Simula

504 3 0
                                    

Simula

Pumosisyon na si Isaiah. Huminga ito ng malalim bago inangat ang kamay.

"Make it fast, Montefalco!" Sigaw ni Azrael. Hindi na makapaghintay masapul sa mukha ng bola.

Napailing na lang ako at nagpatuloy na laruin ang soccer ball ko. Si Azariah, nakamasid lang, nagbabasa kanina ng libro, gusto atang makitang pumalpak ang kuya niya sa pagsalo.

"Do not disown me, Azrael!" Isaiah's smirk flashed to my cousin. Mukhang may masamang balak ang isang ito kaya nagbilin na.

Anong gagawin mo, Isaiah?

"Bring it on, pussy!" Hiyaw ni Azrael na mas malaki pa ang ngisi kay Isiah.

Isang fast ball ang pinakawalan ni Isiahㅡat isa ring ball ball. If you know what I mean.

Touchè, Azrael.

"Tangina, sandali! Mababaog ata ako!" Napaluhod si Azrael.

Napaluhod din akoㅡsa sakit ng tiyan.

What the heck! Akala ko pa naman, matibay ang apog neto! Pussy pussy ka pa dyang nalalaman, Azrael. Sabog tuloy itlog mo. Napangisi ako at tumayo.

Nag-high five kami ni Isaiah dahil magkalapit lang kaming dalawa bago kami naglakad palapit kay Azrael dala ang bola ko.

"Nice ball, Isaiah." Hagikhik ko habang pinapanood ang hambog na si Azrael na magreklamo sa sakit.

"Tangina! Paano na yung lahi ko?!" Sabi nito na nakaluhod pa rin at nakahawak sa parteng tinamaan ni Isiah.

"Ang yabang mo kasi, Kuya." Iling sa kanya ni Azariah, napahagikhik kami ulit ni Isaiah.

"Buti pa si Azariah, she makes sense." Nakipag-bro fist si Isaiah kay Azariah, tinawanan naman siya nito.

"Tara na, mga Kuya. Doon na tayo kila Kuya Samson." Ani Azariah bago tumayo, kinuha na niya ang mga gamit niya.

Pumayag naman kami kaya naglakad na kami.

"Hoy! Mga kulugo! Itayo niyo ako!"

Lumingon ako. Nakalimutan na pala namin si Azrael.

Pinauna ko na ang dalawa at tinakbo ang mapamurang nilalang na walang modo. Kung hindi ko lang ito pinsan, kanina ko pa ito naibaon sa lupa.

Itinayo ko siya gaya ng nirereklamo niya at inilakad na rin papunta sa practice field nila Samson. "Gago ka kasi, e, hindi naman yun basketball na naka-square stance ka dapat." Sabi ko bago ginulo ang buhok niya.

"Tangina, sino ba kasing nagpumilit sa akin na mag-baseball?" Mura niya sa kawalan, o sa akin?

Napabuntong hininga ako at ngumisi, "Wag kang bobo, Azrael. Ikaw ang nanghamon sa pinsan mo na maglaro kayo." Nanunuyang sabi ko dito.

"Tangina, edi wow." Mas napahalakhak ako sa pagmura niya.

Sa aming magpipinsan, si Azrael ang pinakamalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero mas malapit pa kami kaysa sa kapatid niyang nasa kabilang eskwela na si Gabriel kasama sila Kuya Xian. Hindi sila pinagsasama sa isang lugar dahil may tsansa na makapanood ka ng live stream mixed martial arts fight lalo na't war freak pareho. Sabi nga ni Daddy, parang si Tito Azrael lang at Tito Knoxx noong panahon nila. Oh well, the name bears it.

Nang makarating sa practice field ng cheering team, pinaupo ko sa tabi nila Azariah si Azrael dahil nangawit ang balikat ko. Nagmurahan pa sila habang nanonood.

Nag-inat naman ako dahil sumakit talaga ang balikat ko. Ang bigat naman kasi ni Azrael, akala mo, sampung tonelada bawat hita ang meron siya.

Bahagya namang napataas ang kilay ko nang may mga tumili sa di kalayuan.

When He Broke MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon