Kabanata 1

185 0 0
                                    

Unang Kabanata

Stop Being Clumsy

"Bakit ka nagpapaapi sa babaeng iyon?! God, Bekah! You know better!" Napasapo na lang si Klein sa noo. Napatingin siya kay Kuya Eli at napailing. "This woman is helpless. I can't see the point why she doesn't fight back kung lagi naman pala siyang inaapi nito."

"Why are you stressing yourself out, Klein? Maupo ka nga, kanina ka pa pabalik-balik." Kuya scolded. Hindi siya nakinig at naglakad pa ng ilang ulit na para bang nag-iisip talaga. "Sit the fuck down, Klein!"

"Heto na nga, o." Agad siyang umupo sa sofa. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Sabihin mo lang kung kailangan mo ng taga patay ng lamok dahil game akong patayin ang utak lamok na babaeng yun!"

"Oh Great God, is she even my sister?" Hindi makapaniwalang sabi ni Kuya.

Matapos magpractice kanina, dumeretso na kami sa bahay. Nagpahatid kami sa driver namin dahil magtataka si Daddy kapag nagpasundo ako ng maaga. At nang ikwento ko kay Klein ang nangyari, ayan, nagsimula na siyang dumaldal.

At hindi ko alam kung bakit siya nandito.

"Hindi ba dapat nasa school ka rin? Wala kayong bowling practice?" Tanong ni Kuya Eli na para bang nabasa niya kung ano ang nasa isip ko.

"Walang practice, nag-out of town si Sir Jimmy. And Tito Rafael made me go here for his garden, you know how I love gardens." Sagot naman agad ni Klein. Nakatitig pa rin siya sa akin, ano kayang iniisip niya?

Napalinga ako kay Kuya nang magsalita ito.

"Bekah, if anyone meddles with you, just tell me. Kahit babae, ako ang bahala." Aniya, tumango ako pero agad niya akong sinamaan ng tingin. "I don't take nods as an answer, Montefalco."

"Opo, Kuya. Sorry kung ganun yung ugali ni Katrina, that she almost two timed you and Kuya Sam." Kagat labing sabi ko.

Lalong napailing si Kuya at Klein.

"Why are you apologizing for her, when in the first place, she acted bitch towards you?" Nakakunot na ang noo ni Kuya.

"Kuya, every person needs an explanation, siguro, iyon ang hindi natin naibigay sa kanya." Sagot ko, na ikinatayo niya.

"Tama na. Ayoko nang makarinig ng kahit ano tungkol sa babaeng iyon, nabubwisit lang ako lalo." Inis na sabi niya bago ginulo ang sariling buhok.

Tumayo rin si Klein, "Bekah, you don't always need to be selfless. Kailangan mo ring ipaglaban ang sarili mo." And she left me too in the living room.

Ano bang masama sa ginawa ko? Humingi lang naman ako ng despensa para kay Katrina a? And besides, alam kong hindi talaga siya ganun. Ang alam ko, mabait siya and caring, hindi lang siguro naipapakita.

Nagpasya akong dumeretso na sa kwarto at magbihis.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at si Kuya Elisha ang bungad nito. Agad siyang tumalon sa kama.

"Kuya, wag sa kama!" Kunot noong sigaw ko bago ibinaba ang hair brush ko.

Hindi siya gumalaw, dinama at nilanghap pa ata lahat ng amoy na meron ang kama ko. Minulat niya ang mga mata niya at tumingin sa akin, "Strawberry smells nice." Ngisi niya.

Agad akong namula, "Ano ba, Kuya? Alis na!" Naglakad ako palapit at hinila siya sa abot ng makakaya ko, pero ni hindi siya gumalaw.

Napairap ako. Kanina, ang OA niya tungkol kay Katrina tapos ganyan siya? Argh. Napakagat ako ng pang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung maiirita ako dahil dumapa si Kuya sa kama ko ng pawisan o hindi dahil hindi ko kayang mairita sa tao.

When He Broke MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon