Chapter 13

1.1K 28 1
                                    


Chapter 13 
Mark's POV

Pumasok na ako kinabukasan. Wala rin namang magagawa yung pagtunganga ko sa bahay dahil ginugulo rin naman ako ni Yana.

"Mark! Bakit absent ka kahapon?!"  Nagulat ako ng tumakbo palapit sakin si Gail saka ako niyakap. A-Anong nangyari dito?

"G-Gail?!"  Tinignan ko si Kim pero nagkibit balikat lang sya.

"May problema ba?"

Humarap sya sakin saka ngumiti. Hinampas pa nya yung balikat ko.  "Ano ka ba, na-miss lang talaga kita."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya.

"U-Umupo na nga lang tayo."  Napailing kong sabi.

"Ok!"  Masaya nyang sabi at nauna pa sa aking umupo.

Simula ng klase hanggang sa matapos, napansin ko lang na ang tahimik nya. Malayong malayo sa sobrang daldal na Gail. Ano bang problema nito?

Nilapitan ko sya saka tinapik sa noo.  "Bakit ba ang tahimik mo?"

"H-Ha?!"  Tinitigan ko sya.

"Sabihin mo, may problema ka ba?"

"Ha? Ako?"

"Oh sige, ako nalang."  Napakamot nalang ako sa ulo ko. Minsan talaga ang tanga kausap nitong babaeng to. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagugustuhan ko sya. Pambihirang buhay naman oh.

"Eto naman eh!"  Saka sya tumawa at humampas pa sa akin.  "Wala akong problema."  Sabi nya saka ngumiti. Kung ibang tao lang siguro to, kanina ko pa iniwan! Tsk.

"Wala kang maloloko dito. Wag ako Gail ha. Ano ba kasi?!"  Naiinis ko nang tanong.

"Wala nga kasi! Paulit ulit lang?"  Tangna, kabwisit kausap.

Gail's POV

"Moo, paano kung makahanap ka ng babaeng higit sakin? Iiwan mo ako?"

"Hinding hindi mangyayari yun Moo. Ikaw lang sapat na sakin."

Napahinto ako. Hindi ko sinadyang marinig yung usapan nila, at imposible naman akong magkamali. Alam kong sila yun. Masakit. Masakit dahil dati, sa akin nya sinasabi yan.

"Nagkagirlfriend ka na ba bago ako? Is she better than me?"  Parang huminto yung pagtibok ng puso ko kasabay ng paghinto nya. Matagal bago sya sumagot.

"Wala pa. At kung meron man, hindi ka naman nya mahihigitan. Ikaw pa ba?"  Kumirot yung puso ko sa narinig ko. Ilang beses nya ba ako kaylangang itanggi? Hindi ba madaling sabihin na naging kami o na may naging girlfriend na sya dati? Bakit ba ganun sya?!

"Ikaw ang first girlfriend ko Moo. Wag ka na ngang magtanong ng magtanong."  Lalo akong naiyak sa narinig ko. First? Wow. Ang alam ko kasi ako ng first girlfriend nya eh? Oh ganyan din yung sinabi nya sakin? Ako ang una kahit hindi naman pala? Napakasinungaling nya. 

"Sige na nga. Hintayin nalang kita dito mamaya ha. I love you!"

"I love you too."  Saka sila naghiwalay ng daan. Pinunasan ko na yung luha ko at aalis na sana ng may tao na pagharap ko.

"Well, well, well. Look who's here."  Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Agad kong pinunasan yung luha ko.

"Jane ayoko ng gulo."

"I see, sya na pala yung bago ni Kheen. So ano ka na ngayon?"

"Pwede ba?"  Daan na sana ako ng higitin nya yung uniform ko.  "Ano ba?!"

Hindi nya ako pinansin saka ngumisi.  "Bakit ka umiiyak?"  Pinunasan ko yung mukha ko, lalo syang ngumisi. Masaya na naman sya. Masaya na naman syang nasasaktan ako.

"Wala."

"Eh ikaw naman kasi. Tinutulungan na nga kita dati. Pinapamukha ko na nga sayo na hindi ka mahal ni Kheen pero ano? Umasa ka pa rin? Masyado ka kasing ambisyosa."

"Jane, please. Tumigil ka na."

