Chapter 11

47 0 0
                                    

*2 Months Passed*


"Ang cute at ang gwapo ng anak mo, Jilliane."

"Alam ko naman iyon, kahit di mo naman sabihin."

"Ay? Proud, ganon? Landi ha."

"Oo naman!"

"Eh si Liam, nasaan ba?"

"Ayun, balik kompanya. Tapos na ang leave niya."

"Eh bakit parang malungkot ka?" 

Hinampas ko naman ito sa braso, "Ikaw ha. Hindi ako nalulungkot!"

"Sus! Denial ka pa."

Sinamaan ko nalang ng tingin si Gail. Halos mag iisang taon na simula nang hindi kami nagkita ni Gail. Kaya heto siya ngayon, bumalik ng maynila para dito mag trabaho ulit. 

"Tapatin mo nga ako, Jilliane."

"Bakit? May atraso ba ako sayo?"

"Seryoso nga kasi. Mahal mo na ba si Liam?"

Napayuko ako. Mahal ko na nga ba?

Dahan dahan kong ginalaw ang aking ulo, "O-oo, Gail."

"Ayun! Kinain mo din ang sinabi mo noon. Ewan ko sayong babae ka. Maiinlove ka rin naman pala kay Liam sa huli, eh."

"Natatakot ako, Gail."

"Ha? Bakit?" Takang tanong niya sa akin.

"Natatakot ako na baka pag mahal ko na siya... hindi na niya ako mahal."

"Sana nga." Tapos tumawa ito. 

Sinamaan ko naman ito ng tingin kaya napatigil siya tapos maya maya tumawa ulit. Baliw na ata itong babaeng 'to.

"Binibiro lang nga kita eh! Wag mo na kasi gawing bato yang puso mo. Paano nalang kung mapapagod nalang si Liam?"

"Hindi ko naman pwede madaliin ang lahat, eh. Anong gusto mo, tumayo ako sa harap niyang nakahubad tapos sasabihin kong, 'handa ko na ibigay ang lahat sayo Liam', ganon? Ang laswa!"

"Gaga! Hindi ganon. Simple lang.." 

Nagtaka naman ako, akala mo ang expert eh. "Eh ano ba gagawin ko?"

"Mag damit ka ng sexy. Yun bang mag suot ka ng manipis na damit? Akitin mo!"

Kumunot ang noo ko. Baliw ba siya?

"Gail? Normal kana man diba?"

"Normal na normal. Ikaw na nga itong pinapayuhan. Pabebe pa. Tsk."

"Effective kaya yan?"

"Madali lang ma se-seduce ang mga lalaki, Jilliane."

"Hmm, sige." 

Para kay Liam, gagawin ko 'to kahit hindi ko naman talaga ugali ang mang akit.

Lumipas ang dalawang oras, nagpaalam na rin si Gail dahil may duty na raw siya maya-maya. Kaya pagkaalis niya, nagbihis agad ako. Dahil ilang minuto na lang alam kong dadating na si Liam.


Liam's POV


Pauwi na ako galing sa kompanya namin. Naisipan kong mag take out ng Chowking baka hindi pa kumakain si Jilliane. Ayokong magutom ang asawa ko. 

Pagkatapos kong mag take out, dali dali akong pumunta ng parking lot at tinungo ang condo ko. Excited akong makita ang mag-ina ko. 

Malapit na ako sa tinutuluyan namin ng narinig kong may nag uusap sa loob. Di ako nagkakamali. Si Gail at si Jilliane ang nag uusap. Hindi ako chismosong lalake pero gusto kong marinig ang pinag uusapan nila lalo ng nahagip ng tenga ko ang pangalan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Won't Give Up On You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon