Chapter 5

1.7K 34 0
                                    


Chapter 5
Gail's POV 

Napamulat ako pero ayoko pang bumangon. Ayokong pumasok! Nahihiya kasi ako dahil sa pinagkekwento ko dun kay Mark. Lagi ko pa namang kaaway yun! Nakakahiya tuloy.

Kahit ayaw ko pumasok ngayon, wala naman akong magagawa eh. Kaya bumangon na ko at ginawa ang daily routine ko tapos pumasok na.

Palapit pa lang ako sa room ay sinasalubong na ako ni Kim.

"BESSY! OK KA LANG BA?"  Napaatras agad ako sa salubong nya. Nakakaloka talaga 'to, ang aga aga pa!

"Ha? Bakit?"

"Nabalitaan ko bessy na tinambangan ka na naman daw ni Jane and 'd demons?"  Makasalita naman to, para naman akong sinalubong ng gangsters sa kanto.

"Ang bilis ng chismis, ha?"  Natatawa kong sabi.

"Ok ka lang ba?" 

"Oo naman. Keri ko to, ako pa!"  Tapos napatingin ako sa lalaki dun sa may bandang likod nya. 

"Hi, Friend!"  Sigaw ko.

"Nandyan si Kier?"  Tanong ni bessy na hindi nalingon.

"Hindi."

"Eh sino?"  Halatang nagtataka sya kasi naman, sila nga lang yung bestfriends ko. Marami rin akong kaybigan pero iba talaga sila. 

"Si Mark!"

Mukha namang nagtaka sya sa reaksyon sya.

"Oh ba-bakit?"  Tanong ko sa kanya. 

Nilapit nya yung mukha nya sa akin. Yung mukhang nang aasar?

"Aba't kaylan pa kayo naging magkaybigan ni Mark ah?"  Nang aasar nga sya! 

"Kahapon?"

"Ayiee!!"  Pinakitaan nya ako ng napakalawak nyang ngiti. 

"Bakit masama ba?"  Tapos nag taas ako ng kilay. Para namang may ginawa akong masama.

"HINDI! Well, good for you bessy. Hahaha!"  Tapos tumakbo na sya pabalik sa room pero may sinabi pa sya kay Mark.

Akala nya di ko narinig ha? Narinig ko kya! 

"Ingatan mo si bessy ko ah!"  Aba ang daming alam ng bessy kong loka loka! 

Tinignan ko si Mark na naka ano-daw look. Tapos lumapit sya sakin.

"Morning!"  Nakangiti nyang bati sa akin.

"Morning?"  Tapos nag taas ako ng kilay sakanya. Ngayon ko kang yata sya nakitang nakangiti ng ganyan, ha?

"Pasok na tayo?"  Pero hindi pa ako nakakasagot ay hinila na nya ako papasok ng room.

Pagpasok namin sa room ay nawindang ako. Nakatingin silang lahat sa amin. Ugh, sikat nga raw pala ito. Ni-hindi ko pa rin alam kung bakit.

"What are you looking at?"  Taas kilay na tanong ni Mark sa kanila then yung iba umiwas nalang ng tingin kaya dumiretso na kami sa upuan namin.

"May transferee daw tayo ngayon."  Sabi nya.

"Wow? Talaga? Sino daw?"   Tanong ko naman. 

"Aba malay ko."  Ayan na naman sya sa pagiging antipatiko nya!

"Ang antipatiko mo talaga!"  Inis kong sinabi sa kanya.

"Wow thanks."

"Whatever!"  Di ko nalang sya pinansin. Nakakainis naman 'to.

Dumating na si Sir. Marami pa syang sinabi saka pinapasok yung transferee. Babae, maganda sya at mukhang mabait. Gusto ko na agad syang maging kaibigan!

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon