Chapter 7

37 0 0
                                    

"P-pumapayag ka na?"

"Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?! Tutal, binili mo na ako sa mga magulang ko. Ano pa ba magagawa ko?!"

Galit pa rin siya sa akin. A-ang akala ko, tanggap niya na ako pero nagkakamali ako. Mahirap ba akong mahalin? Bakit hindi niya ako matanggap tanggap?

"Liane, hindi kita binili. I want to marry you kasi ayokong sabihin ng ibang tao na desperada ka."

"Bakit kasalanan ko ba kung naging despearada ako, ha?! L-liam, I trust you! Pero hindi pa pala sapat ang tiwalang iyon."

"J-jilliane.. Im.. Im sorry." 

"Hindi kita pinuntahan para marinig lang ang sorry mo. Ngayon nakapag desisyon na ako. P-pumapayag na ako." 

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa akin at sa mga mata niya, halatang may mga luha na kanina niya pang pinipigilan. Dapat ba ako maging masaya? Pero bakit nasasaktan ako?

"Sigurado kana ba? Jilliane, marry me. Lahat gagawin ko para itama lang ang pagkakamali ko."

"Kelan ang kasal?" pag iiba niya ng topic.

"2 days before our wedding. I already prepared all papers na kelangan."

"So, inexpect mo talagang magpakasal ako sayo? My god! For the sake of my baby! Hindi ibig sabihin na magpapakasal ako sayo.. kaya na kitang patawarin! Kahit kelan Liam, hinding hindi na magbabago ang pagtingin ko sayo!

Pinakinggan ko lang lahat ng sinabi niya kahit masakit na. I will do everything just to make her fall for me. Alam ko ang gago ko! Pero hindi pa rin ako susuko.. mapapatawad niya pa rin ako.

... ayoko sa simbahan magpakasal. Gusto ko sa huwes lang. Ayokong may makaalam kahit sino." patuloy niya.

Nagulat naman ako. "W-WHAT?! Jilliane, nagpaayos na ako sa simbahan for our wedding.."

"Mahirap bang intindihin na sa huwes lang? Kung ayaw mo, uuwi na ako."

Tumalikod na siya  para lumabas pero bigla ko siyang hinawakan sa kamay para pigilan.

"Bitiwan mo ko! Ano ba!"

"Payag na ako. Ituloy na natin ang kasal."

 Tinignan niya lang ako at umalis na. 

Napabalik ako sa upuan at hinilot ang sentido ko. Alam kong tama ang magiging desisyon ko. Tinawagan ko na ang Judge para sabihing doon kami ikakasal ni Jilliane. 

JILLIANE'S POV

Lumabas na ako ng office ni Liam. Hindi ko makayang makita ang pagmumukha niya. Siya pa rin ang taong kinamumuhian ko. 

Napadpad ako dito sa isang Park. Napaupo ako. Hinawakan ko ang tiyan ko. "Baby, sabay natin harapin ang mga pagsubok ha.."

Tapos nun, napatingin ako sa isang pamilyang nag pi-piknik. Masayang masaya sila. Napangiti ako. Mararanasan ko din kaya magkaroon ng pamilya na ganyan kasaya? Sana, oo. 

Napa buntong hininga na lang ako. 

"Liane."

Napalingon ako sa lalaking tumabi sakin.

Si Sir Andrew.

"S-sir. Ano pong ginagawa niyo rito?"

"Nakita kita nung napadaan ako. Alam ko na ang totoo Jilliane."

Napayuko ako. Pero agad ko naman inangat ang ulo ko at pilit na ngumiti kay Sir Andrew.

"Ang daya ng buhay sir Andrew, ano?"

"Hindi naman Jilliane. Swerte mo nga e."

Swerte? Kay Liam? Kahit kelan hindi  ko mararanasan ang totoong swerte sa buhay ko. 

Hindi na lang ako nagsalita. Di naman tumagal nag paalam na rin si Sir na mauna na raw siya. Balak pa nga niya na ihatid ako pero tumanggi ako dahil dadaan pa ako sa mall para tumingin ng mga pambatang suot. Hindi ko ba alam pero kahit ganito ang dinadanas ko, hindi ko pa rin maiwasang maexcite pag lumabas na ang baby ko.

Nag Jeep na lang ako patungong mall. Kanina pa din nag mi-misscall si Liam. Pero pinatay ko lang ang cellphone ko.

Nakarating din naman ako agad sa mall. Pumunta naman ako agad sa baby section wear. Ang c-cute ng mga damit. Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti. Gusto ko babae ang magiging anak ko. Pero di bale, si God na ang bahala roon.

Nag libot libot na rin ako. Madami akong gustong bilhin para sa magiging anak ko pero hindi ko pa naman alam ang gender nya tutal 1 month pa lang naman akong buntis.

Napahinto ako sa paglalakad at in-on ang phone ko.

34 messages from Liam

12 messages from Mama

Hindi ko binasa ang kay Liam. Ang binasa ko lang ay ang mga text messages ni Mama. 

Pinapauwi na ako.

Pag uwi ko ng bahay, sa labas pa lang alam kong may bisita kami. Tamang tama naman pagpasok ko, nakita ko ang lalakeng kinamumuhian ko na nakaupo sa sofa katabi naman sa kabilang sofa sina Mama't Papa. 

"Liane, we need to talk about our wedding... sa huwes."

I Won't Give Up On You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon