Jilliane's POV
Minulat ko ang mga mata ko. Bigla akong napaupo ng malaman kong wala ako sa bahay namin. Napatingin ako sa katawan ko. Wala akong saplot. Dali dali ko kinuha ang mga damit ko at sinuot.
"Jilliane?"
"Walang hiya ka Liam! Pano mo nagawa sakin to?! Paano?! Ang akala ko kaibigan kita!" at bigla ko siyang sinampal. Gusto kong umiyak! Pinagsamantalahan niya ako! Ang akala ko kaibigan ko siya pero nagkakamali pala ako!
"Jil, listen to me..."
"Hinding hindi kita papakinggan Liam! Kinamumuhian kita! B-bat mo nagawa sakin t-to?" Umiiyak na ako at pinaghahampas ko siya sa dibdib.
"All I want Jilliane is just to save you from Andrew! Sasaktan ka lang niya, Jilliane!"
"Hinde! Kinamumuhian kita!!" humakbang siya palapit sakin. "Wag kang lumapit sakin! Sasampahan kita ng kaso! Pinagkatiwalaan kita Liam! Pero ano ang ginawa mo? Ayaw na kitang makita pa!" at tumakbo na ako palabas.
Lumabas ako ng umiiyak. Wala akong pakealam kung ano mang sabihin ng mga tao sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. B-bakit? Bakit niya nagawa sakin 'to?
Liam's POV
"Kinamumuhian kita!"
Ang sakit ng salitang binitawan niya. Oo, kasalanan ko. Gusto ko siyang habulin at mag sorry pero di ko magawa dahil alam kong nangyari na ang dapat mangyari at ginusto ko yon. Ayokong makitang nasasaktan si Jilliane pero nasaktan ko na siya.
I'm sorry Jilliane.
Naramdaman ko nalang na may pumatak na likido sa mga pisngi ko.
---- 4 WEEKS PASSED
Jilliane's POV
Apat na linggong hindi ko siya nakikita. At ayoko na siyang makita pa! Hanggang ngayon, kinamumuhian ko pa rin siya! Hindi ko pinaalam sa magulang ko na may nangyari sa amin ni Liam dahil sigurado akong palalayasin nila ako kung sakaling malaman nila iyon. Si Gail lang ang pinagkatiwalaan ko.
"Liane, ano na ang plano mo?"
"Gusto ko siyang sampahan ng kaso.Pero hindi ko m-magawa. Wala akong pera. Gail, bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko? Bigla nanamang pumatak ang mga luha ko.
"Shhh. Heto tubig. Wag mong sabihin yan, Liane. Nandito lang ako, okay? Hinding hindi kita iiwan." tinatapik niya ang likod ko.
"... sandali. Ikukuha kita ng putaheng niluto ko." tinungo na ni Gail ang kusina para kunin ang putahe.
Pabalik na siya ng maamoy ko ang putahe ng bigla akong nakaramdam ng pandidiri at parang nasusuka ako na ewan.
"Liane, okay ka lang ba? T-teka sandali.."
Dali dali na akong tumakbo papuntang CR at sumuka. Kinabahan ako bigla. H-hindi kaya?
"Liane, ano bang nangyayari sayo?"
"G-gail? Hindi k-kaya... buntis ako?"
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Gail. Dali dali siyang umalis palabas ng bahay. Hindi ko alam kung saan siya pumunta.
10 minuto bago nakabalik si Gail. "Heto, pregnancy test. Pumunta ka na ng CR."
Sinunod ko ang sinabi ni Gail. Wala akong kaalam-alam sa ginagawa ko. Paglabas ko ng CR, nandoon lang siya at tila hinihintay ako.
"Heto."
Binigay ko sa kanya ang pregnancy test. Sagot ko nalang ang iniintay niya. Kinakabahan ako.
"Liane, positive!"
A/N: Sorry for the short update! :)
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up On You (One Shot)
Romance"Kinamumuhian kita Liam! Ayaw na kitang makita pa!" Yan ang katagang binitawan ni Jilliane matapos ang gabing may mangyari sa kanila dahil sa kagagawan ni Liam. Masakit kay Liam ang mga katagang iyon lalong lao na mahal na mahal niya si Jilliane. Ng...