"Ano? Masakit ba? Masakit ba na nararanasan mo na rin ang naranasan ko dati? Na yung bestfriend mo ay ang girlfriend ng pinaka mamahal mo?"   Naalala ko na naman yung nakaraan. Nakaraan na pilit nyang binabalik sakin halos araw araw na magkita kami.

"Bakit ba kasi hindi mo nalang kalimutan yung nangyari? Matagal na yun Jane, isa pa. Wala na kami. Sana naman tigilan mo na ako."

"Gusto ko lang na maranasan mo yung sakit na naranasan ko. You deserve it anyway."

Napasabunot ako sa buhok ko. Eto na naman ba?  "Ngayon masaya ka na?"

"Oo."

"Masaya ka na pala eh. Lubayan mo na ako."

Umalis nalang ako. Sobrang sakit na eh. Masakit na marinig yun sa dati mong bestfriend, lalo na kung totoo. Bakit ba kasi wala si Mark eh? Bakit ngayon pa sya umabsent? Kung saka naman kaylangan ko sya.

Hindi ko naman na masabi sakanya yung problema ko. Masyado na akong dumadagdag sa pasanin ni Mark. Nakakahiya. Pero masaya ako na nandito na sya. At least, hindi na ako malulungkot pa ulit.

"Ay wait. Naiwan ko yung libro ko sa taas. Saglit lang babalikan ko."  Tumakbo ako pabalik.

Mark's POV
Naglakad lakad muna ako sa campus habang hinihintay na bumalik si Gail. Ang tanga talaga nun minsan, libro nalang naiiwan pa. Tsk.

"So, what happened?"  May narinig akong pamilyar na boses. Sinilip ko yun saka nakita yung Jane na may kasamang isa pang babae. Tsk, mga babae talaga. Aalis na sana ako ng narinig ko yung pangalan ni Gail.

"I saw Gail earlier. She was crying."   What the hell?

"Oh? Bakit?"

"I guess, dahil kay Kheen at yung bago nyang girlfriend na transferee. Nakita nya kasi."

Napayukom nalang ako ng kamao ko sa mga narinig ko. Bakit ba ang hina hina nya?! Bakit ba hanggang ngayon mahal nya pa rin yung lalaking yun?!

Umalis na ako doon. Naiinis ako. Nagagalit na naman ako sakanya.

"Tara na! Nakuha ko na!"  Nakangiti syang lumapit sakin.

"Gail, ano bang problema?"  Tanong ko kahit alam ko naman na talaga. Gusto ko lang malaman kung sasabihin nya.

"Unli? Wala nga!"

"Tungkol na naman ba to kay Kheen?! Inaway ka na naman nung Jane?!"

"H-Ha? H-Hindi! Ano ka ba?! Bakit mo ba pinagpipilitan?!"

"Sabihin mo yung totoo."

"Bakit ba?! Bakit ba nagagalit ka?! Bakit ba gusto mong malaman?!"

"KASI NAIINIS AKO!!"  Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Gulat syang nakatingin sakin.

"Naiinis ako! Naiinis ako na nagkakaganyan ka! Hindi mo pa ba alam?! Napakawalang kwenta ng lalaking iniiyakan mo! Kinakaila ka nya! Niloloko nya si Lee! He doesn't know how to man up and tell her that you're his ex! Dinedeny ka nya! Hindi ka nya mina-"   Nagulat ako at napahinto. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal nya.

Hindi sya nagsalita pero nakatingin sya ng masama sa akin.

"Ano bang alam mo?"  Hindi ako nakapagsalita.  "Wala kang alam Mark. Wala."

Tatalikod na sana sya ng hinawakan ko yung kamay nya saka sya niyakap.

"Please, kalimutan mo na sya."  Halos bulong ko na sakanya. Nagpumiglas sya nung una pero bumigay rin.

"Hindi ako kasing lakas mo Mark. Mahina ako. Hindi ko alam kung bakit ba ako ganito. Ayoko nang maging ganito Mark. Nakakapagod na."  Niyakap ko sya ng mahigpit at niyakap nya rin naman ako.

"Bakit ba kasi pilit kang lumilingon sa nakaraan mo? Humarap ka na kasalukuyan. Bakit ba sya yung laging tinitignan mo kung nandito naman ako?"

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon