Jilliane's POV
Pagod akong umuwi ng bahay. Siguro dahil na rin ito sa pagbubuntis ko. Pagbukas ko pa lang ng pintuan, nakita ko na sina Mama't Papa na nakaupo sa sofa na halatang seryoso na tila bang ako ang hinihintay.
"Mano po Ma, Pa."
Lalampasan ko na sana sila para pumasok ng kwarto ng biglang nagsalita si Papa.
"Kelan mo balak sabihin sa amin ng mama mo?"
"H-ha? Ang alin po?" Kinakabahan kong tanong.
"So ngayon, nagsisinungaling kana sa amin ng mama mo? Jilliane! Wag mo kaming gawing tanga! Ano! Ayaw mo pa rin sabihin?"
"P-panu niyo po nalamang..."
"Hindi na importante iyon! *SLAP!* Ba't nilihim mo sa amin ito ng Mama mo ha?! Hindi ka namin pinalaki ng taksil. Pero ano ha?!"
"Carlos, ano ba! Tama na!"
"Pa! Aksidente la--"
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Magpapakasal ka sa kanya sa ayaw at sa gusto mo!"
"Pero pa! Hindi ko mahal si Liam."
"Wala akong pakealam! Kung hindi ka papayag, kakalimutan mo ng may pamilya ka dito sa bahay na 'to!" At bigla ng umalis si Papa.
Nilapitan ako ni mama at niyakap. Doon ko na nilabas ang mga luhang kanina ko pang gustong ilabas.
Sinamahan ako ni mama papuntang kwarto ko habang umiiyak pa rin ako.
"Anak, ba't hindi mo sinabi sa amin ng papa mo?"
"Ma, natatakot ako.."
"Shh.. tahan na. Nandito lang ako anak."
"P-pero ma.. ayokong magpakasal kay Liam. H-hindi ko siya mahal."
"Anak, isipin mo ang kinabukasan ng anak mo."
"Ma! Pagbigyan niyo naman ako! Hindi niyo nararamdam ang nararamdaman ko ngayon! Ma! Tao din ako! Aso ba ang tingin niyo sakin na basta nalang ipamimigay, ha?!"
*SLAP!*
Hindi ko inexpect ang gagawin sakin ni mama. Tumulo nanaman ang mga luha ko.
"A-anak, h-hindi ko sinasadya.."
"Umalis ka na!"
Narinig ko na lang ang pag sarado ng pintuan. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para na akong nilamon ng lupa.
Iyak lang ako ng iyak hanggang nakatulog ako ng may sama ng loob.
Liam's POV
"So ano na ang plano mo?"
"Hindi ko alam. Pero nakausap ko na ang mga magulang ni Jilliane."
"O! Pumayag ba?"
"O-oo. Susuportahan ko ang pamilya ni Jilliane. Tsaka may hiniling na din ang mga magulang niya."
"Ano naman yun?"
"Kahit ano basta negosyo."
"Negosyo?! Gaya ng ano?"
"Tindahan. Oo. Para hindi na magkahirap hirap ang pamilya nila Jilliane. Tsaka sagot ko na rin ang pag aaral ng mga kapatid niya."
"Hanep ka din pala!"
Kinuwento ko na ang lahat kay Andrew. Nung nalaman kong buntis si Jilliane, dali dali na akong pumunta sa bahay nila para ipaalam lahat at kung pwede kumbinsihin nila si Jilliane na ipakasal sa akin. Pinaayos ko na lahat ng papers. Si Jilliane na lang ang hinihintay ko kung sakaling papayag siya.
Pero alam kong mas lalo siyang magalit dahil sa ginawa kong 'to.
Ngayon.. sa akin na ang punta mo, Jilliane.
Gail's POV
"Gail, ano na ang gagawin ko? Ayokong magpakasal kay Liam."
"Liane, may ibang paraan pa ba? Paano na ang anak mo? Gusto mo ba siyang lumaki na walang kinikilalang ama?"
"Ayoko! P-pero..."
"Liane, makinig ka. Isipin mo ang magiging kinabukasan ng anak mo. Gawin mo ang tama for the sake of your baby. Liane, alam kong mahirap magpakasal sa isang taong hindi mo naman talaga mahal. Pero nasa iyo ang desisyon, Liane. Nandito lang ako."
Natigilan si Liane. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Marahil gulong gulo siya ngayon. Kahit ako nahihirapan ako para sa kanya. Pero yun lang ang mapapayo ko. Mahirap iyon. Nakita ko nalang siyang... umiiyak nanaman. Nilapitan ko na lang siya at tinutulungang pagaanin ang loob niya.
Liam's POV
Andaming papers na nakakalat sa table ko. Ano ba naman to! Iniisa isa kong binabasa yun at nerereview. Napatigil ako saglit at hinilot ang noo ko. Sumasakit ang ulo ko dahil sa pag iisip ng mga pangyayari at dagdag pa itong mga papers na dapat asikasuhin dito sa kumpanya.
"Sir, excuse me. May meeting po kayo mamayang 1:30 pm."
"Okay, thank you."
Inikot ko ulit ang upuan ko patalikod. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko. Gusto ko munang makapag relax.
Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong may pumasok. Dahan dahan kong inikot paharap ang upuan ko..
"J-JILLIANE?!"
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up On You (One Shot)
Romance"Kinamumuhian kita Liam! Ayaw na kitang makita pa!" Yan ang katagang binitawan ni Jilliane matapos ang gabing may mangyari sa kanila dahil sa kagagawan ni Liam. Masakit kay Liam ang mga katagang iyon lalong lao na mahal na mahal niya si Jilliane. Ng...