Chapter 25

1.1K 29 6
                                    


Chapter 25
Gail's POV

"Bessy! Ano ba?! Ang tagal mo naman!"

"Oo na! Bababa na!"

Huminga ako ng malalim. Hoo! Eh kasi naman eh! Nahihiya ako sa suot ko ngayon! May formal date kasi kami ngayon ni Mark.

Ewan ko ba kung bakit sa halos dalawang buwan na syang nanliligaw sakin ay medyo nahihiya pa ako sakanya.

"Wow, bessy!"  Bahagya akong namula. Napakagat ako sa labi ko. Nakakahiya.

"You're stunning, Gail. W-Wow."  Lalo yata akong namula sa sinabi ni Mark. Diretso ang tingin nya sakin saka sya ngumiti. Ang gwapo gwapo nya sa suot nyang three-piece suit.

"For you."  Napangiti ako saka kinuha yung inabot nyang magandang bouquet ng bulaklak.

"S-Salamat."

"Let's go?"  Pag-aalok nya sakin ng kamay pababa. Ngumiti ako saka 'yon tinanggap at tumango.

-

Huminto kami sa isang maganda't maliwanang ng garden. Gabi na kaya nag ii-stand out ang makikinang at maliliit na ilaw. May nagkalat na rose petals sa berdeng berdeng damuhan at nakalatag na red carpet.

Lumapit kami doon sa nakahandang mesa. Ang ganda ng set-up.

Hinila nya yung upuan para sa akin.

"Thank you."  Inilapag ko muna yung bulaklak sa mesa.

"This is our first formal date."  Nakangiti nyang sabi.

"Oo nga, ano?"  Napa-isip ako. Lumalabas naman kami pero madalas mall lang o kaya park o anumang ma-tripan namin. Ngayon lang yung ganito.

"And honestly, this is really harder than I thought."  Medyo natawa ako ng mapahawak sya sa batok nya na parang nahihiya.

"Hindi mo pa ba nagagawa 'to sa ibang babae?"  Natatawa kong tanong na medyo nagpakunot ng noo nya.

"Nope. Sinabi ko naman na sayo diba, lahat ng 'to bago sakin. Ngayon lang ako nagka-ganito. Ikaw ang first love ko."

Napakagat ako sa labi ko ng sabihin nya 'yon. Uh, kinikilig ako! Bakit ba?!

Hindi na ako nakapag salita pa. Bigla nalang may tumugtog na kanta. Mabagal at masarap sa tenga.

Lumapit sya sakin saka inalok ang kamay nya.  "May I have this dance?"

"Of course."  Ngumiti ako saka ipinatong yung kamay ko sakanya.

Inilagay nya sa bandang balakang at baywang ko ang mga kamay nya saka ko naman ipinatong ang mga kamay ko sa balikat nya.

Tumawa sya kaya napakunot ang noo ko.  "Bakit?"

Saglit syang napahawak sa batok nya pero binalik nya rin yung kamay nya sa bandang baywang ko habang patuloy kaming nagsasayaw.

"I am just so happy. Wala na yatang eksaktong salita ang makakatumbas sa sayang nararamdaman ko ngayon."

Napangiti ako.  "Ako rin."

Bahagya akong nagulat ng ilapit nya ako sakanya. Para na nya akong niyayakap. Isinandal ko sa dibdib nya ang ulo ko habang yakap ko na rin sya sa leeg. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang daming kung anong parang gustong lumabas sa tyan ko.

"Ramdam mo ba yung bilis ng tibok ng puso ko? Ikaw lang ang nakakagawa sakin nyan, Gail. Ngayon ko lang naramdaman na bumilis ang tibok ng puso ko na hindi naman napapagod."

Lalo akong napasandal sa dibdib nya dahil doon. Posible pala yun? Na maramdaman ko rin yung bilis ng tibok ng puso nya? Parang nagpapalakasan ang tibok ng puso naming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam.

"Gail, mahal kita."  Halos mapahinto ako. Lalo pa yatang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagwawala na ang sistema ko!

Hinawakan nya ang chin ko saka inangat para mapatingin ako sakanya. Titig na titig sya sakin.

"Mahal na mahal na mahal kita. Hindi pa nga yata sapat kahit ilang libong beses ko pang banggitin ang salitang mahal para lang mapantayan ang pagmamahal ko sayo, Gail."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Kung hindi pa nya pinunasan ang pisngi ko ay hindi ko pa malalaman.

"Sana pagbigyan mo ako."  Nakasunod lang ang tingin ko sakanya ng unti-unti syang humiwalay sakin saka lumuhod sa harap ko.

Kinuha nya yung kamay ko saka iyon hinalikan. Hindi ako makagalaw. Para akong nag-yelo sa kinatatayuan ko.

"Ngayon ko lang naranasan yung ganito. Yung magmahal ng ganito. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya at kasarap sa pakiramdam 'to. Iba'ng-iba. I'm really happy with you. At gusto ko pang makasama ka pa. So..."

Lalong tumulo yung mga luha ko. Natawa rin ako. Kung makaluhod at makapag-bigay naman ng speech 'tong taong 'to akala mo yayayain na akong magpakasal!

"Please, please be my girl, Gail."

Napakagat ako sa labi ko. Nanatili ang tingin namin sa isa't-isa. Napangiti nalang ako saka tumango. Biglang sumilay ang ngiti sa labi ni Mark.

"So...Uh?"

"Yes. Oo na. Girlfriend mo na ako."  Tumango pa ako kasabay ng lalong pagtulo ng luha ko.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon