Chapter 6

1.4K 36 0
                                    


Chapter 6
Mark's POV 

Ngayon ko nga pala tuturuan si Gail. Bumangon na ko sa kama, tanghali na rin kasi ako nagising. Di kasi ako nakatulog kagabi. DI AKO PINATULOG NI GAIL! DI NYA TINIGILAN YUNG ISIP KO! Damn.

Na-realize ko na ang tanga ko naman talaga. Bakit ba di ko natanong kung anong oras at san kami magkikita?! Ni-hindi ko nga alam number nya eh.

Tutal, alam ko naman bahay nila, pupuntahan ko nalang sya. Pa-doorbell pa lang ako ng lumabas sya.

"Oh Mark!! Buti nalang pala nandito ka na! Hindi ko rin alam kung pano ba tayo aalis eh hindi ko naman alam kung anong oras o saan, di ko rin alam bahay nyo para puntahan nalang kita o ma-text man lang"  
Napakamot nalang ako sa ulo ko.  "Nakalimutan ko rin eh."

"Saan ba tayo pupunta pala?"  

"Sa clubhouse ko."  

"Wow. Clubhouse ka pang nalalaman dyan."    

Umalis na kami at pumunta sa clubhouse. Dun lang naman yun sa may bandang likod ng bahay namin eh. Di naman yun kalakihan. 

"Wow! Wala ba talagang tumitira dito? Ang ganda!! Sayang naman!"  Binuksan ko yung mga ilaw.

Hinanda ko na yung mga gagamitin namin habang paikot-ikot lang sya at tinitgnan yung mga gawa ko pati yung mga award ko. Dito ko rin kasi nilalagay yung iba. Yung iba naman sa school museum. 

"Grabe ka naman! Ang dami mo namang awards tsaka ang gaganda talaga ng mga gawa mo!" 

"Tara na nga umpisahan na natin."  Pumwesto na ko, syempre kaylangan talaga tsaka concentration, si Gail? Eto, tinitignan lang muna ako, try nya daw pagkatapos ko.

"Ano? Kuha mo na?"  Tanong ko sa kanya. 

"Oo. Kaya ko na yan! Ako pa!"   Sya naman umupo at nagsimula nang gumawa. 

Tinawanan ko lang sya dahil baliko yung ginagawa nya. 

"Alam mo, imbis na tumawa ka dyan tulungan mo nalang kaya ako, no?"

"Tulungan na nga kita! Here-"

Hinawakan ko yung kamay nya. Tumingin sya sakin. Ewan ko kung bakit pero nakatitig lang sya sakin, baka ayaw nyang hinawakan ko sya? 

"Matunaw ako nyan, alam ko nang gwapo ako but staring is rude, you know?"

"Kapal ah!"  Tinusok nya yung daliri nya sa clay at pinunas sa mukha ko at tumakbo. Napailing nalang ako saka gumanti.

Gail's POV
"Tulungan na nga kita! Here."   Halos mapatalon ako ng hawakan nya yung kamay ko. Parang may dumaloy na kuryente sa kamay ko.

Hindi ko nalang namalayan na napatingin na pala ako sakanya. Sa totoo lang, gwapo naman si Mark at maamo ang mukha. Taliwas lang talaga minsan sa ugali nya.

"Matunaw ako nyan, alam ko nang gwapo ako but staring is rude, you know?"  Nanlaki yung mata ko. Nahuli nya akong nakatitig sakanya! At bakit ako nakatitig sakanya?!

"Kapal ah!"  Napaka antipatiko talaga nitong lalaking to! Kung hindi nya lang talaga ako pinagbigyan na turuan ako, baka nasapak ko na 'to eh!

Tinusok ko yung daliri ko doon sa clay at pinahid sa mukha nya saka tumakbo. Humabol naman sya saka gumanti sakin!

"M-Mark, tama na pagod na ko! Ayoko na!!"  Hinihingal na ako! Takbo kaya kami ng takbo habang natawa. Grabe talaga sya!

"Not until makabawi ako sayo, wait!"  Nilagyan na naman nya ako sa mukha saka tumawa ng malakas!

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon