"Liane, tapos ka na ba diyan? Tara! Kumain na tayo sa canteen at ng makapagtanghalian na tayo."
"Teka. Heto na."
kinuha ko na ang bag ko at lumapit na kay Gail. Papunta na kami ng canteen ng biglang nagsalita si Gail, ang kaibigan ko dito sa pabrikang tinatrabauhan ko.
"Alam mo bang pupunta si Sir Andrew dito?"
Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko sa narinig ko.
"Talaga Gail?! Naku! Kelangan ko palang mag ayos para naman kahit papano mapansin ako ni Sir Andrew!" excited kong sabi.
"Tigilan mo 'ko niyan Liane ha. Ano bang mapapala mo diyan sa pag aayos? Tsaka parang di mo naman kilala si Sir. Ang chickboy kaya nun! Nakow! Pag ikaw na-target nun! Sisiguraduhin kong luluha ka ng dugo pag niloko at iniwan ka nun."
Napaisip ako. Tama si Gail. Chickboy nga si Sir Andrew. Siya ang boss namin dito sa Pabrikang tinatrabauhan namin ni Gail. Ang gusto ko lang naman mapansin ako ni Sir. Kahit isang "Hi" o "Hello" man lang galing sa kanya, masaya na ako. Pero masyadong malabo. Mahirap lang ako at mayaman siya. Ano nga ba ang laban ko sa mga babae niya na kutis pa lang, talo na ako. Maputi din naman ako. Pero mas mapuputi nga lang ang mga babae niya.
"O, Liane. Ano ba sayo? Treat ko."
"Yung adobong manok na lang. Salamat."
*
Hapon na at kelangan ko ng umuwi. Nauna na si Gail dahil may lakad pa raw siya. Ano ba 'to! Kelangan ko pang lumakad papuntang kanto para sumakay lang ng Jeep. Tricycle lang kasi ang meron dito.
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang wallet at nilabas ang bente pesos para sa pamasahe ko nang biglang umihip ng malakas na hangin.
Naku! Nilipad ng hangin ang bente pesos ko! Kelangan kong habulin yun. Takbo.. takbo.. Ayun! Buti nalang tumigil ito sa gitna ng kalsada. Medyo malayo pa ako sa kalsada ng kanto kaya tinakbo ko na baka maihip ulit iyon ng hangin. Tumakbo ako at papalapit na ako sa kalsada at hindi ko namalayan ng biglang...
*screeeeeetch*
Liam's POV
"Ano nanaman bang kagaguhan yan, Andrew? Oo na! Oo na! Sa resort nina Glendon? Fine. Fine. I'm on my wa--- shit!"
I immediately hit the brake. Oh fvck! Nakasagasa ako ng babae? N-no. Hindi pwede 'to! Dahan dahan akong bumaba ng kotse at tinignan sa harap kung buhay pa ba yung babae."A-araaaay! Ang paa ko." maiyak iyak niyang sigaw habang nakayuko at hawak hawak ang parte ng paa niya kung saan sumakit.
Thank God. Buhay siya. Nilapitan ko siya at alalayan sanang tumayo kaso tumanggi siya.
"Miss, bubuhatin na kita. I'll send you to the hospital."
"N-no. K-kaya ko to. A-ako n--- araaay!"
Kinakabahan ako. Nilapitan ko siya at bubuhatin na sana ng bigla niya inangat ang ulo niya at doon ko lang siya nakilala..at bigla nalang siyang nahimatay.
*
"Mmmmm.."
Mabilis kong nilapitan ko si Jilliane. Buti naman at gumising na siya.
"Jilliane, okay ka na ba?"
Minulat niya ang dalawa niyang mata at ng makita niya ako, halatang nanlaki ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up On You (One Shot)
Romance"Kinamumuhian kita Liam! Ayaw na kitang makita pa!" Yan ang katagang binitawan ni Jilliane matapos ang gabing may mangyari sa kanila dahil sa kagagawan ni Liam. Masakit kay Liam ang mga katagang iyon lalong lao na mahal na mahal niya si Jilliane. Ng...