Chapter 9

1.1K 29 3
                                    


Chapter 9
Gail's POV 

Nandito kami ngayon sa canteen kasama sila Kim, Kier, Mark and Lee. Uwian na at nagpapalipas nalang kami ng oras dito.

"Kier, ok na ba kayo netong bessy ko?"  Tanong ko kay Kier.

"Tinatanong pa ba yan, bessy? Syempre oo!"  Singit naman nya. Mabuti naman, kasi ako na naman ang da-dramahan nitong babaeng 'to kapag nagkataon na hindi pa rin silang okay dalawa.

"Anong oo? May kasalanan ka pa rin sakin."  Sumimangot naman sakanya si Kim.

"Wag kang nagpapa-cute. Ang panget di bagay."  Sabi naman ni Mark. HAHAHAHA.

"Aray ko naman Mark! Kier ko oh! Inaaway ako ni Mark!" 

"Eh totoo naman eh, di bagay HAHAHA."  Nag apir pa silang dalawa kaya nagtawanan kami.

"Gail oh, inaaway ako nyang boyfriend mo."

"Wala naman akong boyfriend." 

"Si Mark!"

"Weh bessy joke ba yun? Tatawa na ba ako?"  Pambabara ko. Lagi nalang nyang ipinipilit sakin si Mark. Ang kulit nitong babaeng 'to.

"Sabi ko nga hindi."  Saka na naman sya nag pout.

"Alam nyo, ang saya nyong ksama. Ang kukulit nyo! Parang wala kayong kaproble-problema "   natatawang sabi ni Lee kaya napangiti ako.

"Ganun talaga."

Maya-maya ay nagkahiwa-hiwalay na rin kami ng dumating na yung kanya-kanya naming sundo. Medyo natagalan lang ako dahil parang pamilyar sakin yung sasakyan ng sumundo kay Lee pero hindi ko na rin masyadong inisip. Baka kaparehas lang.

Lee's POV
Sabay sabay kaming naghintayan ng sundo. Ako ang pinakahuling nasundo pero okay lang naman dahil hindi naman ako naiwang mag-isa. Ipapakilala ko pa sana sakanila ang boyfriend ko kaso nag-alisan na rin.

"How's your day, Moo?"  Inayos ko yung seatbelt ko bago tumingin at ngumiti sakanya.

"Masaya, may mga bago na agad akong kaybigan. Ang ba-bait nila."

"Mas masaya ba silang kasama kaysa sakin?" 

"Kheen naman eh!" 

"Just kidding!"

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon