Chapter 10

49 0 0
                                    

Nagising ako ng nakita ko si Liam na natutulog sa gilid ng kama... habang hawak hawak ang kamay ko.

"Liam..."

Gumalaw siya, "J-jilliane? Are you okay? May masakit pa ba?"

Umiwas ako ng tingin. "I'm okay. Where's my baby?"

"Our baby. Sandali, tatawagin ko ang nurse na ipapadala dito sa atin ang baby."

5 minutes may kumatok na din sa pintuan at pumasok ang nurse habang dala dala ang anak ko.

Ang sarap sa pakiramdam na mahawakan mo ang anak mo.

"Ang gwapo." Ngiting sabi ko sa kawalan.

Totoong gwapo ang anak ko. Wala atang nakuha na feature itong anak ko sa akin, halos kay Liam lahat. Maputi, matangos ang ilong, ang kapal ng buhok, ang pula ng labi at napansin kong, brown ang mata niya. Ganun ba talaga ka lakas ang mga dugo ng Castrences? Dalang dala ang lahi.

"Nagmana sa akin", ngiting sabi niya. Pilit kong ngumiti. Iba na talaga itong nararamdaman ko lalong lalo na nandito na si Rhett, our first baby.

May kumatok sa pintuan. "Baka si mom and dad na yan."

"Hi, Jil-- my god! Ang apo ko!" Kinuha niya ito sa akin at binuhat agad. Napangiti naman ako. "Hi baby! I'm your Grandma. Awwe, ang gwapo ng apo ko. Nagmana sayo, son."

"I know, mom."

"Galing niyo talaga gumawa! Hehehe. Sa susunod dapat girl na, ah?"

Napalunok ako. Kakapanganak ko lang, dapat may kasunod agad? Napasulyap ako kay Liam, at nakita ko siya nakangiti. Hmp! Alam kong gustong gusto din ng lalakeng 'to! Inirapan ko nalang, tapos mas lalong lumawak yung ngiti niya.

Liam's POV

"So, Liam. When are you going to fix the wedding in the church? I know Jilliane doesn't deserve in huwes, anak." Napatingin ako kay Jilliane na mahimbing na natutulog.

"I know, Ma. I'll try to convince her."

"I'll leave it all to you, son. I know you're a responsible man now."

"Thanks, ma." At niyakap ko si mama.

"Oh, by the way. Mauna na kami ng Dad mo, alright? May meeting pa kami."

"Mag ingat kayo mom, dad."

Lumabas na sina Mom and Dad. Umupo ako sa gilid ng kama ni Jilliane at pinagmasdan siyang natutulog ng mahimbing. Every inch of her is perfect. Damn, I love this woman. 

Napatawad na kaya niya ako?

You know, I'll never give up on you Jilliane. Never.

Lumipas ang tatlong araw, makakalabas na rin si Jilliane at madadala na namin ang baby namin. Kasalukuyan siyang nakasakay sa wheel chair ngayon habang karga ang baby namin. Nakarating na kami ng exit at inalalayan ko siyang tumayo papuntang sasakyan na nakaabang na din. 

Sa back seat kami umupo. Nag hired na ako ng driver simula ng manganak si Jilliane. 

Lumipas ang ilang minuto, nakarating na kami ng condo ko. Nakaready na din ang kwarto ng baby namin. Pero sa kasamaang palad, hindi pa rin ako pinapayagan ni Jilliane matulog sa iisang kwarto na katabi  siya. 

Malapit na matapos ang leave ko. Kelangan ko na rin bumalik sa kompanya.

Hating gabi nagising ako. 

"Shh baby. Wag kana umiyak oh." 

Umiiyak ang bata. Hindi ata mapapatahimik ni Jilliane. Tumayo ako at tinungo ang kwarto ni Jilliane at kumatok.

"May problema ba?" Hindi niya pa rin binubuksan ang pintuan.

"Ayaw kasi matulog ni Rhett. Iyak ng iyak." tapos binuksan na niya ang pintuan. Lumuwa ang mata ko ng makita ko siya naka red nighties dress. Lalo atang lumaki ang hinaharap niya.

Shit. Natutukso ako.

"Uhh, y-yung bata." pag iiwas niya ng tingin.

Bumalik naman ako sa katinuan. "Akin na." Kinuha ko yung bata na panay pa rin ang iyak.

"Pinadede ko naman. Hinele ko na pero ayaw pa rin tumahan."

"Baby, daddy's here na. Shhhh. Heto toys oh." Tapos pinakita ko sakanya.

"Hindi pa nakakakita yan", 

Binaba ko naman ang laruan. Maya maya tumahimik din ang bata. Ngumiti ito sa akin.

"N-nakita mo yun? N-ngumiti siya!" Masayang sabi ko kay Jilliane.

"Ikaw ata hinahanap niyan eh. Nagmana nga talaga sayo. Hmp! Ang bata bata pa, choosy na. Daddy niya agad ang hinahanap niya." Pagseselos ni Jilliane. Napangiti naman ako. Ang cute niya. 

"Ako na ang bahala kay Rhett. Matulog kana."

"Sige, lumabas kana lang pag napatulog mo na. Ilagay mo nalang siya dito sa tabi ko."

"Sige."

At tumalikod na siya. She's so sexy.  Kalma ka lang  Liam.

Itinuon ko ulit ang pansin ko sa anak namin. Nilalaro ko nalang. Panay ang ngiti sa akin. Gwapo talaga ng anak ko, anak namin ni Jilliane. 

12:45 na, inaantok na ang baby. Kahit ako mismo, inaantok na din. Di ko namalayan, pumipikit na ang mata ko habang kalong ang anak ko.


Jilliane's POV

4:00 am ng madaling araw nagising ako ng hindi ko naramdaman ang anak ko sa tabi ko. Dali dali akong bumangon at nagulat ako ng makita ko si Liam na nakatulog sa rocking chair habang kalong si Rhett. My goodness!

Dali dali akong pumunta at ginising si Liam. Jusmiyo! Paano nalang kung di niya mamalayan, mahuhulog si Rhett. "Liam! Liam! Gising." Tapik ko sa kanya.

"Hmmm?"

"Nakatulog ka. Yung bata kalong mo pa."

Naalimpungatan siya. "Alam ko. Napagod kasi ako, nakalimutan kong ilagay siya sa tabi mo. Sorry."

"Akin na, ako na ang maglalagay sa kama."

Ibinigay niya sa akin si Rhett. Nang dumikit ang balat niya sa balat ko, tila may kuryenteng gumapang sa buong pagkatao ko. Alam ko ang pakiramdam na 'to. Hindi ako nagkakamali.


 Nagugustuhan ko na siya.

Tuluyan na siya lumabas ng kwarto at pagkatapos kong ilapag si Rhett sa kama ay umiyak nanaman ito. Don't tell me, magkasabwat talaga itong dalawang ito? Gusto niya atang daddy niya ang makakatabi niya, eh.

"L-liam." Tawag ko sakanya. Bumalik naman siya sa kwarto.

"B-bakit?" nauutal niyang sagot.

"Ayaw na ata humiwalay ng bata sayo..."

"Papatulugin ko nalang ulit --"

"Dito kana matulog. Katabi niya." 

Nagulat siya sa sinabi ko. Ayoko ng ganito, baka bumigay na talaga ako. 

Ngayon, nasa gitna na namin ang bata. Inilapit niya ang bata sa kanya at tumahimik naman ito. Hmp! Choosy talaga ng batang to.

Diretsahang tinignan ako ni Liam sa mata. Ba't ka ba ganito Liam Castrences?

"J-jilliane..."

"Ah matutulog na ako. Matulog kana din." 


tumalikod na ako. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kaya na pag usapan  ang lahat ng nangyari noon.



I Won't Give Up On You (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon