa telepono si Cyrus. The cashier did her thing saka binigaysa akin ang sukli. Nang mailagay lahat sa paper bag ang mga pinamili namin ay naghati kami ni Cyrus sa bitbitin saka lumabas na ng Ministop.
Nang binaba niya na ang phone niya ay sa akin naman may tumawag. Giniya ko si Cyrus na kunin ang phone ko at siya na muna ang sumagot.
"Hello?" Sagot niya sa tawag.
Dumeretso ako sa trunk ng sasakyan at nilagay na doon ang ilan sa mga binili namin. Kung hindi matakaw ang mga kaibigan ko, hindi mauubos ang pagkain ko rito sa trunk. Nang matapos ay bumalik ako sa harap at nadiskubre na nakakunot na ang noo ng pinsan ko. Halos tatlong minuto lang ako na nawala sa paningin niya ay bumalik na naman siya sa kasungitan niya.
"Sino yung tumawag?" Tanong ko saka kinuha ang phone. Ako naman ang napasimangot. Elisha Montefalco. "Anong sabi?"
"Pinapauwi na tayo."
"Bakit?" Lalong kumunot ang noo ko. Nag-vibrate ang phone ko dala ng isang text, galing pa rin kay Elisha.
From: Elisha Montefalco
Hinahanap ka sa akin ng tatay mo. Where are you two?
Sumagot ako.
Malayo sayo.
"Nag-reply ka?"
Tumingala ako saka inabot sa kanya ang phone ko. "Ako nang magmamaneho, ikaw na sumagot sa kanya."
Naglakad ako paikot saka pumwesto na sa driver's seat. Narinig ko ang tawa ni Cyrus sa labas. Huminga ako ng malalim at sinuot na ang seatbelt ko. Pumasok na siya na nakatawa pa rin. Napairap ako.
Sa halos kalahating oras ay magkausap lamang sila sa tawag. Hindi ko marinig ang mga sinasabi ni Elisha pero puro mura ang naririnig ko kay Cyrus kaya alam ko nang wala akong ideya sa mga pinagsasabi nila.
Nang makarating sa bahay ay binati ko ang tatay ko saka dumeretso na sa kwarto ko. Naramdaman kong nakasunod si Riah.
"Saan kayo galing?"
Tumawa ako saka nagtanggal ng sapatos. Nilagay ko sa kama ang sling bag ko. "Alam mo na yon." Humiga ako.
Sinara niya ang pintuan. "Di man lang nag-aya!" Tumalon siya sa kama saka ako sinabunutan. "Tagal ko nang hindi umiinom, hindi man lang ako sinabihan."
Hinampas ko ang braso niya. "Kakainom mo lang last week, gabi bago ang mismong finals."
"Wow, thank you! Salamat sa reminder!"
"Piss off." Saad ko saka umirap. Tumayo ako at pumunta sa maliit kong walk-in closet para magpalit ng damit.
"Sinong kasama niyo ni Cyrus?" Rinig kong tanong niya sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
When He Broke Me
RomanceCheering team. Dancefloor. Dinning room. Konting corny jokes mula kay Azrael. Konting mura ni Isaiah. At ilang ulit na hampas mula kila Vanna. Until Trilogy Fan Fiction CREDITS TO FOR THE CHARACTERS THAT WILL BE MENTIONED: Miss Jonah Pacala