Liam's POV
"Bro, may kakilala ka bang maganda, mayaman at sexy?"
Heto nanaman si Andrew. Babae nanaman ang nasa isip. Ang aga aga kalandian agad ang iniisip.
"Hay, ewan ko sayo Andrew. Tumino ka nga kahit minsan lang."
"Nag eenjoy lang naman ako ah? Try mo kaya."
Aba't loko to ah! Nagbago na ako. At alam kong si Jilliane lang ang para sa akin.
"Try mo mukha mo! Nagbago na ako."
"Well.. Sabi mo eh!"
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga paper data na nasa harapan ko at binabasa iyon. Nandito rin si Andrew sa kompanya dahil magka business partner kami. Iniwan ng parents ko ang kompanya namin dahil meron din silang aasikasuhin sa Canada.
Habang tinitignan ko ang mga papers, biglang nasagi ng utak ko si Jilliane. Namimiss ko na siya. Nasaan kaya yun?
"Bro, aalis muna ako ah? Pupuntahan ko muna ang puwesto ko doon sa Pabrika."
Hindi ako sumagot. Parang may nagtutulak sa akin na sumama ako kay Andrew. Pinihit na ni Andrew ang Doorknob ng bigla akong nagsalita.
"Bro, sama ako."
"Tara."
*
Nandito na kami sa harap ng Puwesto niya. T-teka! Si Jilliane yun ah? So.. dito siya nagtatrabaho sa puwesto ni Andrew?
"Bro! You know her?" sabay turo ko kay Jilliane na parang may inaayos na gamit.
"Yeah. Why? Na'love at first sight ka kaagad? Ibang klase." he smirk.
"Gago. Ganito na lang..."
Sinabi ko ang plano ko para masorpresa ko si Liane.
"Tss. Fine. O tara na!"
Bumaba na kami ng kotse. At ako naman nakasunod lang sa likuran ni Andrew.
Jilliane's POV
"Guys! Nandiyan na si Sir. Umayos kayo."
Sinuklayan ko kaagad ang mahaba kong buhok at nag lagay na din ng konting pulbo at lipstick. Bigla naman sumipol si Gail.
"Hay, ewan ko sayo girl. Osha, nandiyan na si Sir."
Yung mga mata ko nakafocus lang kay Sir Andrew. Ba't ba ang gwapo niya? Hay, sana mapansin mo na ako Sir Andrew.
"Hi, Jilliane."
Nabigla ako. P-pinansin niya ako? Feel ko sobra pa sa kamatis ang lagay ng mukha ko sa sobrang pula. Natameme ako. Ugh! Ang lakas talaga ng karisma ni Sir.
Natigilan ako ng nagsalita siya ulit.. "May naghahanap sayo." ngumiti siya at may lumabas sa likuran niya.
"Hi Jilliane!"
"Liam! Paano mo nalamang nandito ako?"
"Hmm, wala. Hula ko lang. Hehe. O! Di mo pala sinabi na dito ka nagtatrabaho sa Pabrika. Tsaka dito pa sa puwesto ng kaibigan ko."
"Hindi ka naman nagtanong eh."
"Oo nga no. Hehe. Tara, kain tayo!"
"Ahh, ehh.. Liam, work hour pa kasi namin e. Magagalit si S-sir Andrew."
Tumalikod siya sakin at pinuntahan si Sir Andrew na parang may sinabi kay Sir Andrew at pagkatapos hinila niya na ako papuntang canteen.
"Jil, ako na ang bibili. Hintayin mo nalang ako diyan sa lamesa ah."
Sinunod ko ang sinabi niya. Di naman tumagal, nakabalik agad siya na may dalang spaghetti, Burger at Coke.
"Salamat dito Liam ah? Panu ba yan, pag ikaw lagi makakasama ko e.. lagi akong mabubusog."
"Ano ka ba. Okay lang ano."
Sinimulan ko ng kagating ang burger. Mamaya ko na siguro kakainin ang Spaghetti. Siya naman, tinititigan lang ako. Nakakailang tuloy.
"Heto, sayo nalang ang spaghetti oh. Kesa naman gutumin ka pa diyan dahil lang sa kakatitig sakin."
"Ahh, ganun ba? Hehehe. Osige."
Nagsimula na din siyang kumain. Yung mga ibang babae naman, ang atensyon kay Liam.
"... dito pa sa puwesto ng kaibigan ko."
Tama! Kelangan ko palang tanungin si Liam baka matulungan niya akong mapalapit kay Sir Andrew. Hayy buti na lang nandiyan si Liam.
"Liam, magkaibigan kayo ni Sir Andrew diba?" tumigil siya sa pag kain at hinarap ako.
"Yeah. Bakit?"
"Tulungan mo naman ako oh."
"H-ha? Para saan?"
"Ipalapit mo naman ako kay Sir Andrew. Yung tipong magugustuhan niya agad ako pag naikwento mo ako sa kanya. Gustong-gusto ko kasi siya Liam eh." nakita kong nangunot ang noo niya. May mali ba sa sinabi ko?
"Ahh ehh.. Ano kasi Jil eh.."
"Sige na pleaaaase." pagmamakaawa ko.
"S-sige." at bigla siya umiwas ng tingin.
Pumayag si Liam! Sa wakas! Mapapansin na din ako ni Sir Andrew. Bigla ko nalang niyakap si Liam sa sobrang saya ko.
Liam's POV
Masakit para sakin na malaman yun. Parang dinudurog ang puso ko. Pero hindi pa rin ako susuko Jilliane. Sa akin ka parin mapupunta.
"S-sige." napilitan kong sabi. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at inubos na ang spaghetti.
"Jil, tara na? May kelangan pa pala akong puntahan. Business matter." pagsisinungaling ko.
Hinatid niya ako sa labas. "Salamat Liam ha. Maraming salamat."
"Walang anuman. Gala tayo paminsan, kung okay lang sayo?"
"Sure! Na-miss din kasi kita bespren!"
Bestfriend... ang sakit lang pakinggan. Pero heto pa rin ako. Pinapakita sa kanya na masaya ako. Na parang wala lang sakin. Pero sa totoo lang, nasasaktan na ako na si Andrew ang gusto niya at hindi ako. Hindi ako papayag na mapupunta si Jilliane kay Andrew lalong lalo na chickboy ito. Sasaktan niya lang si Jilliane at hindi ako papayag.
"Sige, una na ako Jil. Salamat din. Ingat ka." umalis na ako at tinungo na ang kotse.
siguro kelangan ko muna pumunta sa tahimik na lugar.. Kung saan makapag isip ako kung paano mapapasakin si Jilliane.
[A/N]: Readers, One shot lang ang story na to. It will contain 10-13 chapters lang siguro. Pero I'll make sure na sulit ito. First story ko kasi ito eh. Well, hingi ako COMMENTS AND VOTES sa inyo. Salamat!
-Pinkypoink02
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up On You (One Shot)
Romance"Kinamumuhian kita Liam! Ayaw na kitang makita pa!" Yan ang katagang binitawan ni Jilliane matapos ang gabing may mangyari sa kanila dahil sa kagagawan ni Liam. Masakit kay Liam ang mga katagang iyon lalong lao na mahal na mahal niya si Jilliane. Ng...