Chapter 1

3.2K 54 5
                                    


Chapter 1
Gail's POV 

"Bess, ayun oh may mga cute na damit pa dun. Taraa!"  Excited naman masyado tong si bessy. Imbis na gamit ang bilhin puro damit ang iniintindi.

"Wait lang naman bess. Ang sakit na ng paa ko eh. Tsaka ano ka ba nandito tayo para bumili pa ng kulang nating gamit. Hello first day of class na bukas." 

Hayy loka loka talaga tong bestfriend kong to. Bukas na kasi pasok eh hindi pa namin kompleto yung gamit nmin.

"Okay lang yan bessy, sige na."  Napilitan pa tuloy akong mag lakad papunta dun. Ang sakit na ng paa ko grabe.

Pagkatapos namin mag shopping nitong ni bessy, sinundo sya ng magaling nyang bf na si Kier dito sa mall and guess what, naiwan pa kong mag isa dito. Ang sakit na talaga ng paa ko. Makapag pahinga nga muna sa tabi. Ayokong magkapaltos. 

Uupo na sana ako sa nakita kong bench ng may nakabangga sa akin. Ugh.

"Ouch! Hey watch out."  Sabi ko na hindi natingin sa kanya nagsilaglagan kasi yung mga pinamili ko, medyo marami pa naman. Hassle.

"Kaw nga dyan eh."  Aba't ako pa ngayon ha?

Tumayo ako at tumingin sa kanya. Sayang, gwapo sana eh. Wala nga lang manners.

"Anong ako? Hello, wag ka kasing mag text habang nag lalakad lalo na sa public places." 

"Edi ako na. Sorry. Okay na?"   Hindi pa sya serious sa sorry nya. Inis!

"Mag so-sorry ka nalang galit pa." 

"Nag so-sorry na nga diba? Kung di mo matanggap yung sorry ko wala na kong kasalanan dun" 

"Kung ganyan lang din naman yang sorry mo. Nevermind nalang wag ka ng mag sorry!" 

Pinulot ko nalang yung mga gamit ko. Ugh, wala na ngang manners, mayabang pa. Hindi pa gentleman! Men these days!

"Hey, ikaw ba hindi mag so-sorry?!" 

"At bakit naman ako mag so-sorry eh ikaw naman ang may kasalanan?" 

"Ako lang ba?" 

"OO!!"  Medyo pasigaw kong nasabi.

"Aba naman ako lang talaga ha, MISS SUNGIT?!"  Nilakasan pa nya yung miss sungit daw.

"ANTIPATIKO!" 

Umalis na ko. There's no point of talking to him anyway. Bwisit yung lalaking yun. Parang nawala yung sakit ng paa ko at lumipat sa ulo ko. Bwisit sakit sa ulo yung antipatikong lalaking yun! 

Mark's POV  
Mom Calling.. 

"Hello ma?" 

(Mark, aalis kami ng daddy mo ngayon.)

"San na naman po kayo pupunta?" 

(Sa States. Biglaan kasi eh, kaylangan kami dun.)  Tsk. Sabi na eh. Lagi nalang. Well, sanay naman na kami ni Briana sa kanila. Nakakainis lang talaga at masyado silang busy. 

"Ok, ma. Ano pa bang bago?"

(I'm sorry, son. Bantayan mo yung kapatid mo ha?) 

"Opo ma, alam ko na po yun. Pauwi na rin po ako. Hintayin nyo na ko."

(Hindi ka na namin mahihintay, nandito na rin kasi kami sa airport.)

"Eh alam na po ba ni Briana?" 

(Hindi pa nga eh. Tawagan mo nalang o itext mo ha, kasi malapit na flight namin.)

"Ah sige po ako na po bahala. Ingat nalang po kayo." 

(Kayo rin ng kapatid mo, ha? Bye. Love you.)

Napabuntong hininga nalang ako. Ni-hindi pa nga sila tumatagal ng isang linggo dito. Tsk.

Nilabas ko yung phone ko at itetext na sana si Yana ng may nakabangga ako.

"Ouch! Hey watch out!"  Sabi ng nakabangga kong babae.

"Kaw nga dyan eh!"  Asar. Badtrip na nga ako, dagdag badtrip pa. Muntikan nang malaglag yung cake. Sht.

 "Anong ako? Hello! Wag ka kasing mag text habang nag lalakad lalo na sa public places."

"Edi ako na. Sorry. Okay na?"

"Mag so-sorry ka nalang galit pa!"  Problem with girls, nag sorry ka na galit pa rin sila. Tsk.

"Nag so-sorry na nga diba? Kung di mo matanggap yung sorry ko wala na kong kasalanan dun."

"Kung ganyan lang din naman yang sorry mo, nevermind nalang! Wag ka nang mag sorry."

Pinulot nya ulit yung mga nalaglag nyang gamit. Tutulungan ko na sana kaso mainit ang ulo nitong babaeng 'to.

"Hey, ikaw ba hindi mag so-sorry?"   

"At bakit naman ako mag so-sorry eh ikaw naman ang may kasalanan."

"Ako lang ba?" 

"OO!! "  Nagulat ako ng sumigaw sya.

"Aba naman ako lang talaga ha? MISS SUNGIT!"  Maganda sana sya, napaka-sungit nya lang din. Tsk.

"ANTIPATIKO!" 

Umalis na sya matapos isigaw sakin yun. Ugh, sya pa lang ang nagsabi sakin na antipatiko daw ako. Tsk. Hindi ako makapaniwala. Badtrip.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon