Kabanata 5

54 0 0
                                    

Ikalimang Kabanata

Lord of the Whores

Naganap ang moving up ceremony namin ng umaga sa isang sikat na hotel sa Davao at inabot kami ng alas tres sa programa. Nang matapos ang recognition rites namin ay nagyaya si Riah na pumunta raw kami sa despedida party ng valedictorian ng batch namin kinabukasan, pumayag kami dahil pumayag din naman sila Daddy. Agad kaming umuwi.

Nang maggabi ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na para sa hapunan. Naabutan kong kumakain na sila, kasama si Kuya Elisha at Klein.

Bakit parang napapadalas na ata dito si Kuya Elisha? Hindi naman siya masyadong lumalabas ng bahay nila at kung pumupunta sila dito ay kasama ang mga Kuya at iba ko pang mga pinsan. Si Klein naman, normal na gumagala-gala dito sa bahay tulad nila Riah. Hindi naman kasi magala si Kuya Elisha, hindi palaging madaldal, hindi palaging makulit. He occasionally gets crazy, lalo na kapag nasa tabi niya sila Azi.

Napangiti ang dalawa, but something behind Klein's smile is poking my head that there's something wrong.

"Bakit ganyan ang much amo, Klein? Mukha kang nangangasim." Puna ko saka umupo na sa upuan ko.

Napaubo si Klein kaya nagkatinginan kami ni Kuya Eli. Naningkit ang mga mata ko saka tinignang mabuti si Klein. Nagsipaan ang dalawa sa ilalim ng mesa.

"Anong meron?" Tanong ko dahil halatang nagsisipaan sila sa ilalim, bakas na bakas sa mukha ni Kuya Eli na napipikon na siya sa kapatid niya.

Tiningala niya ako. "Umm..Wala." Iling niya saka ngumisi, pinagpatuloy niya ang pagkain niya.

"Okay." Sagot ko na lang at kumain na.

Nang matapos kaming kumain ay dumeretso na si Papa sa kwarto at kaming tatlo naman ay dumeretso sa kwarto ko. Tumalon sa kama ko si Klein habang dumeretso naman ang kapatid niya sa mini fridge ko saka binaba ang bag niya sa tabi nito.

"Anong laman nan, Kuya?" Tanong ko saka lumapit.

"Mamaya mo malalaman. Buksan mo muna yung TV. Dala ni Klein ang hard drive sa bag niya." Binuksan niya ang fridge saka kumuha ng chips doon at mansanas.

Sumunod ako saka pinuntahan si Klein. Umupo ako sa tabi niya, nakapikit lamang siya habang inaalog ang mga kamay niyang nakaangat sa ere.

Natawa ako sa kanya. "Anong ginagawa mo?" Ibinaba ko ang mga kamay niya ngunit itinaas niya lamang ulit at inalog-alog ulit ang sariling mga kamay.

"Nagbabawas ako ng taba."

I frowned. "You're too thin already, why the hell would you still want to lose them?"

"Pinapasali ako ni Kuya Xian doon sa beauty pageant next month." Sumimangot rin siya saka umupo na ng maayos, huminto na sa ginagawang 'pagbabawas ng taba.'

"Bakit ka kasi pumayag?" I scoffed. Kung hindi mapilit si Kuya Xian, hindi nag-iisip itong si Klein.

"I already said my no, pero nauna na pala siyang nagsabi kila Mama kaya inaasahan na talaga ako na sasali doon."

"Well, you can back out if you really wanted an out." Nagkibit-balik ako saka humiga na rin.

"Hayaan mo na." She laughed and smiled. "Mahal ang registration fee, sayang lang kung magba-backout ako dahil dalawang libo mahigit yon. Walang refund."

Napailing na lang ako sa kanya. If I were her, I'd let that two thousand pesos go. Donation nalang kumbaga, but of course, I won't tell her about the thought dahil baka masabihan na naman akong namimigay ng pera.

"Pero kung ayaw mo, ayaw mo talaga." Singhal ko saka hinampas siya ng unan.

Kinuha ko ang TV remote saka binuksan ang TV. Inabot sa akin ni Klein ang hard drive kaya bumaba ako ng kama para isaksak ang hard drive sa TV.

**********

Tulog na si Klein sa kama. Nasa ibabang harap ng kama kami nakaupo ni Kuya Eli, pareho pa ring nakatitig sa screen hawak ang tig-isang baso ng Red Horse. Nakasiyam o sampung baso na siya samantalang ako, hindi ko pa rin nagagalaw ang baso na hawak ko.

"Kung ayaw mo, give it to me." He said in a low husky voice saka ako binalingan ng tingin.

Naramdaman ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pucha. Humigpit ang hawak ko sa aking baso at napatingin sa pinsan ko. "I'm underage, and so are you."

"But you're not that innocent anymore about drinking." Hawak niya na ang remote, nilakasan niya ang volume ng pinapanood namin.

Maybe he doesn't want Klein to hear us if she was ever awake.

"Do I really have to drink it?" Tanong ko saka tinitigan ang laman ng baso ko. Mukhang ihi, ang pangit ng amoy.

"Anong sabi ni Tito Azrael kapag usapang inuman at underage?"

I rolled my eyes and looked at him. "Ang pag-inom ay parang libog ng tao. Ikaw ang kokontrol sa kanya, hindi ikaw ang kokontrolin."

Tumawa siya saka ako inakbayan. "Gago talaga yun, no? Kung ano-anong lumalabas sa bibig."

Natawa rin ako. Hindi ko na marinig kung sinasabi ni Alex kay Shelby.

Inubos niya ang laman ng baso niya bago muling nagsalita. "He's the Lord of the Whores, as his own son would call him behind his back." Bumitaw siya sa akin saka lumayo ng konti pakanan. I breathed first before sitting back straight, inilipat ko ang hawak ko sa kaliwang kamay saka ibinaba ang kanan sa sahig.

Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Eli.

"Anong ginawa ko?" Napaturo ako sa sarili ko.

Iniharap niya ang sarili niya sa akin saka ibinaba ang kamay ko sa lapag. At hindi niya binitawan.

"Ano bang meron sa iyo, Rebekah Montefalco?" Kunot ang noo niya. Humigpit ang hawak niya sa kanyang baso.

"Anong anong meron?" Bumilis lalo ang kabog sa dibdib ko.

"Bakit kailangan kong umalis? Bakit hindi kita maiwan dito?"

Naramdaman kong parang may nabasag sa loob ko. Hindi ko alam kung ilang beses akong kumurap bago nagsalita ulit Lasing ka na. Bumigat ang aking paghinga. "Saan ka pupunta?"

"I need to go to US, Rebekah." Binaba niya ang baso niya saka hinawakan na ang kamay ko ng parehong mga kamay niya. Pinagsiklop niya ang kaliwang kamay niya sa kanang kamay ko at pumaibabaw rin ng kanang kamay niya sa mga kamay namin. Yumuko siya sa tabi ko, humihigpit ang hawak. "The folks want me to spend time with them for I don't know how long."

"Pumayag ka?"

Naramdaman ko na nababasa na ang kamay ko. "Pumayag sila Mama."

Umiiyak na siya.

"Pu-p-pumayag ka?" Matigas na tanong ko saka sinubukang bawiin ang kamay ko, pero hindi ko maibawi dahil mas matigas ang ulo niya sa akin.

"Hindi." Mas nabasag ang boses, sumasabay sa lakas ng hikbi niya, sumasabay sa pagbasag ng puso ko. "I kept saying no to myself, pero ayokong magtampo sila Papa. Si Tito Justine ang may gusto na doon muna ako maglagi."

Tinitigan ko siya. "You're bluffing." Tiim-bagang na saad ko saka sinubukan ulit na kalasin ang kamay ko sa kanya, pero hindi ako nagtagumpay. "Please, Kuya. Let go of my hand."

And he did let go of my hand.

Pero hinawakan niya ako sa magkabilang mga pisngi at hinila palapit sa mukha niya. "Please, don't be mad at me, Bekah." Pakiusap niya saka pinagdikit ang aming mga noo habang patuloy na tahimik na umiiyak. "I'm sorry. I'm sorry."

"Don't be sorry. Matulog ka na." Tinulak ko siya ng mahina, at nagpatulak naman siya, pulang pula na ang mukha.

Hinayaan ko siyang pumikit sa gilid. Pinatay ko na ang TV. Tumayo ako saka kinuha ang mga baso namin at tatlong bote ng Red Horse na siya lang ang umubos. Inilapag ko ang mga bote sa taas ng ref saka ang baso ng pinsan ko at inubos ang kanina pang naubusan na lamig na inumin ko.

Tangina.

When He Broke MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon